Tuesday, October 19, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 20


Chapter XX


            “It’s me, James,” wika niya at nagpakita dito.

            “What are you doing here?!” galit na sigaw nito.

            Namumutla ito at nagpipilit na bumangon sa pagkakahiga. Umubo ito, kaya napalapit siya sa kinaroroonan nito at umupo sa gilid ng kama. Nakatingin sa kanya ito ng masama. Napabuntong-hininga si Devon bago sinipat ang noo nito. Sobrang init ng temperatura ni James kaya lubos siyang nag-alala. Nagulat siya nang biglang alisin nito ang kamay niya.

            “Why are you here? Will you please leave me alone!”

            Babangon sana uli ito, ngunit sumakit ‘ata ang ulo nito dahil sinapo nito ang sintido.

            ‘You’re so hard-headed, James’ wika niya sa sarili.

            “Kung ako sa’yo, ‘wag mo ng ambisyoning bumangon dahil ‘di mo kaya,” aniya na nangingiti na lang dahil sa katigasan ng ulo ng kaharap niya.

            “Who the hell are you para pagsabihan ako? Get out.”

            “No, James. I will stay here, whether you like it or not.”

            Lumabas sandali ng kuwarto si Devon at kinuha ang medicine kit na pinadala ng ninang niya. Alam daw kasi nitong walang gano’n sa condo ni James.

            Napasukan niya si James na nakapikit ang mata, pero alam niyang hindi ito natutulog. Umupo uli siya sa tabi nito.

            “James, put this in your armpit,” tukoy niya sa thermometer. Hindi ito umimik.

            “If you won’t do it. Ako ang maglalagay.”

            Hindi parin ito umimik. Bigla niyang hinila ang kumot nito pababa.

            “What the hell?!”anito.

            Binigyan niya ito ng nang-iinis na ngiti bago itinaas ang manggas ng damit nito at inilagay doon ang thermometer.

            “Are you gonna kill me or what?”

            “Kaya umayos ka para maganda ang trato ko sa’yo.”

            Kinuha niya ang thermometer at tiningnan ang body temperature ni James.

            “My God, thirty eight degrees. Buti at nakayanan mo pa. Kailan ka pa ba may sakit?”

            Hindi ito nagsalita. Nakapikit lang at tila nag-iimagine na wala ang presensiya niya doon. Pinalo niya ito.
           
            “Ouch! Ganyan ka ba mag-trato ng pasyente?” reklamo nito.

            “Oo, kung ang pasyente ko ay yung tulad mong matitigas ang ulo. Hala, kailan ka pa ba mayroong lagnat?”

            “Last night.”

            “Last night pa? Grabe ka talaga. Mabuti pa umidlip ka muna. I’ll cook porridge. Iyon muna ang kainin mo bago ka uminom ng gamot.”

            Nangalikot na siya sa kusina nito. Kumpleto naman ang gamit doon. Nagluto siya ng lugaw at nilagyan lang ng kaunting asin upang magkalasa. Pagkaluto ay naglagay siya sa mangkok at dinala iyon kay James.

            “James,” tawag niya at niyugyog ito ng malumanay para magising. “Kumain ka na, habang mainit pa.”

            Nagpasalamat siya at naging masunurin naman ito at hindi na nakipagtalo pa. Hinang-hina ang katawan nito kaya siya na ang nagsubo dito. Pagkatapos kumain ay pinainom niya na ito ng gamot.

            “James, take off your shirt.”

            Napatingin itong bigla sa kanya.

            “Don’t be silly. I’ll just give you a massage para bumaba ang lagnat mo.”

            Pagkarinig nito sa masahe ay nanghihinang hinubad nito ang t-shirt at dumapa. Kinuha niya ang oil na kasama sa medicine kit. Pagkatapos niyang masahiin ito ay nakatulog na ito. Kumuha siya ng cold compress at inilagay sa noo nito.

            Nasa sala si Devon at nanood nang marinig niya na tinatawag siya ni James. Sumilip siya sa kuwarto nito. Nagtaka siya dahil tulog naman ito. Pabalik na siya sa sala nang marinig niya uli ang pangalan niya. Pumasok siya at nilapitan ang natutulog na si James. Pinagmasdan niya ito.

            “Devon-” usal nito.

Nananaginip nga si James. Umupo siya sa tabi nito.

“Why did you leave me-?” anito at nakita niya ang munting butil ng tubig sa gilid ng mata nito.

He’s still hurting, the same way how she feels. She loves this man. Pero hindi niya alam kung pa’no uumpisahan ang pagbawi sa pagmamahal nito. Lumapit nang bahagya si Devon kay James at hinalikan ang noo nito.

Sinipat niya uli ang noo nito at napangiti siya nang bumaba na ang temperatura ni James. Hindi niya pa maiwan ito, dahil baka bumalik uli ang taas ng lagnat nito. Tinawagan niya si Coleen at sinabi dito kung nasaan siya at bukas na rin ang uwi niya. Ito na daw ang bahala magdahilan sa papa nila.

It’s almost seven in the evening kaya nagsaing siya at nagluto ng uulamin niya. Pinagluto niya rin si James ng sopas para sa hapunan nito. Pagkatapos niyang kumain ay dinalhan niya na ng pagkain si James sa kuwarto. Tulog parin ito pag pasok niya sa kuwarto. Ginising niya ito at sinubuan bago pinainom uli ng gamot. Nakatayo na siya dala ang pinagkainan nito nang magtanong si James.

“It’s already late. Hindi ka pa ba uuwi?”

“Nope, I’m staying here. I’ll just go home tomorrow.”

Natahimik ito at nagkibit-balikat na lang. Nginitian niya ito at bumalik na sa may kusina.

            Hindi alam ni Devon kung saan matutulog. Hindi naman siya puwede sa sala dahil napakaliit naman ng couch doon. Pumunta  siya sa kuwarto upang tanungin si James kung may extra mattress ito. Nadatnan niya itong nagbabasa ng libro.

            “Gusto mo bang mabinat James?” tanong niya rito na nakapamaywang. Tinapunan lang siya nito ng tingin at nagbasa ulit.

            Her nose wrinkled. Hinablot niya ang libro nito at binigyan ng ngiting mapang-asar.

            “I’m not sleepy yet. Anong gusto mong gawin ko dito? Titigan ang kisame hanggang mamuti ang mata ko?” inis na sabi nito.

            Nilapitan niya ito at sinipat ang noo. Wala na itong lagnat, kaya siguro medyo nakaupo na ito ng ayos sa kama. Binigay niya ang libro dito.

            “Go read. Do you have an extra mattress?”

            “In my cabinet,” tipid nitong sagot.

            Nilatag niya ang mattress sa sahig at nahiga na. She’s tired. Buti na lang may extra clothes siyang dala kaya nakapagpalit siya ng pambahay.

            “You’re gonna sleep here in my room?” tanong ni James.

            Humarap siya dito. Sa may tabi kasi ng kama nito niya nilatag ang higaan.

            “Yup,” aniya at nagtalukbong ng kumot. She’s way too tired para makipa-argumento kay James.

            Naalimpungatan si Devon nang marinig na tila nananaginip si James. Binuksan niya ang lamp shade at nakita niya ito na pinagpapawisan. Ginising niya ito dahil tila binabangungot. Pagkadilat ng mga mata nito ay tinitigan siya ni James at biglang niyakap. Mahigpit ang yakap nito at tila ayaw na siyang pakawalan.

            “Devon- please stay. Don’t ever leave me again. Please-” anito na nanghihina.

            She was really happy. Ibig sabihin mahal parin siya nito.

            “I won’t leave you again, James,” aniya.

