Thursday, September 30, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 11

Chapter XI

     Parang nabingi si Devon sa narinig. Nakatulala siya sa pinto habang hawak ang doorknob. Mabilis ang pintig ng puso niya. Tama ba talaga ang narinig niya mula kay James o iba lang ang interpretasyon niya sa sinabi nito.

     "Dev! Did you hear me?" patuloy ni James. Napako si Devon sa kinatatayuan. Hindi niya maikilos ang mga paa para harapin ito. "Devon!" tawag uli nito. Napasinghap siya nang lumapit ito at pinaharap siya. Nakahawak ang dalawa nitong kamay sa magkabilang braso niya. Nakatungo siya at di magawang salubungin ang mga mata nito. 

     Rinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito bago nagsalita. "I said, you did something to me. I got jealous because of what you did?"  Dama niya ang bigat na nararamdaman ni James. Ngunit, hindi lang iyon ang mga katagang hinihintay niya para makumpirma kung tama ang hinala niya sa mga sinabi nito.

     "I like you Devon," pabulong na sabi nito. Pero ang munting bulong na yun ay parang kasing-lakas ng musikang pinapatugtog sa labas ng opisina. "Dev, please look at me," pagsumamo nito. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang titig nito. Nangungusap ang mga mata nito. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Kanina lang ay  inakala niyang ang nagugustuhan ni James ay si Anne, dahilan upang lubos siyang masaktan pero ngayong nagtapat ito, halo-halo ang emosyon niya. Masaya siya but at the same time malungkot. "I got mad when you and Ken go out. It looks like both of you are dating and it's killing me."

    Ipiniksi niya ang mga kamay nito na nakahawak sa kaniya. Hindi niya kayang saktan ito ngunit kailangan. "I'm sorry James!" Natigilan itong bigla. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha nito. "I'm really sorry!" dugtong pa ni Devon bago lumabas ng opisinang iyon. Napagsalitaan siya ng hindi magaganda ng mga nabubunggo niya habang lakad-takbong palabas ng club. Blangko ang isip na nakarating siya ng bahay. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Pagkapasok ng kuwarto ay humiga siya sa kama at doon ibinuhos ang nararamdaman.

* * * * * * * * * * * * * * * * 

     Nakatitig lang si James sa pintong nilabasan ni Devon. Selos na selos siya kanina dahil sa paglabas ng dalawa niyang kaibigan. Sinundan niya pa si Devon sa pagpunta nito sa parking lot para kitain ang kaniyang bestfriend. Naghaharutan ang mga ito na akala mo ay magnobyo. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito para sa isang babae. Sa tanang buhay niya, ngayon lang din siya nagpahayag ng nararamdaman, pero 'Sorry' lang ang nasabi nito sa kaniya. Gusto niyang manuntok upang ilabas ang sakit na nararamdaman. Gusto ba talaga nito ang kaibigan niya kaya hindi siya nito matanggap. Napakatanga niya. Napakalaking gago niya. Ititigil niya ang kahibangan niya. Tama na ang nasaktan siya ng iisang beses. Sisikilin niya ang damdamin para dito. 

    Padabog na ibinalibag niya ang pinto pagkalabas. Sinalubong siya ni Jessa, ang babaeng kasama niya kanina. "What happened? That damn girl!" Tiningnan niya ng masama ito sa pagtawag nito kay Devon ng ganon. Ikinawit nito ang kamay sa kaniya ngunit agad ding ipiniksi iyon ni James. "Why?!" manghang-tanong nito.

    "Just shut-up and leave me alone!" Habang palayo siya dito ay rinig niya ang inis na tawag nito sa kaniya.

* * * * * * * * * * * * * * * *

     Hilam sa luha ang mga mata ni Devon nang nagising siya. Pasado alas-dose na at tirik na tirik ang araw. Hindi niya namalayan kung anong oras umuwi si James. Iniisip nya parin ang nangyari kagabi. Paano niya kaya ito pakikiharapan. Galit kaya ito sa kaniya. Tumayo siya at naghilamos. May pasok si James tuwing martes kaya alam niyang wala ito sa bahay.

     Pagkababa niya ay nagluto siya ng pritong itlog at iyon ang iniulam. Wala siyang ganang magluto. Tinawagan niya si Fretzie, kailangan ng kausap ni Devon. Napagkasunduan nilang magpalipas ng gabi sa bahay nito. May gagawin rin naman silang working paper sa accounting at puwedeng idahilan iyon ni Devon upang pansamantalang makaiwas kay James. Bitbit ni Devon ang bag na may lamang damit at school materials pababa ng hagdan nang tumunog ang telepono.

     "Hello?" sagot niya.

     "Hija, ang ninang mo'to. Kamusta na kayo diyan ni James?" masayang wika nito.

     "We're okay po. Kayo po diyan, kamusta po?"

     "We're also fine hija. Sa sunday ang balik namin. May ipapakilala ako sa'yo pagdating namin diyan."

     "Sino po?" curious na tanong ni Devon.

     "Basta hija. Tiyak na ikatutuwa mo," excited na sabi nito. "O siya. Tumawag lang ako para siguraduhing okay kayo. Just tell him, call me back. Bye!" May sasabihin pa sana siya pero ibinaba na nito ang telepono.

* * * * * * * * * * * * * * * *

     James was taking a nap on the rooftop of their school's building when his celphone beeped. One message he got from Devon.

     "James, I went 2 Fretz haus 2 make r workng papers. I'll spend d nyt hir. Ur mom called, she sed col her bak." 

     He's still not feeling well of what had happened yesterday night. James couldn't think well in their class this morning so he decided to not attend others this afternoon. It's okay with him if Devon doesn't like him but she only said 'sorry' and that's so frustrating. He didn't get what's the meaning of that. 'Shit Devon! You're making me crazy!'

* * * * * * * * * * * * * * * *

     "Oh bakit tingin ka ng tingin sa celphone mo? Kaninong text ba ang iniintay mo?" nakakalokong tanong sa kaniya ni Fretzie habang nasa veranda sila ng bahay nito at nagawa ng assignment nila. She told her what happened and the only thing she does was giving her a head knock.

     "Wala!" sabi niya at pinindot-pindot ang calculator niya.

     "Wala daw! Halata ka ineng, kaya wag na magdeny! Sorry bes ha, pero ang tanga mo!"

     "Tanga na kung tanga pero di ko talaga matanggap eh dahil nakakahiya kay ninang at isa pa hindi ko kayang pumasok sa isang relasyon hanggat hindi ako buo bes." Napapaluha na siya, na ipinag-alala na kaibigan. Inalo siya nito.

     "Tama na bes. Sorry na. Pero sa tingin mo kung makita mo ang tatay mo andiyan pa kaya ang James na gusto ka?" Natigilan siya sa sinabi nito. May point ang kaibigan niya. "Bes?"

     "Hindi ko na talaga alam Fritz! Naguguluhan ako. Nakatira kami sa iisang bahay at mga teenagers pa lang. Baka masira ang mga pangarap ko sa letseng damdamin na'to"

     "So what kung ganon?! As long as gusto ninyo ang isa't isa. Go for it! Sabihin pang teenagers pa lang tayo basta't matured na ang isip natin, maganda ang kalalabasan ng isang bagay." Natauhan siya sa sinabi ng kaibigan. Bakit nga ba hindi niya bigyan ng chance ang sarili at si James. She handled herself very well while she's growing up. She learned from her mom how to handle things with care, how to think wise, and how to fix her mistakes. It's not bad to try. One decision has been made, she'll tell James about her feelings.

* * * * * * * * * * * * * * * *

    Hinahanap ni Devon si James nang araw na iyon. Nagtataka siya dahil pagdating nila ni Fretzie sa canteen ay hindi kasama ng iba nilang kaibigan ito. Wala ring may alam kung nasaan si James, basta't pumasok daw ito. 'Asan ka na ba James?' wika niya sa sarili. Hindi niya rin makontak ang phone nito. One thing came in her mind, James likes to hang-out in a silent place.

     She was right, he's here at the rooftop. He's sleeping under the small nipa hut placed near the little garden. Devon walks, avoiding to create some noise, not to disturb the sleeping James. She sat beside him and smiling while staring on James' face. She likes this guy so much, no need to deny it.

     "James," mahinang usal ni Devon. Hindi niya nakitaan ng reaksiyon ito dahil sa himbing ng tulog ni James. "James," bulong niya sa tenga nito. Unti-unting nagmulat nga mga mata si James and trying to identify who's beside him.

     "Devon," nahimasmasang wika nito. "What do you need?" iritableng tanong nito at umupo ng maayos. Hindi ito nakatingin sa kaniya at nakasalubong ang mga kilay.

     "Are you mad at me James?" Tiningnan siya nito na parang sinasabing 'hindi ba dapat?'

     "I don't have the right to be mad Devon. If you don't like me, Fine! If you do like my bestfriend, that's fine also!"

     Hinawakan ni Devon ang mukha ni James at pinaharap sa kaniya. Nakangiting nakatitig siya dito habang si James ay nanatili paring busangot ang mukha. "How come, you're always bragging your bestfriend's name here?" nakakalokong tanong niya dito. Inalis ni James ang mga kamay niya.

     "Of course! He's the one you like, not me!"

     "What if I tell you that I don't like him and I like somebody else. Is it also okay with you?" Napatingin ito sa kaniya. Nginitian niya ito ng ubod tamis.

     "What the! Stop smiling!" utos nito.

     "What's wrong with my smile?" nagtatakang tanong ni Devon.

     "Bullshit Devon!" sigaw nito. "If you have something to say, tell me now and leave!" Napipilan siya at di makapagsalita. Paano niya ba sasabihin dito. 'Have a courage Devon, you're tough,' pagbibigay lakas loob niya sa sarili.

      "Fine! I'm the one who'll leave!" Nasa may pinto na si James kaya dali-dali siyang tumayo at niyakap ito sa likod.

      "Sorry James! I like you too and I think I love you! Sorry if I hurt you! I didn't mean it," mahigpit na nakayakap siya dito at nakapikit.

      Humarap ito at nakatitig sa kaniya. "You- you love me?" Di makapaniwalang sabi nito. She nodded and Devon saw a handsome smile on James' face. He's hugging her tightly and kissed her head. "I love you too Dev," bulong nito sa kaniya. She knows, it's a start of another journey not only for her but also for James.

Sunday, September 26, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 10

     Chapter X


      Devon has woken up with a big smile on her face. She was exhausted yesterday that she fell asleep on James' shoulder. Her plan didn't work, as if it was destined to happen. She's supposed to be with Ken that day but it was James, the last person she wanted to be with. She got up from her bed to fix herself. She stood on her room's big window and saw James enjoying the pool. He looked at Devon's room as if expecting to see her.

     James waved and shout. "Devon come down here! Breakfast is ready! Join me!" Tila maganda rin ang gising nito tulad niya. Bumaba si Devon. Nakita niya ang breakfast na sinasabi nito. Hot pandesal, itlog, hotdog at pancakes ang naroon, meron ding hot chocolate na paborito niya. She likes chocolate so much.

     "I was right! At eight in the morning you'll wake up." Nakita niya si James na nagpupunas ng basang katawan habang papalapit sa kinaroroonan niya. She was delighted by what he said. Alam nito kung anong oras siya nagigising kapag walang pasok.

     "You cooked all of these?" tanong niya.

     "Of course! Who else would it be?!" nagmamalaking sambit nito.

     "Mukhang hindi masarap," biro niya na ikinalukot ng mukha nito. Natawa siya.

     "If you don't like, Fine! You can cook yourself," tila nagtatampong sabi ni James at tangkang ililigpit ang nakahain sa mesa. Natatawang pinalo niya ang kamay nito. "Ouch! You're always hitting me!" reklamo nito.

     "I'm just joking. You don't need to take it seriously. Di ka na nasanay sa'kin." Napangiti ito sa sinabi niya. "I'll eat na, bumalik ka na dun. Tingnan mo nga basa ka."

     "Okay, but join me once you're done eating."

     "Okay! sabi na lang niya para hindi na ito mangulit pa. Parang batang bumalik ito sa labas para maligo. Nag-umpisa siyang kumain ng almusal. Naubos niya ang pandesal at pancake na gawa nito. She's so full. Habang naghuhugas ay napaisip si Devon. Bakit nabaliktad ata ang sitwasyon. Himbes na layuan niya ito ay parang may magnet na humihila sa kanilang dalawa palapit sa isa't-isa, tulad kahapon. At ngayon ay ipinagluto pa siya nito na hindi nito ginagawa dati. She's confused. 'Bahala na!' bulong niya sa sarili.
    
     Pagkatapos magligpit ng pinagkainan si Devon ay sinamahan niya si James maligo sa pool. Tinuruan siya nitong lumangoy kaya di niya maiwasang makaramdam ng kilig kapag nagkakalapit sila. Panay ang harutan nila at hindi rin nawala ang walang humpay niyang pagpalo dito. Kasalukuyan silang nakaupo sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan nang binuksan na naman nito ang paksa tungkol sa paghanga sa isang tao.

     "Devon, I'd been so curious this past few days. You didn't answer me well last friday evening." Namula si Devon sa sinabi nito dahil sa naalala niyang kakatwang tagpo nila ni James ng gabing iyon. "How does it feel when you like someone?" Tumingin ito sa kaniya ng matiim, parang nalulunod tuloy siya sa titig nito. Iniiwas niya ang tingin kay James at nilaro-laro ang tubig bago sumagot.

     "I think- if you really like someone, you're comfortable and happy. I don't know if that's enough to describe it but as far as I know, you feel like you'redifferent when that person is with you." Napapangiti siya habang sinasabi ni Devon iyon. Those words described what she feels about James. "Halika na, tanghali na masyado." Tumayo siya at akmang lalakad na palayo nang biglang magsalita si James.

     "Yeah! You're right. I like that girl. I'm comfortable with her presence and feels different when  she's with me." Napatulala si Devon sa narinig. James likes somebody else. She couldn't speak. It keeps repeating in her head. "Devon! Devon! Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kaniya nito.

     "Ha?! Okay lang ako. Ano ba sabi mo, ma-may nagu-gustuhan ka na?" nauutal niyang tanong. Pinipigilan niya ang sariling mapaluha. Dalawang araw pa lang niyang narealized na gusto niya si James, affected na siya masyado. Pero matagal na ata niyang gusto ito at ang tagpong iyon ang talagang nagpagising ng nararamdaman niya para sa kinakapatid.

     Tumawa ito. "Why? You seemed so surprise."

     "Bakit naman? Hindi. It's not possible, liking someone. I'm sure schoolmate natin yan, ang dami atang magaganda dun. Do I know her?" tanong niya at kinindatan ito. 'Wala akong karapatang masaktan'.

     Malapad ang ngiti nito bago nagsalita. "You really know her," anito at iniwan siya. Nauna na itong bumalik sa loob ng bahay habang si Devon ay nakatulala parin at pilit nilalabanan ang sakit na nararamdaman. 'Ano ka ba Devon? Loka-loka ka. Hindi pa yan love paghanga pa lang yan. Wag kang parang tanga na nasasaktan,' saway niya sa sarili at pumasok na rin.