            Nakayakap parin ito sa kanya. Minabuti niyang humiga na lang sa tabi nito dahil nahihirapan siya. Nakatagilid ito paharap sa kanya and he was hugging her tightly. He kissed her forehead bago muling ipinikit nito ang mga mata. Nakatulog silang dalawa na magkayakap. Devon prayed na hindi na sana muling matapos ito.

Monday, October 18, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 19


Chapter XIX

            Nagpunta si James sa bahay nila Fretzie kinahapunan, dahil sa kaarawan nito. Ivan called him and said that they were now in Manila. Nagustuhan ni Fretzie ang regalo niya ditong bracelet.

            Bukod sa pamilya ni Fretzie at ni Ivan ay siya pa lang ang naroon sa tropa nila. Tricia’s in the State and Anne was in a tour with her boyfriend. Nakaupo silang tatlo sa isang lamesa sa may pool side. They were drinking wine when Fretzie’s sister announced that Ken already arrived.

Lumapit si Ken sa table nila. Binati nito si Fretzie at nakangiting umupo sa bakanteng upuan. Pumasok naman si Fretzie sa loob ng bahay.

“How come Coleen wasn’t here?” tumatawang tanong niya rito. Di kasi puwedeng di magkasama ang mga ito ‘pag dumadalo sa mga gatherings.

“I came with her. Nagpunta lang silang C.R.”

“Sila?” Si Ivan.

“Yeah, with her sister,” at sumulyap sa kanya pareho ang dalawang kaibigan. Natahimik lang siya at iniba ang tema ng kuwentuhan nila.



“Bes, miss na kita,” wika niya kay Fretzie pagkakita dito. Niyakap niya ito nang mahigpit.

“Miss na din talaga kita. Ang daya mo kasi di ka man lang umuwi dito kahit isang beses”

“Pa’no busy.” Si Coleen.

“Hay naku! Huwag ni’yo akong pagkaisahan. Hala, tara na, nag-aaway na ang mga alaga ko sa tiyan,” aniya na ikinatawa ng dalawa.

“Hanggang ngayon, matakaw ka parin,” alaska ni Fretzie.

Napansin ni Devon ang pagtiim-bagang ni James nang makita siya nito kasama sila Fretzie papunta sa may pool area. Binati niya  si Ivan, gayundin ito sa kanya. Coleen suggested that they should eat first bago makipaghuntahan sa mga kaibigan.

Parang di malunok ni Devon ang pagkain, dahil sa tensyong nararamdaman. Ayaw niyang tapunan ng tingin si James sa takot na makita ang galit sa mata nito.

Hindi niya alam kung pa’no niya naubos ang laman ng plato. Kinamusta siya ni Ivan at ni Fretz.

“Devon, how’s living in L.A.?” Si Ivan.

“Wonderful,” tipid niyang tugon.

“Tell me, may boyfriend ka bang naiwan do’n,” biglang singit ni Fretzie na nasa tabi niya lamang.

Sinipa niya ito sa ilalim. Tumawa lang ito.

“Oo nga. For sure marami kang suitors,” segunda naman ni Ken.

Napangiti lang siya. Gusto niyang dagukan ang dalawa. Alam naman ng mga ito ang sitwasyon nilang dalawa ni James.

“Ay, oo nga pala. Di ko nabanggit sa inyo, nakilala ko last year yung closed friend ni Devon-” napatingin ang kapatid niya sa kanya, kaya pinanlakihan niya ito ng mata. Nginitian lang siya nito.

“Si Sam, guwapo yun. Dancer sa university nila, galing sumayaw. Di ko nga alam kung bakit ayaw sagutin ng isa diyan,” tukso nito sabay bungisngis.

Inulan tuloy siya ng kantiyaw ng mga kaibigan. Tumingin siya kay James, he’s staring at her kaya binawi niya ang tingin.

Gabi na natapos ang birthday ni Fretzie. Hinatid sila ni Fretzie sa labas. Si Ivan naman ay doon matutulog. Nag-aalala siya kay James, dahil nakainom ito at magmomotorsiklo lang pauwi. Naunang umalis ito at nagpaalam na. Samantalang silang dalawa ni Coleen ay inihatid muna ni Ken sa bahay nila.



           Naisip ni Devon na dalawin ang ninang niya. Napag-alaman niyang nag-asawa na ito muli at nagkaroon pa ng isang anak.

            Nag-doorbell si Devon. Halos walang pinagbago ang village na dati niyang tinirahan. Bumukas ang gate at lumabas mula doon si Manang Lita.

            “Devon, ikaw ba ‘yan hija?” gulat na tanong nito.

            “Opo. Ako nga po ito Manang.”

            Niyakap niya ang matanda. “Namiss ko po ka’yo” aniya.

            “Sobrang ganda mo hija. Di kita nakilala. Halika pasok, nasa loob ang ninang mo,” yaya nito.

            Nakaupo si Devon sa sofa at tinitingnan ang mga frames na nakalagay sa side table doon. Mayroong larawan ni James doon nang grumaduate ito ng kolehiyo.

            “Devon!”

            Napatayo siya nang makita niya ang Ninang Marge niya. Niyakap siya nito nang mahigpit.

            “Kamusta ka? Grabe, napakaganda mo hija.”

            “Okay naman po ako ninang.”

            “Di ko alam na dumating ka na pala. Di man lang sa’kin nabanggit ni James.”

            Pagkarinig sa pangalan ni James ay natahimik siya at napansin iyon ng ninang niya. Iniba na lang nito ang tema ng usapan nila.

            Pinakilala siya nito sa anak nito na si Jonah. Guwapo ang bata tulad ng kapatid. Wala daw doon ang napangasawa ng ninang niya dahil may pinuntahang business trip sa Singapore. Excited ito habang nagkukuwento, at masaya siya sa nangyari sa kanyang ninang. Naputol ang usapan nila, nang mag-ring ang telepono.

            Di niya alam kung sino ang kausap ng ninang niya, pero panay sulyap ito sa kanya. Nakangiting tumabi ulit ito sa kanya pagkatapos kausapin ang nasa kabilag linya.

            “Devon, I need to ask you a favor,” anito.

            “Ano po ‘yon?”

            “Puwede ba, puntahan mo si James sa condo niya?”

            Nagulat siya sa sinabi nito.

            “Ano po kasi-”

            “Alam ko, kasalanan ko kung bakit nagalit sa’yo si James. Gusto ko magkaayos kayong dalawa. Kung ako ang naging dahilan ng break-up ni’yo ng anak ko, ako din dapat ang umayos no’n,” sincere na sabi nito.

            “Pero po kasi, galit po siya sa’kin kaya baka kung ano ang magawa sa’kin ni James ‘pag pinuntahan ko siya.”

            “Di naman siguro ‘yon magagawa ng anak ko hija. I know, mahal ka parin ni James. I like you for my son, dahil alam kong mabuting babae ka.”

            “Eh, kasi po-”

            “Please,” nakikiusap na wika nito, at hinawakan ang isang kamay niya. Napatango na lang siyang bigla.

            Binigay nito ang susi nito sa condo unit ni James. Ang tumawag daw kanina ay si James at pinapapapunta ang ina sa bahay dahil masama ang pakiramdam nito. Nag-alala tuloy siyang bigla. Mukhang malakas naman ito kahapon nang magkita sila kina Fretzie.

            Nasa pinto na siya ng condo ni James pero nakatitig lang siya doon. Nagdadalawang-isip siya kung papasok o hindi.

            Binuksan niya ang pinto gamit ang susi. Katahimikan ang sumalubong sa kanya pag pasok sa loob. Wala si James sa sala kaya pumunta siya sa bandang kuwarto. Medyo nakabukas iyon, kaya sinilip niya. Naroon si James at mahimbing na natutulog. Napansin niya ang namumutlang mukha nito.

            “Who’s there?” sabi nitong bigla at umubo dahilan upang lumayo siya nang kaunti sa may pinto.

            Kinakabahan siya sa magiging reaksiyon nito kapag nakita siya.

            “Who’s there? If you won’t answer, I’ll call the security,” banta pa nito. Paos ang boses nito at inuubo.

Tuesday, October 12, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 17-18


Chapter XVII

After eight years…..

           
            Devon is waiting in the airport, looking around for her sister. Coleen told her that she’s gonna be here at exactly seven in the morning to pick her up, but one hour had passed and she’s bored waiting for her. She stood up and decided to leave when she saw a familiar figure coming on her way.
           
            Coleen hugged her tightly and kissed her cheek.

            “I’m sorry, I was late,” hinging dispensa nito.

            She pinched her nose. “Ang sabihin mo, tinanghali ka na naman ng gising,” aniya.

            Tumawa lang ito at binitbit ang dala niyang duty free bags.

            “Iyan talaga ang binitbit mo, ah. Bakit hindi itong maleta ko?” biro niya sa kapatid habang naglalakad sila palabas ng airport.

            “Of course, andito ang pasalubong ko,” wika nito at humagikhik.

            “How’s papa?” tanong niya rito. Inilagay nito sa compartment ang mga gamit niya.

            “He’s really fine. Pasensya na daw at di siya nakasama, may biglaang tour sila ng mga empleyado niya, so, baka Friday na kayo magkita,” paliwanag nito.

            Nagkibit-balikat na lang siya. It’s been eight years nang umalis siya Pilipinas, at ngayon na lang uli siya nakauwi. Maganda ang naging buhay niya sa ibang bansa, mabait ang kanyang Aunt Lucy at itinuring siyang sariling anak. Nag-iba siya ng course na kinuha pagdating sa L.A. She took up management and graduated with honors. No’ng una medyo na-homesick siya, pero nawala din ‘yon nang ‘di niya namalayan. Ngayon, she’s the one, managing her aunt’s restaurant. Lumago pa iyon, simula ng ibigay nito sa kanya ang pamamahala no’n.

            During christmas and new year, ang papa niya at si Coleen ang lumilipad papunta sa L.A., para doon ipagdiwang ang pasko. She was still communicating with her other friends. Minsan nagchachat sila ni Fretzie at dito niya nalaman ang nangyari sa taong sinaktan niya eight years ago.

            Nagpunta si James sa Australia one week after niyang umalis. Tulad nang nasabi sa kanya ng Ninang Marge niya, it’s best for James para mapunta dito ang karapatan nito sa ama. But, she was surprised when Fretzie told her that James came back in the Philippines. Dito parin daw si James nag-aral at nanirahan. Of course, her bestfirend didn’t know about the inheritance issue, kaya ang akala lang nito ay nagpalipas lang ng sama ng loob si James after ng break-up nila. Simula noon, hindi na siya muling nagtanong pa tungkol dito at pati na rin sa Ninang Marge niya.

            “Kamusta naman kayo ni Ken?” tanong niya sa kapatid na kasalukuyang nagmamaneho.

            Napangiti ito sa tanong niya. Tama ang hinala niya na may gusto ito kay Ken. Habang nasa Amerika siya ay panay kuwento ito tungkol sa paglabas-labas ng dalawa. But, Ken wasn’t the one who initiate, it was her sister. Coleen was the one who courted Ken, funny, but it’s sweet. Halos four years daw nitong kinulit ang kaibigan, at gusto na nitong sumuko. But right after, she graduated from college, Ken made an appearance and asked her to be his girlfriend. Almost, three years na ang mga ito, at sa nakikita niya sa kapatid masayang-masaya naman ito.

            Pagkadating nila sa bahay ay nagpaalam muna siya kay Coleen na matutulog na muna. She’s tired and craving for a nap.



            Nagising siya ng alas- singko na ng hapon. She saw a note on her side table. Umalis daw muna si Coleen, dahil tumawag dito ang boss nito sa modeling agency na pinagtatrabauhan nito. Her sister works as a fashion assistant. Para sa kanya, mas bagay dito ang maging modelo kaysa maging assistant lamang. Marami na raw ang nag-alok dito pero hindi nito tinanggap dahil mas gusto nito ang pribadong buhay.

            She’s hungry at tinatamad siyang magluto. Naligo siya at nagbihis. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Aaminin niya, mas nagustuhan niya ang pagbabagong nangyari sa kanya. Medyo pumayat siya, pero mas bumagay iyon sa makurba niyang katawan. Nag-light siya ng kaunti pero nanatili parin ang morena niyang balat. Natatawa siya nang maalala kung paanong purihin siya ng mga kaibigang Amerikano. They were envious dahil sa skin color niya, naalala niya tuloy si James, dahil panay puri din ito sa kulay niya.

            She has a straight hair, at bago siya umuwi ay nagpa-bangs siya. Her American friend told her that she looks like Sandra Bullock. Marami siyang naging suitor sa ibang bansa, pero nanatili siyang single na ipinagtaka ng mga naging kaibigan do’n. They didn’t know na may pinaglaanan na siya ng damdamin, and she couldn’t wait to see him again and win him back.

            Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa MOA. How she misses that place, isang tao lang ang naaalala niya sa lugar na iyon.



            James was in the mall, strolling around and looking for a gift. Ivan called him at sinabing birthday daw  ni Fretzie sa sabado. Tutal naman ay kagagaling niya lang sa opisina, kaya naisipan niya na ngayon na bumili ng regalo para sa kaibigan.

            Maraming tao ngayong araw dahil may free concert sa labas. Puro teenagers ang mga naroon. Sa dami ng tao, nahihilo siya at nalilito kung saan ba maghahanap ng mabibilhan. ‘Shit! Bakit ba kasi ngayon ko naisipang pumunta dito’ wika ni James sa sarili.

            Pumasok siya sa isang boutique na puro accessories ang tinda. Fretzie likes cute things, kaya sure siyang magugustuhan nito ang nabili niyang bracelet na gawa sa clay material. He decided to eat dinner bago umuwi sa condo niya sa Makati. He’s not living with his mother anymore dahil may sarili na itong pamilya. She remarried five years ago, and he’s happy about it. He got a cute bro, Jonah. He turned four years old last month at mas lalong naging makulit ito.

            Patawid si James sa kabilang bahagi ng mall nang may makitang pamilyar sa kanya. Palabas ang babae sa restaurant at tumatawa habang may kausap sa celphone nito. Lalapit sana siya para matingnan ito ng malapitan pero biglang humarang sa daraanan niya ang mga teenagers na naghaharutan.

            “What the hell?” inis na bulong niya.

            Nang makalagpas siya sa mga ito ay hinanap ng mata niya ang babae pero di na niya ito makita. Namamalik-mata lang ba siya? Sigurado siya sa nakita. Kahit na nag-iba ang buhok nito at nag-light nang kaunti ang kulay, hindi nagkakamali ang paningin niya. Isa lang ang puwede niyang gawin para makumpirma kung nakauwi na ito sa bansa.




            Nagmamadali si Devon palabas ng mall. Hindi niya inaasahan na maraming tao ngayon. Pagkalabas niya ng restaurant ay tumawag sa kanya ang papa niya at sinabing nasa bahay ito. Umuwi ito para makita siya, dahil hindi na daw nito matiis na sa friday pa siya makita ng ama.

            Pagkababa niya ng taxi ay nakita niya agad ang sasakyan ng ama sa garahe.

            “Pa?” tawag niya mula sa labas.

            Her father came out and was hugging her tightly.

            “How I missed you, my dear,” anito.

            “Papa naman, baka di na’ko makahinga. Ang higpit ng yakap mo, eh,” tumatawang wika niya.