* * * * * * * * * * * * * * * * * *

     Matamlay na pumasok si Devon sa classroom nila na agad napansin ni Fretzie. Nakasalampak ang mukha niya sa mesa at nakatingin sa labas ng bintana. "Dev, may problem ka ba?" tanong na kaibigan.

     "Bes- Bakit ganun? Gusto mo yung isang tao pero iba naman ang gusto niya," malungkot na sabi ni Devon kay Fretzie.

     "You like someone?!" anito. Tumango siya at napabuntong-hininga. Kinuwento niya sa kaibigan ang mga nangyari sa kaniya nitong weekend. 

     "If you like him, go and tell James."

     "Sana ganun kadali yun Bes. He likes somebody else and that's not me. Ayokong mapahiya at isa pa nakatira kami sa iisang bahay." Dumating na ang professor nila kaya isinantabi niya na muna ang  kalungkutan. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw pa niyang ma-inlove ay ang pag-aaral niya. It can affect her studies and she doesn't want it to happen.

     After ng morning class nila ay dumiretso sila ni Fretzie sa tambayan nilang magkakaibigan sa canteen. She saw James na masayang nakikipagkuwentuhan kay Anne. Si Anne kaya ang tinutukoy nito? Parang sinasakal siya sa naiisip, dalawang kaibigan niya ang involve kaya napakasakit sa kaniya. Mabuti pang ibaling niya na lang ang pansin sa iba kaysa masaktan siya ng harapan at upang hindi na lumalim pa ang nararamdaman. Umupo siya sa tabi ni Ken. Nag-sorry ito sa hindi pagsipot sa usapan nila. Nagkunwari siyang nagtatampo kaya tinutukso sila ng ibang kaibigan na sinasakyan niya na lamang. Hindi pansin ni Devon ang pagtahimik at nakasimangot na si James. Natapos ang lunch nila at naiwan sila Devon, Fretzie, Ken at James sa mesa.

    "Aalis na kame ni Fritz. Mag-uumpisa na klase namin," paalam ni Devon sa dalawa.

    "Dev, are you free right after your class?" pahabol na tanong ni Ken.

    Tumingin siya kay James. Nagtaka siya dahil parang bad mood ito samantalang kani-kanina lang na kausap nito si Anne ay natawa pa ito ng malakas. "Wala naman akong gagawin. Bakit ba?"

    "Papasama sana ako sa'yo. I'll buy a dress for my cousin. Birthday niya kasi sa Wednesday."

    "Uy, magde-date sila mamaya!" tukso sa kanila ni Fretzie na nakatayo sa likuran niya. Siniko niya ito.

    "Devon has no fashion sense. For sure she can't pick a good dress," alaska ni James na ikinapikon niya. Kaya ba gusto nito si Anne dahil marunong itong mag-ayos samantalang siya ay pantalon, shorts at blouse lang ang kayang suotin. Dagdagan pa na hindi siya marunong mag-make-up tulad ni Anne.

     "Okay. I'll go with you. You don't have class after three right?"

     "Yeah. But, I can wait you till five after your last subject."

     "She can go with you at three. Wala kasi kaming class mamaya after that dahil nasa conference yung prof namin," singit ng bestfriend niya."

     "Sige. Hintayin na lang kita sa may parking lot mamaya Dev."

     "Pa'no si James? San siya sasabay pauwi?" tanong niya kay Ken at tumingin ito kay James. They exchanged glances.

      "I can handle myself," tila naiiritang sabi nito. Di ata iyon napansin ni Ken kaya nakangiting tumingin ito sa kaniya na nakikiusap.

      "Okay! Wait mo na lang ako mamaya." Tuluyan na silang nagpaalam sa dalawa. Habang nasa daan ay tinutukso siya ng kaibigan. Napansin din pala nito ang pagkairita ni James kanina. Tawa ng tawa si Fretzie sa paggaya nito sa accent ni James. Kaya nawawala ang lahat ng iniisip niyang problema dahil nagkaroon siya ng bestfriend na lagi siyang inaaliw at sinusuportahan. Masaya na siya dahil may nakapaligid sa kaniyang tulad nito.

      Nagpunta sila ni Ken sa Shangrila Plaza. Nakailang botique din sila bago makabili ng pan-regalo nito. Kumain na din sila ng dinner sa mall bago sila umuwi. She had fun. Masayang kasama ito. Kung sana ay ito na lang ang nagustuhan niya, sinagot niya na sana ito dati pa. Mag-aalas-diyes na nang ihatid siya ni Ken sa tapat na bahay nila. Hinalikan siya nito sa pisngi bago umalis na ikinagulat niya. He's sweet and thoughtful pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya dito. Nag-doorbell siya. Siguradong nasa loob na si James. Nakakailang pindot na siya ng doorbell ay wala paring nagbubukas. Kinuha niya ang celphone sa bag at tinawagan ito.

     "Hello!" iritableng sagot ng nasa kabilang linya.

     "James! Asan ka ba? Kanina pa ko nagdo-doorbell hindi mo parin binubuksan. Alam mo namang wala akong susi diba." May naririnig siyang malakas na tugtugin sa kabilang linya.

     "I'm here at the club," tila walang pakielam na sabi nito.

     "What?! bakit hindi mo sinabi sa'kin. Sana kinuha ko na lang sa'yo yung susi kanina. Pa'no ako dito?" maktol niya.

     "You're busy with Ken and I can't tell you! You're so excited going out with him!" Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. HIndi niya alam kung bakit napaka-moody nito sa kaniya ngayon samantalang kahapon ay naghaharutan pa silang dalawa.

    "Fine! I was excited! But, you could text me that time or call me! What am I gonna do here outside?! Tumunganga habang naghihintay sa'yo!" sigaw niya sa kausap sa kabilang linya.

     "The hell I care!" sigaw din nito at pinatayan siya ng tawag. Naiiyak na siya sa ginawa nito. Buti na lang at nasa loob sila ng subdivision na mahigpit ang security kaya puwede niyang hintayin si James pagkauwi nito. Naupo siya sa bench sa may gilid ng gate nila. Hindi parin nawawala ang inis niya. Halos thirty minutes na siyang naghihintay pero wala parin ito. Kinontact niya uli ang phone nito pero Out of reach lagi ang sagot sa kaniya. 'Damn you James! Ano bang ginawa ko sa'yo?!' Buti na lang at wala siyang pasok bukas. Gumimik ang lalaking iyon nang hindi siya inaalala. 'You're idiot Devon, he cares Anne not you.'

     Nakita niyang palapit sa kinaroroonan niya ang guard na nakabike. Kilala niya ito, si Manong Loy naging close niya nang napatira siya sa Ninang Marge niya. "Devon, bakit nandito ka sa labas? Gabi na anak."

     "Wala po kasi sila Ninang. Si James po nasa club, dala po ang susi. Hindi niya po kasi sa'kin naibigay kanina sa school," pagdadahilan niya.

     "Si James ba kamo? Naroon ata siya sa may club malapit lang dito. Ang batang iyon talaga."

     "Saan po? Di ko po kasi alam iyon. Hindi pa po kasi niya ako naisama doon."

     "Halika't ihatid kita roon at nang makapasok ka na sa loob ng bahay. Umangkas ka na lang sa bisikleta ko."

     "Sige po." Isinuksok niya ang knapsack sa may halamanan sa likod ng bench at ang dinala lamang ay ang celphone niya. Wala naman sigurong magnanakaw ng bag na puro libro ang laman at calculator.

     Dalawang street lang naman pala ang layo nito sa subdivision nila pero hindi  nito magawang umuwi muna at ibigay sa kaniya ang susi. Pagkahatid sa kaniya ay nagpaalam na rin ito at binilinan siyang mag-ingat. Maraming tao sa labas at rinig ang ingay ng musika sa loob ng club. Nagtataka si Devon kung paanong nakapasok ang kinakapatid gayong pareho lang sila nitong seventeen. Papasok na siya sa loob nang may humarang sa kaniyang bouncer. Natakot siya sa hitsura ng lalake. Matangkad at malaki ang katawan nito na tila hindi rin marunong ngumiti.

    "Ilang taon ka na Miss?" tanong nito. 'Pati boses nakakatakot'

     Gumana ang isip niya. "I'm twenty! I was born May 20, 1990." Napangiti siya nang nakumbinsi niya ito. Nagbayad siya ng three hundred pesos na entrance fee. Buti na lang nadala niya ang wallet. 'Pahamak ka James, nabawasan ang pera ko nang dahil sa'yo,'  wika niya sa isip habang hinahanap kung nasaan si James. Madaming tao at mausok din gawa ng mga sigarilyo.

     Napag-alamanan niya sa counter na kaibigan ni James sa Australia ang anak ng may-ari ng club. Nasa bandang taas daw ang mga ito malapit sa may opisina. "Aray!" sigaw niya ng maapakan siya ng babaeng nagsasayaw kasama ata ang nobyo nito. Inisnaban siya ng babae samantalang ang kasama nito ay kinindatan siya. Inis na inismiran niya ang mga ito at pinagpatuloy ang paghahanap. Masyadong madilim dito samahan pa ng mga ilaw na kumukutitap na masakit sa mata. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong mataong lugar.

     Nakita niya si James na nakaupo sa taas sa may bandang balcony grills. Umakyat siya at lumapit sa mesa nito. Nakatingin ito sa mga nagsasayaw sa ibaba na tila malalim ang iniisip. May katabi itong  magandang babae na sobrang ikli ng suot. Nakahilig ito dito at nilalaro-laro ang tenga James. Akala niya ba gusto nito si Anne. Bakit may kasama itong iba, hindi naman niya kilala ang babae kaya sure siyang hindi ito ang tinutukoy ni  James. Lumapit siya sa dalawa, hindi parin siya nito napansin.

    "Who are you?! What do you need?!" mataray na tanong sa kaniya ng babae na ikinalingon ni James. Nabigla ito sa presensiya niya.

     "What are you doing here?!" galit na tanong sa kaniya nito.

     "Who's this girl James?! I thought you don't have a girlfriend!" singit ng babae.

     "Shut-up!" Napipilan ito ng sigawan ni James. Tumayo ito at hinila siya papunta sa opisina malapit doon. Hindi na rinig sa loob ang maingay na musika sa labas. "I said, what are you doing here?!" pasigaw nitong tanong.

     Nagpupuyos na siya sa galit. Ito pa ang may ganang sigawan siya gayung ito ang may kasalanan kung bakit napapunta siya sa maingay na lugar na'to. "I'm here because of the keys. Give it to me now, so I can go and  take a rest in the house."

     James chuckled. "Why? Did you enjoy so much and got tired? You could had been asked my bestfriend to be with you the whole time." Sinasagad na ni James ang pasensiya niya. Pati sarili nitong bestfriend dinamay pa.

     "I don't know what I did to you para ganyanin mo ko! Kanina lang umaga maayos pa tayo pero nitong hapon napaka-moody mo sa akin! I don't remember something na ginawa ko sa'yo para paghintayin mo ko sa labas ng bahay at sigaw-sigawan sa phone! Tapos ngayon, ikaw pa ang may ganang magalit! Just give me the keys and I'll go!" sigaw niya rin dito sa sobrang galit. Tila nabuhusan ito ng malamig na tubig sa sinabi niya. Kinuha nito ang susi sa bulsa nito at ibinigay sa kaniya. Inis na hinablot niya iyon at papalabas na nang magsalita ito.

    "You did something to me Devon that's why I'm like this." Napahinto siya sa tapat ng pinto. "You made me jealous and I can't take it that's why I'm here." Parang sasabog ang dibdib ni Devon sa narinig mula kay James. Umaasa siyang ang susunod na sasabihin nito ay akma sa iniisip niya. Sa mga oras na iyon, hindi masamang mag-ambisyon ang tulad niya.


Friday, September 17, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 9

Chapter IX

     "Devon, how was your midterm exam?" tanong ng Ninang Marge habang kumakain sila ng hapunan.

     "Okay naman po. Sa monday pa po namin malalaman yung resulta."

     Bumaling ito kay James. "How about you DD?" Napangiti siya sa tawag ng ninang niya kay James. DD as in Dodong. Once niya lang itong tinawag na DD at sa text pa dahil naiinis ito sa tuwing tatawagin niya ito sa palayaw na'yon. Tumingin sa kaniya si James na tila nagbabanta dahil sa nakakalokong ngiti niya.

     "The same with Devon Mom," tipid nitong sagot.

     "Before I forgot. We are going to Baguio tomorrow for a business conference. Maybe one week kaming mawawala nila Manang so mag-ingat kayong dalawa dito."

     "Ninang, papaalam po sana ako. Sa linggo po kasi inaaya ako ni Fretzie matulog sa bahay nila."

     "Naku hija, next time na lang. Mabuti pa siya na lang ang ayain mo dito matulog." Hindi na siya nakahuma sa pagtutol nito. Sa bagay dalawa na lng sila ni James dito iiwan pa niya. Matapos ng hapunan ay nagpaalam na ang ninang niya na magpapahinga dahil maaga pa ang mga ito bukas. sila ni James ay naisipang maglagi sa kubo dala ang gitara nito. Magkatabi sila sa bamboo chair habang tumutugtog ito.

     "Devon, how can you tell if you like someone?" Napabaling siya ditong bigla sa tema ng tanong nito. Kita sa guwapong mukha nito ang kaseryosohan.

     "Bakit mo naitanong? Diba nagkaroon ka na ng girlfriend sa Australia?"

     "That wasn't serious. It's only a bet."

     "Hmm. Hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend so I can't answer it. Bakit ba?" nagtatakang tanong niya.

     Nagkibit-balikat lang ito. "Nothing. Just don't mind."

     "Weh! Di nga! Si Ann ba?" Kunot noong tumingin ito sa kaniya.

     "Ann? Why her?"

     "Eh pa'no pansin ko close na close kayo. Di mo ba nahahalata na gusto ka niya. Ang ganda kaya nun."

     "She's only a friend," giit nito. "And I can't feel something different when I'm with her as much as what I feel when I see-" napatigil itong bigla at napatitig sa kaniya.

     "See who?" tanong niya.

     "Nothing!" mabilis na sagot nito. Kiniliti niya ito sa tagiliran upang paaminin. Hanggang sa naghaharutan na sila. Nang akmang tatayo na siya ay hinila siya nitong bigla dahilan upang mapahiga sila sa mahabang upuan. Namula siya dahil sa kakatwang ayos nila. Nakadaghan kasi siya kay James at nakayakap ang dalawa nitong kamay sa baywang niya. Itinungkod niya ang dalawang palad sa magkabilang gilid ng upuan para makawala dito pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap dahilan upang magkalapit ang mga mukha nila. Dama niya ang mabangong hininga nito na dumadapo sa balat niya. Nakatitig ito sa kaniya na tila pinag-aaralan ang kabuuan ng mukha niya. Napatitig siya dito. Kita niya ang unti-unting paglapit ng labi nito sa kaniya at tila nahihipnotismong inaantay ni Devon iyon. Bago pa mangyari ang pareho nilang inaasahan ay nagulat sila sa boses ni Manang Lita.