            Kakamot-kamot ito sa ulo nang bitawan siya. Her father still looks amazing, kahit may edad na, guwapo parin. Well, saan pa ba siya magmamana. Carbon copy daw siya ng ama sabi ng Auntie Lucy niya.

            “Kumain na po ba kayo?” tanong niya dito habang papasok sila sa loob ng bahay.



Chapter XVIII


            Maagang nagising si Devon para batiin ang bestfriend niyang si Fritz. Apat na araw na ang lumipas mula nang nakauwi siya. Wala silang ginawang magkapatid kung hindi maglakwatsa. Nagkita na rin sila ni Ken, at puring-puri siya nito dahil mas lalo daw siyang gumanda. Hindi niya pa nakikita si Fretzie, nag-uusap lang sila sa telepono dahil kasalukuyang nasa Cebu ito kasama si Ivan.

            Tama ang sapantaha niya, nagkakagustuhan ang mag-childhood friends. Kahit itinatanggi pa nito noon na magkaibigan lang ito at si Ivan, hindi siya naniniwala. Engaged na ang dalawang kaibigan at nagpaplanong magpakasal sa susunod na taon. Engaged na rin daw si Anne sa boyfriend nitong British. Fashion designer daw ito at nakapagtayo na ng isang boutique, sabi sa kanya ng kapatid. Si Tricia naman daw ay laging nasa ibang bansa dahil sa pagiging ramp model nito.

            Pagkatapos magtext si Devon kay Fretzie ay bumaba na siya upang kumain. As, usual, mag-isa na naman siya sa bahay. May pagkain na sa mesa, kaya kumuha na lang siya ng plato.

            Katatapos niya lang maghugas nang may mag-doorbell. Sinipat niya ang sarili at okay naman ang ayos niya. Nakapag-hilamos na siya at nakapag-sipilyo.

            Pagbukas niya ng pinto ay parang nanigas ang kanyang katawan. Sa harap niya ay ang taong lubos niyang nasaktan walong taon na ang nakalipas.

            He’s still looking good. Bukod sa tumangkad ito ay lumaki din ng bahagya ang katawan nito. Nagkalaman na ito, hindi tulad noon na payat ang lalaki. ‘A hunk,’ iyon ang puwede niyang i-describe kay James. Puwedeng maging modelo ito ng isang magazine, sa suot nitong long sleeve denim shirt at straight leg jean.

            Nakatitig parin siya dito. She really misses him. Devon wanted to hug and kiss him, pero kita niya sa mga mata nito ang galit.

            Pumasok ito sa loob nila kahit wala pa siyang sinasabi. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

            He chuckled, tila nang-uuyam.

            “So you’re back?” sabi nito, at umupo sa sofa. “Nice couch,” anito.

            “Why are you here?” she asked but still standing beside the door. Hindi niya sinara ang pinto sa takot na kung anong gawin nito sa kanya.
           
            Wala naman dapat siyang ipag-alala, dahil kahit galit si James, hindi nito kayang manakit.

            “Scared?” anito at sinabayan ng pagak na tawa.

            “Ano bang kailangan mo?”

            “Nothing, just visiting you. I just want to see kung ano ang pinagbago mo.”

            Nabigla siya sa pagtatagalog nito.

            “Surprised? Well, magaling na ‘kong mag-tagalog, hindi tulad noon. Ikaw? May bago ba sa’yo, oh, isa ka pa ring sinungaling?!” pauyam na wika nito.

            Nasaktan siya sa sinabi nito. Sinungaling ba talaga ang tingin nito sa kanya? Lumapit siya dito upang magpaliwanag dahil hindi niya na matagalan ang galit sa mga mata nito.

            “James, let me explain,” sabi niya.

            Tumayo ito at lumayo sa kanya nang hahawakan niya ang kamay nito.

            “You don’t need to explain. You’re a liar at di na magbabago ‘yon. Hindi rin ako magtataka kung marami kang pinaglaruan sa ibang bansa,” insulto nito sa kanya.

            She couldn’t take it anymore. Kapakanan nito ang inisip niya kaya siya umalis, pero galit ang natanggap niya mula dito. She was an idiot.

            “James, I just wan-” hindi na niya natapos ang pagpapaliwanag sa pagsabat nito.

            “Stop it! I don’t wanna hear things coming out from you. I won’t believe it!” kapagdaka’y lumabas at ibinalibag pasara ang gate. Rinig niya ang pagharurot ng motorsiklo nito na nakaparada sa tapat nila.

            Nanlulumong napaupo siya sa sahig. Hindi siya makapaniwala na magkikita silang muli ni James, ngunit sa hindi magandang sitwasyon. Galit ito sa kanya. Paano niya ito mapapaliwanagan kung isang salita pa lang niya ay ayaw na nitong marinig. Higit sa lahat, paano niya uli makukuha ang pag-ibig nito kung galit ang pumalit doon.



            James angrily threw the keys on the couch. He went to his room and laid down.

            “Damn!” he hissed.

            Why he’s feeling that way. He was mad at her, but when James saw Devon right after she opened the door, he was extremely excited to see her again.

            She’s gorgeous. Kahit bagong gising ito, lutang parin ang kagandahan. Maamo parin ang mukha nito. She looks like an angel sa suot nitong black sleepwear. Kahit simple lang, halata parin ang magandang hubog ng katawan nito.

            He hated seeing her again. Nalaman niyang bumalik na ito ng bansa nang tawagan niya si Ivan. Kinumpirma nitong nakauwi na si Devon. Naisip niyang puntahan ito sa bahay. Nang makita niya ito, nakaramdam siya ng galit dahil sa panloloko nito sa kanya. Pero kahit na gano’n ang kanyang nararamdaman, di niya maiwasang hindi naising yakapin ito. Kung hindi siya lumayo agad nang palapit ito sa kanya, baka kung ano na ang nagawa niya.

            He hates her, pero galit din siya sarili dahil mahal niya parin ito sa kabila ng ginawa ni Devon sa kanya.



            Nagpunta si Devon sa mall kinatanghalian upang makalimutan ang engkuwentro nila ni James kanina. Nakaupo siya sa gilid ng ice skating range habang pinapanood ang mga taong nagkakasiyahan sa loob.

Tumunog ang kanyang celphone na nasa bag. It was Fretzie calling her.

“Hi Fritz! Happy birthday,” bati niya sa kaibigan.

“Devon, ngayon ko lang nabasa ang text mo. Nasaan ka ba?”

“Here, at the mall. Why?”

“Oh my- hindi ko ba nasabi sa’yo nung tumawag ka sa’kin?”

“Ang alin?” takang-tanong niya.

“That we’re going home in Manila this morning to celebrate my birthday.”

“You’re here na? Wala ka namang nabanggit sa’kin.”

“Geez, but, di bale na. Just come here in our house. Ngayon na, ha, para magkita na tayo. Don’t forget to bring my pasalubong.”

“May gano’n talaga?” natatawang wika niya.

“Syempre. I’ll wait for you. Our other friends will come also. Bye bes- see you soon, mwah.”

Napaisip siya, pupunta rin kaya si James mamaya?

Friday, October 8, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 15-16

Chapter XV

           Nagrereview si Devon sa may veranda nila dahil malapit na ang finals. Nginitian niya ang ama nang mapansing nakatayo ito sa may pinto at pinapanood siya.

            “Hi pa!” bati niya rito at umupo ito sa bakanteng upuan.

            “How is it going anak?” tukoy nito sa pagrereview niya.

            “Okay naman po. Masakit lang sa ulo,” biro niya.

            “Anak, may sasabihin sana ako sa’yo,” seryosong sabi ng ama.

            “Ano po ‘yon?” takang-tanong niya. 

            “I have a sister who’s currently living in states. She’s your Aunt Lucy. Lucy’s managing her own restaurant there. She’s an old maid and has no companion.”