     "Devon! James!" napabalikwas silang pareho dahil sa pagtawag sa kanila ni Manang Lita. Hindi siya makatingin kay James kaya walang sabi-sabing iniwan niya ito.

     "Manang! Andito po kame!" sigaw ni Devon habang palayo sa naiwang si James.


     Napasandal siya sa pinto ng kuwarto niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Devon. She couldn't imagine kung bakit nangyari ang tagpong iyon. Hindi niya rin ma-explain ang nararamdaman. Basta na lang kumilos ang kaniyang mga paa palayo kay James. Nahihiya siya dito.

     "Ano ba'to?" anas niya. Kaninang magkalapit sila ni James ay parang may mga naghahabulang daga sa dibdib niya. May gusto ba siya sa kinakapatid? Bakit sa tuwing kasama niya ito ay masaya siya, at sa tuwing magkasama si James at Ann ay parang kinukurot ang puso niya. Napatingin siya sa sidetable ng kama kung saan naroon ang kuha nilang dalawa ni James. Nakaakbay ito sa kaniya at nakangiti ng ubod tamis. He likes James, yun ang napagtanto niya. Matagal na siguro pero hindi niya lang binibigyan ng pansin hanggang mangyari ang insidenteng iyon kani-kanina lang. Ngunit, hindi dapat siya magkagusto sa kinakapatid dahil nakakahiya sa ninang niya. Sisikilin niya ang damdamin habang maaga upang hindi na lumalim iyon. Napasalampak si Devon sa sahig at napabuga ng hangin. Nakatitig siya sa bukas na bintana kung saan kita ang madilim na kalangitang napapalimutian ng mga bituin.

     Samantala nasa tapat ng kuwarto ni Devon si James. Kakatok sana siya para kausapin ito pero pinigilan niya ang sarili. Nakatitig siya sa pinto nito. He couldn't explain why he wanted to kiss her that time. When he saw her face too closed to his, may bumulong sa kaniyang halikan ito. But, it didn't happen because of Manang Lita. May panghihinayang na nilisan ni James ang kinatatayuan at pumasok na lang sa kuwartong inookupa.


     Kinabukasan ay nabungaran ni Devon si James sa kusina. Naka-apron ito at nagluluto ng almusal. Alas-otso na siya nagising at hindi na naabutan ang ninang dahil maaga ang mga itong umalis. Humugot siya ng hininga bago lumapit sa may bandang likod nito.

       "Wow naman! Ngayon lang ata kita nakitang nagluto!"

      "Thank God, gising ka na. You're such a sleepyhead," biro nito na tila wala lang dito ang kakatwang nangyari sa kanila kagabi. May mumunting kirot siyang naramdaman sa isiping 'yon.

      "Wow nanaman, nagtagalog ka rin! Ginagamit mo na pala ang mga naituro ko sa'yo ha. FYI ha, hindi ako ang sleepy head, ikaw kaya. Nung isang araw nga lang eh, nakita kita natutulog diyan sa sofa, tulo pa laway mo," pang-aasar niya rito.

     "Wha-what?! That's not true," natatawang tanggi nito.

     "Liars go to hell. haha! Ewan ko, yun talaga ang nakita ko eh." Patakbong lumayo siya rito dahil akmang sasakalin siya nito nang pabiro. "Maghahain na ko James! Aalis pa ko!" sigaw niya para marinig nito. Sumilip ito sa may dining room buhat sa kusina.

     "Where are you going?" takang-tanong nito.

     "Ken and I are going to MOA." Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tapat ng lamesa.

     "Can I go with you? I don't have anything else to do here."

     'Patay kang bata ka.' Kaya nga niya tinext si Ken kagabi para mamasyal upang maumpisahan na ang paglayo dito pero heto't gusto pang sumama. Napaisip siya, yayayain niya na lang si Ann para hindi halatang iniiwasan niyang makasama ito.

     "Okay. I'll text Ann para sumama din."

     "Why do you want to bring Ann with us?" kunot-noong tanong nito.

     "Ah-eh- para madami tayo. The more the merrier," pagdadahilan niya. Pinagpapawisan siya ng malapot.

     "You're not a good liar Devon. Come on, tell me why do you want Ann to go with us instead of Fretzie. She's your bestfriend, right?" Nakataas ang kaliwang kilay nito na tila hindi naniniwala sa alibi niya.

     Tinamaan na. Hindi niya basta-basta maiisahan si James. "I'm going to say it, naunahan mo lang ako. I'll invite Tricia and Ivan too. Sige na prepare na our breakfast, I'll call them in my room," paalam niya at tinungo ang kuwarto.

* * * * * * * * * * * * * * * * * *

     Naiinis na bumalik si James sa kusina. Bakit parang pakiramdam niya ayaw siyang isama ni Devon. Gusto ba nitong mapagsolo sila ni Ken? May gusto ba ito sa bestfriend niya? Tila hindi naman ito apektado sa nangyari kagabi, hindi tulad niya na ginugulo parin ang kaniyang utak. Habang kausap ito kanina ay di niya maiwasang sulyap-sulyapan ito. Naisipan niyang magluto ng almusal para ayain itong mamasyal pero may usapan na pala sila ni Ken.

    "What is happening to me?" mahinang tanong niya sa sarili habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

    "May problem ba James?" Hindi niya namalayan na nakababa na pala si Devon at nagtatakang nakatingin sa kaniya.

    "Wala. Come. Let's eat," anyaya niya dito. Naupo ito sa kabilang kabisera ng lamesa katapat niya.

    "Nga pala, tayong tatlo lang talaga ni Ken makakapag-gala. May pupuntahan daw sila Ivan And Fretz. Si Tricia naman nasa family gathering and Ann needs to go back in Taiwan right now dahil birthday daw ng lolo niya," mahabang litanya ni Devon habang nagsasandok ng kanin. Napangiti siya ng lihim sa sinabi nito.


    Magkatabing nakaupo sila ni Devon sa gilid ng ice skating range sa MOA para antayin si Ken. Tumawag ito at sinabing male-late dahil magmumula pa it sa Cavite.

     "Ang tagal ni Ken," naiinip na wika ni Devon. Nag-ring ang phone nito at kinausap ang nasa kabilang linya. Titig na titig siya dito habang kausap si Ken. She's really pretty. Habang tinititigan ay lalong gumaganda at hindi nakakasawa. Binaba nito ang celphone at dali-dali niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon upang hindi siya nito mahuli.

    "Hindi na daw makakasunod si Ken. Magtatampo daw kasi yung lola niya pag umalis siya," untag nito. Lihim siyang nasiyahan sa narinig.

    "Disappointed?" tanong ni James.

    "Why would I? Halika na nga tayo na lang." Tumayo ito at hinila siya. "Let's enjoy this day!" Hinawakan ni Devon ang kamay niya at halos kaladkarin siya paalis sa kinatatayuan nila. One more thing about this woman, she's really strong.