            May kabang bumundol sa dibdib niya. Bakit sinasabi nito sa kanya ang tungkol sa tita niyang nasa ibang bansa. May balak ba itong manirahan sila doon. Nasagot ang mga katanungan niya nang muling magsalita ito.

            “She called me up and asking me to let us stay in L.A.,” patuloy nito. “You know that I have a business here and I can’t take to leave it. Is it okay if you live together with your aunt and study there?” nagbabaka-sakaling tanong nito.

            Hindi siya makapagsalita. Anong dapat isagot niya sa ama? Ayaw niyang iwan ang mga kaibigan at si James. At higit sa lahat ayaw niyang mawalay sa ama at kay Coleen. Gusto niyang tumutol pero hindi niya maibuka ang bibig. Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa mga librong nasa lamesa. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ama.

            “J-just don’t mind what I had told you awhile ago. Continue studying.” Tumayo ito at nagpaalam na.

            “I’ll think about it, pa,” sabi niya na ikinangiti nito.
            


            Natapos ang finals nila kaya nagkaayaan ang tropa na pumunta sa Enchanted Kingdom. Semestral break na nila kaya free na muna silang gawin ang paglalakwatsa, but her sister wasn’t included to that fact. Linggo nila plinano ang gala upang makasama si Coleen. Nasa van silang magkakaibigan na pagmamay-ari din nila Ken at nagkakantahan. Silang dalawa ni James ay magkatabi sa pinakalikod kasama si Coleen, habang sina Tricia, Anne, at ang bestfriend niyang si Fritz ay nasa ikalawang upuan. Nasa harap naman si Ivan katabi si Ken na nagmamaneho. Nakahilig siya sa balikat ni James habang magkahawak ang mga kamay nila. Tinutukso tuloy sila ng kapatid niya na baka langgamin ito sa puwesto nito.

            Her father told her na di alam ni Coleen ang tungkol sa request ng tita nila sa Amerika. She hasn’t told her yet pati na rin kay James. Ang sabi ng papa niya ay hindi naman siya nito pinipilit na tanggapin ang alok nito sa kanya, but, she doubt it. Devon knows na gusto lang ng papa nila na maging maganda ang kinabukasan nilang magkapatid. Her father wasn’t that rich, tulad ng Ninang Marge niya. Tama lang ang pasok ng income nito mula sa advertising agency nito. Siya ang inalok nito dahil kung si Coleen daw ay baka mag-away ang mga ito. Mabait ang kapatid niya pero may pagkamatapang din kung minsan. Pag ayaw nito, hindi na talaga ito puwedeng pilitin pa.

            Sama-sama silang nagpunta sa mga rides. Tinatawanan niya si James, dahil ayaw nitong sumakay sa space shuttle, pero napilit din niya. Pansin niya na ang kapatid ay laging nakadikit kay Ken, kaya may hinala siya sa ginagawi ni Coleen. Tinukso niya rin si Fritz dahil magkasama ito at si Ivan pero itinanggi ng una na may namamagitan na sa mga ito. They ate their packed lunch at the parking lot at pagkatapos ay pumasok uli sa loob at sumakay sa mga rides. Sila Anne at Tricia ay nagpaalam na may pupuntahan lang daw. Hinila naman siya ni James palayo sa ibang kaibigan.

            “Where are we going?” tanong niya rito habang nakaakbay ito sa kanya. Ang mga babaeng nadadaanan nila ay panay tingin kay James. Di tulad ng  ibang babae na nagseselos sa tuwing may tumitinging iba sa mga nobyo nila, siya naman ay proud.

            “Let’s take a ride to that one,” turo nito sa Jungle log jam.

            Medyo nabasa sila pagkatapos ng ride. Nakapila sila sa booth kung saan puwedeng bilhin ang mga larawan nila na kinunan habang nasa taas sila. Tawa siya ng tawa habang tinitingnan ang pictures nila ni James, lalo na ang picture nito na dilat ang mga mata at nakanganga ang bibig habang pababa ang sinasakyan nila. 

            “Why you were only laughing with my shot, see this shot of yours,” tumatawang sabi nito. Pinalo niya ito nang makita ang picture niyang nakapikit at tila matatae, nang mabilis na bumaba ang sinasakyan nila. Naghabulan sila na parang mga bata kaya ang ibang tao ay pinagtitinginan sila. She wasn’t shy about it. 

            Nakaupo sila sa may bench katapat ng Rialto habang nakain ng ice cream. Marami paring tao kahit hapon na, palibhasa Sunday ngayon.

            “Devon, let’s enroll together after this upcoming week,” yaya ni James sa kanya. Natahimik siya sa sinabi nito. She can’t tell James that she was unsure if mag-aaral parin siya sa Pilipinas.

            “O-okay,” kiming tugon niya at napaisip ng malalim.

            “Devon, remember what you promised?” tanong nito sa kanya. Gusto niyang maiyak dahil pinaalala pa nito ang pangako niya dito.

            “Yeah, that we should be together forever and I won’t be leaving you,” tugon niya na ikinangiti nito. 

Inakbayan siya ni James at niyakap ng mahigpit. Buo na ang pasya niya, she won’t leave him and her father and sister. Niyakap niya rin ito ng mahigpit. 

“I love you James,” bulong niya sa tenga ng nobyo.

“I love you too, Dev,” sambit rin nito.
             


            Nagluluto siya sa kusina ng dinner nang tumunog ang telepono nila. Tinawag niya si Coleen upang sagutin ang tawag pero patuloy parin iyon sa pagtunog. Tinungo niya ang salas at sinagot ang nasa kabilang linya.

            “Hello? Sino po ito?”

            “Hello, Devon?” sagot ng pamilyar na boses.

            “Ninang! Kamusta na po kayo?” masayang bati niya rito.

            “Okay lang ako hija.” Nagtaka siya sa tempo ng boses nito, tila malungkot ito. 

            “Ninang?”

            “Ha-ah, Devon puwede ba tayong magkita ngayon? Sa SM Makati na lang para malapit lang.” 

Kinabahan siya sa sinabi nito. May problema ba ito at bigla-bigla na lang siyang tatawagan ng ninang niya. Nag-aalala tuloy siya para dito.

“Sige po, ninang. Mag-bihis lang po ako.”

Ibinaba na ni Devon ang telepono ay ramdam niya parin ang pag-aalala para sa ninang niya. Wala namang nababanggit sa  kanya si James. Kung may problema man ito, she’ll help her no matter what happened dahil mahal niya ito at itinuturing niya ng pangalawang ina.




Chapter XVI
             
Lulugo-lugong nakauwi si Devon sa kanilang bahay galing sa pinag-usapang lugar nila ng kanyang ninang. Hindi niya tuloy napansin ang kapatid na nakaupo sa may pinto ng bahay nila.

“Devon, where have you been? Kanina pa kita hinahanap, paglabas ko ng kuwarto wala ka na?” wika ni Coleen.

“Where’s papa?” tanong niya rito.
            
 “Nasa sala, kanina ka pa nga tinatawagan ni papa sa phone mo, di mo naman sinasagot.”
  
 Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at pinuntahan ang amang nasa sala at nagbabasa ng dyaryo, habang ang kanyang kapatid ay nagtatakang sumunod na lamang sa kanya.

 “Devon, san ka ba nagpunta? I’m calling your phone but you didn’t answer it,” alalang wika ng ama.

 “Pa-, I decided to go in the states,” aniya dito na ikinatahimik ng dalawang taong nasa harapan niya ngayon.

 “What?!” nabiglang tanong ng kapatid. Halata ang inis sa magandang mukha nito. “Are you crazy? Kailan mo pa naisip na pumunta ng states?!”

“Shut up Coleen,” saway ng ama dito. Padabog na umakyat ito ng hagdan at pumasok sa kuwarto nila.