    Marami silang napuntahan ni Devon. Naglaro sila ng basketball sa Arcade at ilang beses siya nitong tinalo sa paramihan ng na-shoot. Kaya lahat ng ticket na nakuha niya ay kinuha nito. Ipinagpalit nito ang mga iyon sa dalawang thread bracelets. Ibinigay nito ang isa sa kaniya na sinuot niya agad. They ate their lunch at Jollibee dahil miss na daw nito ang choco sundae doon. She ordered one piece chicken wings and two cups of rice and a choco sundae. Nakawiwiling tingnan ito habang kumakain. Hindi niya alam kung saan nilalagay ni Devon ang mga kinakain nito. She got a nice curves kahit na may scoliosis ito and he found it sexy. Napipilan siya sa naisip, panay puri niya sa kaibigan. 'Do I like devon?' He's so happy and smiling when he's with her. He feels comfortable with his godsister.

     "James," bulong ng katabi. "Parang malalim ang iniisip mo." Kasalukuyan silang nasa sinehan at nanonood ng Step Up.

    "Just don't mind me," bulong niya dito na nakapagpatigil sa kaniya. Samyo niya ang mabangong buhok nito. Natitigilang nag-focus siya sa pinapanood. 'What's happening to me?' Gusto niya ba talaga ang kaibigan.

    Habang nasa taxi pauwi ay nandun parin ay nasa isip parin niya ang mga katanungang iyon. Hindi siya makagalaw dahil ayaw niyang istorbohin si Devon na kasalukuyang nakahilig sa kaliwang balikat niya at mahimbing na natutulog. Alas-singko na sila nakalabas ng sinehan kaya napagdesisyunan nilang sa mall na rin kumain ng dinner. Dinama ng palad niya ang maamong mukha nito and it answered his thoughts. He likes her. He really likes Devon so much.

Wednesday, September 15, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 8

Chapter VIII

     Sa bawat araw na lumipas ay naging mas malapit sila ni James sa mga bagong kaibigan. Kapag lunch time ay lagi silang sabay-sabay kumain. Meron ding mga araw na nagkakayayaan mag-gala sa mall. Pansin din ang mga namumuong pagtitinginan sa barkada nila. Si Ivan na halatang may gusto sa kababatang si Fretzie at si Tricia na halatang nagseselos dahil may gusto ito kay Ivan. Si Ann na alam niyang may gusto din sa kinakapatid niya ay napapalapit na din kay James. Sa tuwing magkasama ang dalawa ay nakikita niya ang closeness sa mga ito at hindi niya alam kung bakit parang nasasaktan siya. Si Ken naman ay nagpapahiwatig sa kaniya pero hindi niya matukoy kung may gusto ba ito sa kaniya.

     Kasalukuyan siyang nasa library kasama ang itinuturing niya ng bestfriend na si Fretzie. Kahit na medyo kalog ang kaibigan ay malalim ang pagkatao nito. Handa itong makinig at damayan siya sa tuwing naaalala ang kaniyang ina kahit a mahigit tatlong buwan na itong yumao. Hindi rin lingid dito na hindi niya pa nakikilala ang ama at ang balak niyang paghahanap dito.

     "Bes," mahinang bulong sa kaniya ng kaibigan na ikinalingon niya.

     "Bakit?"

     "Si ken andun sa may pinto tawag ka." Tumayo siya at tinungo ang kaibigang nag-aantay. Nakita niya ito sa labas kausap ang isang babaeng halatang nagpapacute dito.

     "Oh hon, andyan ka na pala," anito at inakbayan siya. Takang tumingin siya rito at tinapik-tapik nito ang balikat niya. Napangiti na lang siya at nakisakay.

     "Busy kasi hon eh. May kasama ka pala, pakilala mo naman ako."

     "Hon, she's my classmate Alice. Alice meet my girlfriend Devon."

     "Nice meeting you," namumutlang saad ng babae. "Ken I gotta go. Devon," paalam nito na tinugon niya ng tango. Pagkaalis nito ay napabulanghalit siya ng tawa gayundin ang kaibigan.

     Pabirong sinuntok niya ito. "Loko ka. Ginamit mo na naman ako para itaboy yang mga nahuhumaling sa'yo. Aba't ilang beses na'to Ken ah. Dapat may talent fee na ko niyan."

     Inakbayan ulit siya nito. "Gusto mo totohanin na natin 'to Devz para natural na lang." Nabigla siya sa sinabi ni ken at napansin nito iyon. Hinila siya nito sa may bench malapit sa library kung saan walang dumadaang mga estudyante. "Devz, I know this is not the right time to tell you this, but I really like you. The first time I saw you, gusto na kita mas lalo pa nung naging magkaibigan tayo."

     "Ken, alam mo naman diba. I'm not yet ready para pumasok sa isang realasyon. Gusto ko hanapin muna ang sarili ko."

     Napabuntong-hininga ito at tumitig sa kaniya. He put his hand on her chin and lift it up. Nakita niya sa mga mata ng kaibigan na sinsero ito. Kinapa niya ang dibdib pero wala talaga siyang nararamdaman dito maliban sa pakikipagkaibigan lamang.

     "Just don't mind what I had told you awhile ago," nakangiting saad nito pero halata parin ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. "I'm satisfied that we're friends but I'll wait for you no matter what."

     Namamanghang tumingin siya rito. Ken is such a good guy and friend. She knows that he's a perfect boyfriend material but she can't force herself to like him back. Most of all, she's not yet ready for a relationship. "I'm really sorry," tanging nasabi niya at iniwan ito.

     "Anong nangyari bakit parang malungkot ka?" tanong ni Fretzie pagkabalik niya sa library. She told her about what happened. Pinayuhan na lang siya nito na kung ano talaga ang nararamdaman niya ay yun ang kaniyang sundin.

     Naglalakad sila ng kaibigan patungo sa cafeteria nang may umakbay sa  kaniya. Nakangiting si James ang nalingunan niya. Napansin ata nito ang mood niya kaya nag-aalalang tinanong siya nito. "Are you okay?"

     "Hay naku! Tanungin mo si Ke-." hindi na natuloy ni fretzie ang sasabihin dahil sa pagsiko niya. "Oops! My mouth talaga," eksaheradong untag nito.

     Napakunot-noo si James. "What? Tell me," anito na tila naiinis.

     "Wala yun," tanging nasabi niya at hindi na ito nag-usisa pa. Pagdating nila sa cafeteria ay kumpleto na ang kabarkada nila. Nakita niya si Ken at nginitian, gayundin ito sa kaniya. Pagkaupo pa lang niya sa tabi ni Ken ay bumuwelta na ang ang bibig ni Tricia.

     "May nakita ako kanina, di ko sasabihin," pakantang sabi nito na nakatingin sa kanila ni Ken.

     "What was that Trish? Tell us," curious na tanong ni Ann. Tumayo si Tricia at pumunta sa likuran nila ni Ken. Kinakabahan siya sa iginawi nito. "Kasi yung dalawang nasa harap ko, they're keeping a secret."

     "What secret?" korus na tanong nila Ivan at Ann, samantalang si fretzie ay tahimik lamang na nakikinig at si James ay kunot-noong nakatingin sa kanila.

    "Na silang dalawa na. Kung hindi ko pa nakita kanina ang ka-sweetan ninyo malapit sa library ay di pa namin malalaman." Bumalik si Tricia sa upuan nito. Nagtitimpi lang siya pero gusto niya na talagang sabunutan ang kaibigan. Ito lang ang ayaw niya kay Tricia masyadong madaldal  at hindi muna iniisip kung makaka-offend. "Ganito sila ka-sweet ni Ken kanina." Ginaya nito ang ginawa ni Ken sa kaniya kanina nung itinaas nito ang mukha niya. Ang nakasimangot na si James pa ang ginamit nito. Namumula siya dahil sa inis kaya di na siya nakapag-pigil

     "Will you please shut-up Tricia! Don't assume if you haven't known what happened," inis na sabi niya na ikinabigla ng ibang kaibigan dahil ngayon lang siya nakita ng mga itong magalit.