“Bakit biglaan ata ang desisyon mo anak? My problema ka ba?”

“Wala po, pa. Iyon na po talaga ang desisyon ko. As soon as possible this month na rin po sana ang alis ko papunta kay Auntie Lucy.”
             
 “Alright,” sabi nito at tila pinag-aaralan ang mood niya. “I’ll fix your papers para makaalis ka na agad at maasikaso ninyo ng auntie mo ang school papers mo sa L.A.”
             
“Sige po, pa. I’ll go in my room,” paalam niya at hinalikan ito sa pisngi bago pumunta sa kuwarto nila ni Coleen.

Patay ang ilaw sa kuwarto nang siya ay pumasok. Nakita niya si Coleen sa kama nito na nakatalukbong ng kumot. Masakit din para sa kanya ang mawalay dito at sa ama, pero dapat na siyang lumayo na muna. Nang magkita sila ng kanyang ninang sa mall ay ipinagtapat nitong alam na nito ang tungkol sa kanila ni James. Nag-away daw ito at si James dahil gusto ng ninang niyang pabalikin ito sa Australia para doon mag-aral. Tumawag daw ang ama nito at sinabing sa oras na di bumalik si James sa poder nito ay tatanggalan ito ng mana. As a mom, tungkulin ng ninang niya na ipaglaban ang dapat sa anak nito. Pansamantala lamang daw iyon, paliwanag nito sa anak, pero ayaw daw nitong pumayag at biglaang naipagtapat ni James ang tungkol sa kanilang dalawa. James doesn’t want to leave, dahil ayaw siya nitong iwan.

Dahil sa napag-usapan nila, alam niya na ang gustong hilingin sa kanya ng ninang niya. Makipaghiwalay daw siya kay James para pumayag ito, mga bata pa naman daw sila kaya marami pang puwedeng may-ari. She understood her ninang, pero sa kabilang banda, naghihinagpis ang puso niya dahil sa hiling nito. Pumayag siya sa alok nito at sinabi ditong siya na ang bahala para kausapin si James. The best way para makipagkalas sa kanyang nobyo ay ang suggestion ng kanyang ama, ang lumayo at pumunta sa ibang bansa. But deep inside her, takot siyang harapin si James, ang magiging reaksyon nito, at higit sa lahat ang galit nito.

Devon took a bath and went to her bed. She’s calling James, after two rings, he answered.

“Hi James!” she greeted.

“A sudden call from my girlfriend. It’s a surprise!” tumatawang wika nito.

“Haha- Funny,” segunda niya. “J-james-”
  
“Hmm?”
         
 “I have something to tell you tomorrow. Can we meet?”

“Sure! Where?"

“Sa may playground diyan sa inyo. Mga six p.m.”

“Okay, see you then, tomorrow,” wika nito.

“Bye.” Pipindutin niya na ang end button nang muling magsalita ito.

“Bye. I love you Devz,” sabi nito. “I love you-” ulit pa nito dahilan upang umalpas ang mga luhang kanina niya pa pinipigil. Rinig niya ang nag-aalalang pagtawag nito ng pangalan niya, dahil sa hindi niya pagtugon.

 Nabigla siya ng hablutin ni Coleen ang celphone niya at pinatay ito. Nakapamaywang ito sa harap niya, bagamat may inis parin sa mukha nito, she knows she’s worried about her. Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya.

 “I know sis, you have a reason kaya gusto mong lumayo,” wika nito. Napahagulhol siya ng malakas.

 “I thought, I’m strong, pero hindi pala. Akala ko lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa’kin ngayon ay panghabang-buhay na, hindi pala.”

 Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tinitigan siya.

 “Sometimes, we hope that those good things na nangyayari sa’tin ay hindi na sana matapos. But wrong, we must not hope for that. Hindrances, struggles and unfortunate things will come kahit na ayaw natin.Lord knows kung bakit dumadating sa’tin ang mga pagsubok, those things make us better and stronger. The only thing we should always do is to pray.”

Dahil sa mga sinabi ni Coleen, mas lalo siyang napaiyak. Niyakap niya ito upang kumuha ng lakas. Hindi niya na namalayan na nakatulog siya katabi ang kapatid.


          
Tanghali na siya nagising kinabukasan. Mugto ang kanyang mga mata pagharap niya sa salamin. Naligo siya at nagbihis. Tinawagan niya si Coleen na kasalukuyang may pasok ng araw na iyon. Sinabi niya ritong samahan siya mamayang hapon para makipagkita kay James. Hindi niya kayang umuwing mag-isa pagkatapos itong kausapin mamaya.
  
She’s eating her brunch when someone’s calling through their landline. It was her father.

“Devon, I already fixed your papers. Madali lang naman dahil may mga backer ako. Actually, I already got your plane tickets. This Saturday ang flight mo papuntang L.A.”

Wala sa huwisyong naibaba niya ang telepono. She’s leaving on Saturday. Three days na lang niyang makakasama ang kapatid at papa niya. Higit sa lahat iiwan niya na ng tuluyan si James.



Eksaktong alas-sais nang makapunta sila ni Coleen sa playground sa subdivision nila James. Pumunta ito sa di kalayuan upang bigyan sila ng pagkakataon ni James na makapag-usap ng solo. Sinalubong siya ni James nang nakangiti na agad niya ring niyakap. He hugged her back.

“Alright, you said, you have something to tell me. Let’s seat,” yaya nito sa kanya.

Pinigilan niya ito. She should make this quick. Umalis siya mula sa pagkakayakap dito at hinaplos ang mukha ni James. Pagtataka ang rumehistro sa guwapong mukha nito.

 “Stop it,” anito at inalis ang kamay niya. “Seriously, you’re weird. Last night, I’m talking with you on the phone, but, all of a sudden, you hung-up.”

 “I want to break up with you,” usal niya. Nabigla ito.

 “What? C’mon, Devon. This is not the right time to joke around,” inis na wika ni James.

 “I wasn’t joking, James. Let’s stop this relationship. I don’t l-love you a-anymore,” pautal na wika ni Devon.

James, grabbed her wrist and gripping it. He was mad, totally mad. Tiniis niya ang sakit na nararamdaman. Pinipigilan niya rin ang luhang unti-unting namumuo sa kanyang mga mata.

“No, I don’t believe you! Tell me, this is only one of your jokes,” pakiusap nito sa kanya.

“I’m sorry. I really don’t love you anymore. And, I t-think, hindi talaga kita minahal, James.” Halos parang may bikig sa kanyang lalamunan sa huli niyang binanggit.

Napatulala ito at tila inaalisa kung seryoso ang mga sinabi niya. Binitawan nito ang kamay niya at nanatiling nakatingin sa kanya. Kita niya rito ang sakit at pait na kasalukuyang nararamdaman nito. Tumalikod siya at naglakad palayo dito habang dumadaloy ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Narinig niya ang mga huling katagang sinabi ni James habang siya’y naglalakad palayo.
  
“Fine! Leave me! You’re all the same! Don’t ever come back! We’re done! You’re a liar!”

            

Umiiyak si Devon, habang lulan ng eroplano papuntang Amerika. Bago siya umalis ay tinawagan niya ang ibang mga kaibigan at nagpaalam. Nalaman niya na lang kay Fretzie, biyernes ng gabi, na pupunta rin si James pabalik sa Australia. Nagtagumpay siya at nagkalayo na sila ni James. Ngunit, ipinangako niya sa sarili na babalikan niya ito balang araw, kahit galit pa ang isukli nito sa kanya. ‘Someday, we’ll be together again, James.’ Pinahid ni Devon ang mga luha, at tumingin sa bintana kung saan kita niya ang makapal na ulap.

           

  

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 13-14

Chapter XIII

Araw ng paglipat ni Devon sa bahay ng kanyang ama. Habang buhat nito ang kanyang mga maleta upang dalhin sa dala nitong sasakyan ay nagpaalam siya saglit upang puntahan sa kuwarto si James. Ang kanyang ninang ay wala sa bahay nang araw na iyon at tinawagan lamang siya upang magpaalam. Si Manang Lita lamang ang naiwan at kasalukuyang nasa kusina at nagliligpit ng mga pinggan.

            Kumatok siya sa kuwarto ni James. Wala siyang narinig na sagot mula dito kaya pumasok na lang siya. Nakita niyang nakaupo ito sa sahig at nakasandal sa may paanan ng kama. Hawak nito ang gitara ngunit hindi naman ito tumutugtog. Nang malaman nito na ama niya ang bisita nila nung nakaraang araw ay labis ang tuwa nito. Pero agad din iyong nawala dahil sa posibilidad na lumipat na siya ng bahay.

            “James,” tawag niya at lumapit dito. Umupo siya katabi nito at ngumiti kay James.

             “You’re leaving,” malungkot na wika nito at hindi tumitingin sa kanya. She grabbed his hand and sadly laugh.

            “We’re still seeing each other James. Don’t worry,” she said.

            He look at her. “So, you mean we can already tell them about us?” sabi nito na tila tinatantiya kung ano ang magiging reaksyon niya.
           
            She pinched his cheeks with her two hands. “You’re cute!” kapagdaka’y sabi niya. Natatawang inalis nito ang kamay niya.

            “Answer me please,” seryosong turan nito.

            Nagkibit-balikat siya. “Okay! We’re gonna tell our friends but not to ninang.”

“Why not?” He’s eyeing her with disbelief.

            “Please James,” paglalambing niya rito.

            “Fine,” tipid na sabi nito.

            “Hija, aalis na daw kayo ng papa mo,” tawag ni Manang Lita sa may pinto.

            “Sige po, susunod na po ako,” sagot niya sa matanda. “Halika na, hatid mo kami ni papa sa may gate,” yaya niya kay James.

            Nang patayo na siya ay hinila siya ni James at niyakap ng mahigpit. She’s gonna miss this. James kissed her forehead before he let go of her. Nagtatawanan sila pababa ng hagdan at natigil lang iyon nang humantong na sila sa labas. Kita niya ang pigura ni James sa side-view mirror habang palayo ang sasakyan nila sa bahay nito. She will surely miss the house and the people there.



            Pagkababa niya sa sasakyan ay agad siyang namangha sa magandang bungalow house na nasa harapan niya. Sakop parin ng Makati ang titirhan niya. Matagal na itong nabili ng ama pero ngayon lang binalak na tirhan ng dahil sa kanya. Ang papa at kapatid niya ay dating sa Mandaluyong nakatira ngunit napagdesisyunan nilang dito na tumira para malapit sa pinapasukan niya. Matanda lang siya ng isang taon kay Coleen. Next year ay college narin ito.

            “Devon!” excited na sigaw ng kapatid niya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

            “Baka naman di na makahinga yang kapatid mo Coleen,” biro ng papa nila.

            “Excited kasi ako papa. Ngayon ko lang siya nakita, pa’no ayaw mo pa siyang dalhin sa bahay nung nakaraang linggo.

            Tumawa ang papa nila sa inasta ng kapatid. Maganda ito, maputi at maliit ang mukha. Hindi tulad niya na nagmana sa ama, ang katangian nito ay nakuha sa ina. Unlike her, she didn’t experience having a mother by her side, dahil namatay ito nung isilang pa lang si Coleen. Ngayong magkakasama na silang tatlo, tiyak na magiging maganda ang samahan nilang magkapatid.

            “Devon, share tayo sa isang room ah, malaki naman ‘yon, tiyak na magugustuhan mo.”

            “You should call her ate, Coleen, mas matanda siya sa’yo,” singit ng papa nila.

            Napanguso ito, and she found it cute. “Ayoko nga. Okay lang naman diba ‘yon Devon?” nakangiting tanong nito. Natatawang tumango na lang siya.

             “Let’s go!” at hinila siya papasok ng bahay.



            Inihatid siya ng ama at ni Coleen sa university. Gusto ng kapatid niyang pumasok at makilala ang kanyang mga kaibigan pero pinigilan ito ng ama dahil male-late na daw ito sa klase. Abot langit ang ngiti niya ng pumasok ng room nila kaya biniro agad siya ni Fretzie.

            “Mukhang madaming stars kang nakikita, ah. Lupit ng ngiti mo bes, eh.”

            “I’m so happy Fritz. Ang sarap pala ng may tatay at kapatid na ubod ng lambing,” manghang wika niya rito.

            “I’m happy for you Devz,” sincere na sabi nito sa kanya. Naalala niya si James, ngayon pala nila sasabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa kanilang dalawa.

            “Thanks, bes.”

Tumawag sa kanya si James bago mag-lunch. Pinauna niyang pumunta si Fretzie sa canteen upang makipagkita kay James sa rooftop. They decided to tell them about their relationship. Pumasok sila ni James sa canteen ng magkahawak ang  kamay, to imply first rather than directly telling them. Hindi niya maipinta ang reaksyon nila Ann at Ken nang makita sila habang ang ibang kaibigan ay nakangiti at tila alam na ang ibig sabihin ng holding hands nilang dalawa.

            Nang maupo silang dalawa ay panay biro sa kanila ng ibang kaibigan samantalang sila Ann at Ken ay tahimik lamang. Nabigla siya nang tumayo si Ken at nagpaalam na aalis na muna. Tumingin siya kay James, tumango ito bilang pagsang-ayon sa iniisip niya. Dali-dali siyang tumayo at sinundan ang kaibigan.

            “Ken! Ken!” tawag niya rito. Papunta ito sa parking lot sa sasakyan nito. Galit na humarap ito sa kanya.
           
            “What?! You want to tell me na kayo na ng bestfriend ko at wala na kong pag-asa sa’yo!” anito.

            “No, that’s not what I mean Ken. I’m sorry if I didn’t tell you about my feelings to him. I’m sorry if I hurt you. Kung kaya ko lang turuan ang damdamin ko, tiyak na magugustuhan kita ng higit pa sa pagiging kaibigan, pero hindi eh,” paiyak na sabi niya.

            Ken is one of her closest friends. Ayaw niya itong masaktan dahil tiyak na masasaktan din siya. Higit sa lahat ayaw niyang mawala ito sa kanya. He’s like a brother to her. Nakatingin lang ito sa kanya at kita niya ang paghihirap na nararamdaman nito sa guwapo nitong mukha.

            “Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa’kin?” tanong nito. Tumango siya. “Fine, just let me think first,” pagkatapos ay lumakad ito palayo sa kanya.

            “Ken,” tanging nasambit niya habang sinusundan ng tingin ang sasakyan nito. ‘I’m really sorry’ malungkot na wika niya sa sarili.



Chapter XIV           

Nasa kuwarto siya at nagbabasa ng libro nang mag-ring ang celphone niya. Napangiti siya kung sino ang tumatawag.

            “Hello!” masiglang bati niya kay James.

            “What are you doing?” tanong nito.

            “Nah, just reading a book.”

            “Have you eaten?” he asked. He’s so sweet that’s why she loves him.

            “Yup! I’m waiting for my sister to come. She’s downstairs fixing her bike”

            “Fixing her bike?!” di makapaniwalang bulalas nito.

            “Yeah, suprised? My sister is weird. I’ll bring her in school one of these days to meet you.”

            “You told her?” 

            “Yeah, and told her not to mention it to papa.” Natahimik itong bigla sa sinabi niya. “James?” 

            “What?”

            “Did K-ken?”

            “We should leave him alone for the meantime,” malungkot na sabi nito. 