     "We're not together Trish. We were just talking some serious stuff that time kaya mali ang iniisip mo," singit ni Ken para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

     "Sorry," nahihiyang nausal na lamang nito.

     "Okay guys, let's buy our lunch," wika ni Ann upang mawala ang tensiyong namuo sa kanila kani-kanina lang. Nakita niya si James na matiim ang titig sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. My bumubulong sa kaniya na kausapin ito at ipaliwanag na wala talagang namamagitan sa kanila ni Ken. Niyaya ito ni Ann na bumili na ng pagkain.

      "Devz," si Ken. "Halika na. Let's buy lunch. Just don't mind Trish." Tumayo na siya at sumunod dito. Sina James at Ann ay masayang nagkukuwentuhan habang nakapila. Andun na naman ang kirot na hindi niya maipaliwanag dahil sa nakikita. Humugot siya ng malalim na hininga at nakangiting ibinaling ang pansin kay Ken.

* * * * * * * * * * * * * * * * * *

     Tahimik sa loob ng sasakyan ni Ken. Nasa backseat si Devon at mahimbing na natutulog habang binabaybay nila ang daan patungo sa bahay nila. Nakagawian na ni Ken na ihatid sila ni Devon pagkatapos ng klase nila.

     "Is it true?" tanong niya na binasag ang katahimikang namayani.

     "True what?" takang-tanong ng bestfriend niya habang nakapako ang mata nito sa daan.

     "That you and Devon are-" hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sa pagsingit nito.

     "No dude. We're not. Alam mo naman yun si Tricia, makakita lamang ng kung ano eh binibigyan na ng malisya." Tumahimik siya sa sinabi nito. He shouldn't be affected if ever they are together pero iniisip niya pa lamang na maaaring mangyari iyon ay parang sasabog na ang dibdib niya at hindi niya alam kung bakit.

     "Why pare? Are you worried that if ever kami ni Devon ay lolokohin ko lang siya?" natatawang saad nito.

     "Honestly, yes," biro niya sa kaibigan.

     "Whoa! Grabe ka dude. Ikaw. Kamusta naman kayo ni Ann?" at nakakalokong tumingin ito sa kaniya.

     "What?! We're just friends."

     "Talaga lang ha. But, I think she likes you."

     "Well, she's pretty and cool but absolutely not my type."

     "Woh. Oo nga pala ang type mo eh yung tulad ni Devon na morena at magandang ngumiti. Kung di nga lang kayo nakatira sa iisang bahay baka isipin kong may gusto ka diyan sa kinakapatid mo." Napangiti na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Nakita niya si devon sa rear-view mirror na umunat at unti-unting dumilat.

     "Sleeping beauty is now awake," untag niya at bigla siyang napahiyaw dahil sa pagpalo nito sa balikat niya.

     "Tigilan mo ko James kagigising ko lang baka di lang yan ang matikman mo," tila naaalimpungatang sabi nito na ikinatawa nilang dalawa ni Ken.

                                                                                            

Tuesday, September 14, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 7

Chapter VII

        Lumipas ang isang linggo buhat nang magkaayos silang dalawa ni James. Sa maikling panahon na iyon ay mas nakilala niya ito. May pagka-suplado ito pero she knows that deep inside him, he cares. She saw how James look at his mom, he loves her so much even though he wouldn't say it.

        Naging close silang dalawa. Nagbibiruan na sila at naghaharutan. Madalas nga nitong matikman ang malabakal niyang mga kamay kaya panay ang reklamo nito pero di naman magawang magalit. There's one time when they had a jamming at the pool area, napalo niya ito nang sobrang lakas.

       "You're so good Devon. Really, really good" nakangising wika nito sa kaniya.

       "Don't joke at me" natatawang sabi niya sabay hampas sa hita nito.

       "Ouch!" hiyaw ni James. "You're so brutal. I won't ever ever touch you again. Why don't you like complements?" napatawa lang siya sa sinabi nito.

* * * * * * * * * * * * * * * * *

      Pasukan na nila at sobrang excited siya na makakilala ng ibang tao. Ito rin ang araw na pinakahihintay niya kung ano ang naging resulta ng scholarship exam niya. Parehong alas-siyete ang umpisa ng klase nila ni James kaya sabay silang dalawang pumasok at habang nasa taxi ay walang tigil ang biruan nila kaya ang drayber ay natatawa na lang sa kanila.

      Madami ng  estudyante pagkababa nila ng taxi. Nauna siyang bumaba ng elevator sa may third floor habang ang unang klase nito ay sa fifth floor pa. Lakad-takbo siya para hanapin kung nasaan ang Room 301. Tumingin siya sa suot niyang relo, it's only quarter to seven kaya binagalan niya ang lakad. Pumasok siya sa kuwartong hinahanap niya at nakita niyang marami-rami na rin ang mga tao roon. Umupo siya sa  upuang nasa second row kung saan malapit sa bintana.

     Ang Gemsters University ay isa sa mga pinakasikat na universities sa Makati, may tatlo itong fully airconditoned big buildings na tila mga hotel. kung saan napapaligiran  ng malawak at mapunong lupain. Nang una siyang pumunta dito kasama si James, napatulala siya pagpasok dahil sa marangyang estilo ng pagkakagawa nito. Kaya nga naisip niya na kailangan niya talagang makapasa sa scholarship dahil tiyak na napakalaki ng matrikula dito and she couldn't take that her Ninang Marge will pay for it if she fails. Mamaya niya malalaman ang resulta ng exam at alam niyang papasa siya. Napalingon siya sa cute na babaeng katabi niya ng kausapin siya nito.

    "Hi!" nakangiting bati nito. Sa tantiya niya mayaman ito dahil na rin sa maporselanang kutis nito at pananamit na bagamat simple ay eleganteng tingnan. "I'm Fretzie Bercede, you are?" at inilahad ang kamay nito.

    "I'm Devon Seron, just call me Dev" at nakangiting tinanggap ang kamay nito.

    "Salamat at may nakausap na rin akong approachable. Kasi yung ibang classmates natin dito parang mga seryoso lahat" bulong nito sa kaniya.

    Natawa siya sa sinabi nito. "Alam mo naman majoring in Accountancy is a big big challenge" sabi niya dito.

    Napanguso ito and it's cute. "Oo nga eh, kaya parang pagpasok ko dito gusto ko ng mag-shift" biro nito.

   Magaan ang loob niya dito. She feels that she's nice at makakasundo niya. "Almost seven na wala pa yung prof natin" wika niya.

    "Baka na-traffic. Dev pwede sabay tayo mamaya mag-lunch?" nahihiyang tanong nito.

    "Oo ba. Papakilala din kita sa kinakapatid ko at sa kaibigan namin."

    "Buti nga nakilala kita, kasi yung ibang friends ko sa ibang universities nag-enrol kaya tuloy kami lang ni Ivan ang pumasok dito. Papakilala din kita sa kaniya mamaya."

    One hour ang lumipas bago dumating ang Professor nila sa subject nilang Fundamentals in Accounting kaya marami na silang napagkuwentuhan ni Fretzie. Nakuwento niya din dito ang nangyari sa mama niya at kung saan siya naninirahan ngayon. She was amused by her stories, talagang pinakinggan siya nito. Nagkuwento rin si Fretzie sa kaniya at tawa siya ng tawa dahil may pagkakalog ito. Natapos ang klase nila ng alas-onse ng umaga at sa loob ng apat na oras na pamamalagi sa kuwarto ay ramdam niya na ang gutom. Nag-text sa kaniya si James na sabay silang kumain dahil alas-onse din ang lunch break nito.