            Halos dalawang araw na rin ang lumipas nang ipagtapat nila sa mga kaibigan ang tungkol sa kanila. James told her that he had a talk with Ann. Nakausap niya na rin ang kaibigan at masaya ito para sa kanila ni James. Kahit noon pa naman daw ay pansin na nitong may gusto si James sa kanya. She hugged her after that and now they’re getting closer than before.

            “Hey! I think we should hang-out tomorrow,” sabi niya rito.

            “You-? Inviting me to hang-out?” di makapaniwalang sabi nito.

            “Why? Saturday naman bukas. Isasama ko na rin ang kapatid ko. How about, a night swimming with our friends,” suhestiyon niya.

            “Good idea! Here in the house. Mom will be out tomorrow together with Manang Lita and Mang Ben.”
            “Saan pupunta sila ninang?”

            “As usual, another conference, but not in Baguio. It’s now in Tagaytay.”

            Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng kapatid mula sa labas kaya nagpaalam na siya kay James. “James, gonna go now. My sister’s calling me.”

            “Okay, bye. Love you,” anito. Napangiti siya sa sinabi nito. “Hey! Are you not going to say something to me?” reklamo nito.

            “Haha- Okay, bye and I love you,” at pinindot ang end button ng phone niya.

            “Why sis?” she asked,  while Coleen is continuously fixing her bike.

            “Nothing, I just want to invite you for a ride.” Tumayo ito na puno ng mga grasa ang kamay. “Of course with this bike,” nakangiting sabi nito.

            “I’ll ride at the back?” 

            “Nope! Come,” anito.

Sinundan niya ito papunta sa may garden nila sa likod ng bahay. There, she saw a new bike, same as with Coleen. 

“When did-?” 

“I’m the one who bought that, not dad,” nagmamalaking sabi nito. Lumapit siya sa kapatid at niyakap ito. She was extremely happy about her sister’s thoughtfulness. 

“Thanks Coleen. I’m so happy that I have a sister like you.”

Tumawa ito. “Yeah- me too. But, I think, you should now let go off me, sis. Your choking me.” 

Binitawan niya ito at nagkatinginan silang magkapatid. And, they were both laughing in the middle of the night.

            Sabado ng hapon, napagdesisyunan ni Devon na puntahan si Ken sa bahay nito kasama ang kapatid niya. She wants to end this misunderstanding. Devon told Coleen about this and the latter insisted to accompany her. They were in front of Gil’s house when an old woman came out.

            “Good morning po,” bati niya sa matanda. Katiwala siguro ito nila Ken base sa garbage bag na dala nito.

            “Manang, andyan po ba si­-” hindi na niya natapos ang itatanong nang lumabas ang taong hinahanap niya.

            “Manang-” Napatigil ito nang makita silang dalawa ni Coleen. Mukhang good mood naman ito kaya pagkakataon niyang kausapan si Ken ng maayos.

            “What are you doing here?” tanong nito, ngunit blangko parin ang mukha.

            “Ken, I just want to talk to you. Please?” 

Tumango ito at pinapasok silang dalawa ng kapatid niya. Mas malaki ang bahay ng mga ito kaysa kila James. Nagpaalam ito saglit upang pumunta sa kuwarto nito. Ang matandang nakita nila kanina ay dinalhan sila ng cake at juice sa may sala.

“Wow, ang guwapo naman pala ni Ken. Sino mas guwapo? Siya o si James?” kinikilig na turan ng kapatid  niya.

“Ano ka ba,” saway niya kay Coleen pero humagikhik lang ito. Natahimik lang ang kapatid niya nang dumating uli si Ken at maupo sa isahang upuan. 

“Okay, we can talk but I think, it should only be, between us,” umpisa nito at tiningnan ang kanyang kapatid.

“Fine, I’ll just go in your garden. Where is it?” tanong nito kay Ken at dali-daling tumayo nang makita kung nasaan ang hinahanap. Umupo si Ken katabi niya.

“Ken, I really am sorry,” umpisa niya. 

“You know Devon, I was really hurt that my bestfriend was the one you love. At first, I was so mad but after I analyzed what’s been going on, I realized I don’t have the right to feel that I was being betrayed dahil tinanggihan mo na ‘ko nung una pa lang,” nakangiting sabi nito, pero alam niyang masakit parin kay Ken ang nangyari.

“Thanks, Ken,” sabi niya rito at niyakap ang kaibigan. 

Pagkatapos nilang mag-usap ay pinakilala niya ang kapatid niya rito. Mukhang nagkasundo agad ang dalawa dahil nagbibiruan na agad ang mga ito. Sinabi niya kay Ken ang planong night swimming ngayon sa bahay nila James. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-empake ito ng damit na gagamitin nito mamaya. Dumaan muna sila sa kanilang bahay, gamit ang sasakyan ni Ken, upang kumuha ng damit nila ni Coleen. Ang papa naman nila ay nagpaalalang mag-ingat sila at umuwi agad bukas ng umaga. Sobrang ingay ni Coleen kaya tawa sila ng tawa ni Ken habang nagbibiyahe papunta kina James.

            Pinagbuksan sila ng gate ni Ivan nang magbusina si Ken. Sinabi nitong sila na lang iniintay. Ipinakilala niya rito si Coleen. How she missed this house. Ngayon na lang uli siya nakapunta sa dating naging tirahan niya. Kompleto ang mga kaibigan niya na kasalukuyang naliligo sa pool. Nang bumaba si James galing sa itaas at nagkatinginan ito at si Ken, parang huminto ang daigdig, waring nananantiya ang bawat isa. Unang bumasag ng katahimikan ay si Ken. Lumapit ito kay James at inakbayan.

            “You’re lucky James,” pabirong sabi nito.

            “Yeah! I am!” sagot ng isa. Nakatingin pareho sa kanya ang dalawa kaya nakaramdam siya ng ilang.

            “Itigil ni’yo nga yan!” reklamo niya at nagkatawanan ang mga ito. Alam niyang okay na uli ang samahan nilang magkakaibigan.

            Pinakilala niya kay James ang kapatid. Si Coleen naman ay puro pangaral ang ibinigay sa kanyang nobyo na huwag daw itong magkamaling saktan siya kung hindi ito ang sasapak kay James. Her boyfriend was only laughing while Coleen’s kept bragging about it. Pagkalabas nila sa pool area ay naghiyawan ang ibang kaibigan. She was happy, really happy.  She’s hoping that it will last forever.

            Magkatabi sila ni James sa may kubo at pinapanood ang mga kaibigan habang naliligo ang mga ito. Si Fretzie, Ivan, Coleen at Ken ang magkakapartner habang sila Anne at Tricia ang nagsilbing referee. Kahit ngayon pa lang kakilala ng mga kaibigan ang kanyang kapatid ay napalapit na agad ito sa kanila, and she’s happy about it.

            “What are you thinking?” James asked.

            “Nothing. I’m just feeling happy,” sagot niya rito at ngumiti.

            James held her hand tightly. “I’m happy too. Promise me that you’ll stay with me forever and never leave me,” seryosong turan nito. 

She looked at him with passion. James is so serious about their relationship. Habang tumatagal mas minamahal niya ito.

“I promise,” mahinang bulong niya rito at kinintalan ng halik si James sa labi na ikinabigla nito. Natawa tuloy siya sa tulalang reaksyon nito. Narinig niya na lang ang sigawan ng mga kaibigan. Namula tuloy siya dahil nakatingin lahat ang mga ito sa kanilang dalawa ni James. Pabirong binato ni James ang mga ito ng mga crackers na hindi pa nabubuksan. Himbes na matigil ang mga ito ay mas lumakas pa ang hiyawan ng kaibigan nila kaya natatawang hinila siya ni James at lumundag sa pool kung nasaan ang mga ito.