    Pagkababa nila sa first floor patungo sa cafeteria ay may lalaking lumapit sa kanila. It was Ivan, childhood friend ni Fretzie. Half-Filipino, Half-Irish ito kaya napakaguwapo, naisip niya tuloy si James. Habang papunta silang tatlo sa kainan ay pansin niya ang mga humahangang tingin ng mga babaeng estudyante kay Ivan. Nakita niya si James at Ken na nagtatawanan habang hinihintay sila. Nakita sila ni Ken at dali-daling tumayo at sinalubong sila. Nagulat siya nang kinuha nito ang mga libro niya at hinila siya palapit sa lamesang inookupa nito at ni James habang ang dalawa niyang kasama ay sumunod sa kanila.

    Wala siyang nagawa kung hindi umupo sa tabi nito. Hindi niya alam na matalim ang tingin ni James sa kanilang dalawa. Ipinakilala niya ang dalawang bagong kaibigan sa mga ito na madali namang nagkasundo . Masayang nagkuwento si Ken tungkol sa unang klase nito bilang Architecture student habang si James ay inatake na naman ata ng kasungitan dahil tahimik ito. Engineering ang course na tinake-up nito samantalang si Ivan ay nag-major in Photography. Natapos ang lunch nilang apat  nang hindi siya kinakausap ni James at hindi niya alam kung bakit. Mamaya niya na lang ito ite-text para sabihing sabay na sila umuwi.


* * * * * * * * * * * * * * * *

     Samantala inis na pumunta si James sa sumunod niyang klase. He saw what Ken did to Devon at the cafeteria and it made him mad. Hindi niya alam kung bakit basta naramdaman niya na lang na parang uminit ang ulo niya pagkakita sa iginawi ng bestfriend niya. Ken treated Devon as if she was his girlfriend samantalang halos dalawang linggo pa lang magkakilala ang mga ito. Mas nainis pa siya dahil hindi man lang siya kinausap ni Devon na busy sa pakikinig kay Ken. He knew that he had been rude dahil napakatahimik niya kanina lalo pa at may mga bago silang kakilala pero hindi niya lang talaga mapigilan ang pagkulo ng dugo niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya and it's new to him.

    His phone beeps and saw one message came from Devon.

    "James, bkit ang tahmik m knna? Naka2takot k 2loy kausapn. Is der any problem? Ya2in sana kita na sabay tau umwi ma2ya if ever mahi2ntay m ko til 4." His face lighten when he read her message and his fingers suddenly typing for a quick reply.

    "It's ok I'll wait 4 you til 4. I just had som thoughts earlier. sorry 4 bein rude."

    "Cge. just w8 4 me n front of d Ofiz of S2dent affairs, I'll check if I passed d exam.Tnx. Keep smiling DD!!!" Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa huling text nito. Devon is such an honest, sweet and tough woman that's why she's fun to be with. Nagsisi siya kung bakit naging masama ang pakikiharap niya dito nung dumating ito sa kanila. Nagselos talaga siya dahil sa atensiyong binibigay ng ina dito. Ngunit, unti-unting nawala iyon nang makita niyang parang masarap itong kasama dahil sa mga ngiti nitong animo walang pinoproblema. Kaya minsan, kahit mainit ang ulo niya, sa tuwing makikita niya itong nakangiti ng ubod tamis ay biglang naglalaho na lang ang pagka-inis niya. Napakagaan ng pakiramdam kapag nakikita niya ito kahit nitong mga huling linggo lang silang nagkalapit ng husto at naging magkaibigan.



* * * * * * * * * * * * * * * *

      Naging mabilis ang oras ng hapong iyon at natapos ang huli niyang subject. Nauna na sa kaniya si Fretz dahil sinundo ito ni Ivan. Nagmamadali siyang nag-aayos ng mga gamit sa bag dahil tiyak na naghihintay na si James sa may OSA nang biglang may dalawang palad na tumakip sa kaniyang mga mata.

     "James, is that you?" tanong niya at tinanggal ang mga kamay ng taong nasa kaniyang likuran. Nang lumingon siya ay ang nakangiting si Enrique ang bumungad sa kaniya. "Ikaw pala. Akala ko kung sino"

      "May usapan ba kayo ni James? Akala mo kasi ako ang bestfriend ko," tanong nito habang pinapanood siya sa pag-aayos ng mga libro niya.

      "Oo. Tiyak na iniintay na ko nun. Late na kasi nagpalabas yung teacher namin. Kaasar nga eh."

      "Hahatid ko na kayo. I brought my dad's car."

      "Okay. Sige." Dali-dali niyang isinukbit ang shoulder bag at binitbit ang mga libro niya. Nabigla siya nang bigla na lang kunin nito ang mga libro niya sa kaniya. 

      "I'll do the honor," nakangiting turan nito.

      "Baka masanay ako niyan Ken. Naku, baka yung girlfriend mo magselos sa'kin pag nakita tayo." Akmang kukunin niya ang mga libro nang inilayo nito ang mga 'yon.

     "First of all devz, I don't have a girlfriend. Second, you're my friend so I can give you my help all the time. Got it?" Napapantastikuhang tiningnan niya ito. She's so blessed nakatagpo siya ng kaibigang tulad nito.

     "Wow! I love this. I'm so blessed I have a friend like you!" eksaheradong turan niya na ikinatawa nito. Habang pababa sila ng elevator ay aware siya sa mga mata ng mga babaeng nakatingin sa kasama niya. Guwapo si Ken at medyo kahawig nito si James kaya hindi na siya nagtataka kng napakahabulin nito. Pagkababa nila ng elevator ay nakita niya agad si James na nakaupo sa my bench katapat ng OSA. May kausap itong tsinitang babae at masayang nagkukuwentuhan ang mga ito.

     "James. Kanina ka pa ba?" tanong niya. Tumayo ito at nagpalipat-lipat ang tingin sa librong hawak ni Ken at sa kaniya. 

    "Dude! Who's this pretty girl with you?" si Ken. Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo at nagpakilala sa kanila.

    "Hi! I'm Annielyn Tan. Just call me Ann," nakangiting turan nito. Pinakilala sila ni James dito. Classmate and friend ito ni Tricia sa kursong Tourism. Pinakilala ng huli ito kay James nang nagkita ang mga ito sa library. Hinihintay lang daw ni Ann and sundo kaya sumama na lamang muna kay James habang hinihintay siya. Mukha namang mabait ito at mukha ding mayaman. Tulad kay Fretzie ay magaan din ang loob niya dito. Nagpaalam siya sa tatlong kasama na titingnan niya lang sa loob ang resulta ng scholarship niya.

    Kakaba-kabang pumasok at tinungo ang opisina ng head doon. Galak ang naramdaman niya nang sabihin nitong nakapasa siya at nakakuha siya ng average na ninety five percent na labis niyang ikinatuwa. Hindi mapagkit ang ngiti sa kaniyang labi nang salubungin siya nila Ken at James.

    "Where's Ann?"

    "She went home. How's the result?" tanong sa kaniya ni James.

    "My God. Pasado ako," tatawa-tawang sabi niya na ikinangiti ng todo ng dalawa.

    "This is a call for a celebration," singit ni Ken at walang abog-abog na kinuha ang isang kamay niya at hinila siya patungo sa sasakyan nito. Naiwan si James na natigilan dahil sa nasaksihan. Lumingon si Devon kay James na nagtataka dahil hindi parin ito sumusunod sa kanila.

   "James!" sigaw niya. Tila nahimasmasan ito at patakbong sumunod sa kanila ni Ken.