Friday, September 17, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 9

Chapter IX

     "Devon, how was your midterm exam?" tanong ng Ninang Marge habang kumakain sila ng hapunan.

     "Okay naman po. Sa monday pa po namin malalaman yung resulta."

     Bumaling ito kay James. "How about you DD?" Napangiti siya sa tawag ng ninang niya kay James. DD as in Dodong. Once niya lang itong tinawag na DD at sa text pa dahil naiinis ito sa tuwing tatawagin niya ito sa palayaw na'yon. Tumingin sa kaniya si James na tila nagbabanta dahil sa nakakalokong ngiti niya.

     "The same with Devon Mom," tipid nitong sagot.

     "Before I forgot. We are going to Baguio tomorrow for a business conference. Maybe one week kaming mawawala nila Manang so mag-ingat kayong dalawa dito."

     "Ninang, papaalam po sana ako. Sa linggo po kasi inaaya ako ni Fretzie matulog sa bahay nila."

     "Naku hija, next time na lang. Mabuti pa siya na lang ang ayain mo dito matulog." Hindi na siya nakahuma sa pagtutol nito. Sa bagay dalawa na lng sila ni James dito iiwan pa niya. Matapos ng hapunan ay nagpaalam na ang ninang niya na magpapahinga dahil maaga pa ang mga ito bukas. sila ni James ay naisipang maglagi sa kubo dala ang gitara nito. Magkatabi sila sa bamboo chair habang tumutugtog ito.

     "Devon, how can you tell if you like someone?" Napabaling siya ditong bigla sa tema ng tanong nito. Kita sa guwapong mukha nito ang kaseryosohan.

     "Bakit mo naitanong? Diba nagkaroon ka na ng girlfriend sa Australia?"

     "That wasn't serious. It's only a bet."

     "Hmm. Hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend so I can't answer it. Bakit ba?" nagtatakang tanong niya.

     Nagkibit-balikat lang ito. "Nothing. Just don't mind."

     "Weh! Di nga! Si Ann ba?" Kunot noong tumingin ito sa kaniya.

     "Ann? Why her?"

     "Eh pa'no pansin ko close na close kayo. Di mo ba nahahalata na gusto ka niya. Ang ganda kaya nun."

     "She's only a friend," giit nito. "And I can't feel something different when I'm with her as much as what I feel when I see-" napatigil itong bigla at napatitig sa kaniya.

     "See who?" tanong niya.

     "Nothing!" mabilis na sagot nito. Kiniliti niya ito sa tagiliran upang paaminin. Hanggang sa naghaharutan na sila. Nang akmang tatayo na siya ay hinila siya nitong bigla dahilan upang mapahiga sila sa mahabang upuan. Namula siya dahil sa kakatwang ayos nila. Nakadaghan kasi siya kay James at nakayakap ang dalawa nitong kamay sa baywang niya. Itinungkod niya ang dalawang palad sa magkabilang gilid ng upuan para makawala dito pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap dahilan upang magkalapit ang mga mukha nila. Dama niya ang mabangong hininga nito na dumadapo sa balat niya. Nakatitig ito sa kaniya na tila pinag-aaralan ang kabuuan ng mukha niya. Napatitig siya dito. Kita niya ang unti-unting paglapit ng labi nito sa kaniya at tila nahihipnotismong inaantay ni Devon iyon. Bago pa mangyari ang pareho nilang inaasahan ay nagulat sila sa boses ni Manang Lita.

     "Devon! James!" napabalikwas silang pareho dahil sa pagtawag sa kanila ni Manang Lita. Hindi siya makatingin kay James kaya walang sabi-sabing iniwan niya ito.

     "Manang! Andito po kame!" sigaw ni Devon habang palayo sa naiwang si James.


     Napasandal siya sa pinto ng kuwarto niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Devon. She couldn't imagine kung bakit nangyari ang tagpong iyon. Hindi niya rin ma-explain ang nararamdaman. Basta na lang kumilos ang kaniyang mga paa palayo kay James. Nahihiya siya dito.

     "Ano ba'to?" anas niya. Kaninang magkalapit sila ni James ay parang may mga naghahabulang daga sa dibdib niya. May gusto ba siya sa kinakapatid? Bakit sa tuwing kasama niya ito ay masaya siya, at sa tuwing magkasama si James at Ann ay parang kinukurot ang puso niya. Napatingin siya sa sidetable ng kama kung saan naroon ang kuha nilang dalawa ni James. Nakaakbay ito sa kaniya at nakangiti ng ubod tamis. He likes James, yun ang napagtanto niya. Matagal na siguro pero hindi niya lang binibigyan ng pansin hanggang mangyari ang insidenteng iyon kani-kanina lang. Ngunit, hindi dapat siya magkagusto sa kinakapatid dahil nakakahiya sa ninang niya. Sisikilin niya ang damdamin habang maaga upang hindi na lumalim iyon. Napasalampak si Devon sa sahig at napabuga ng hangin. Nakatitig siya sa bukas na bintana kung saan kita ang madilim na kalangitang napapalimutian ng mga bituin.

     Samantala nasa tapat ng kuwarto ni Devon si James. Kakatok sana siya para kausapin ito pero pinigilan niya ang sarili. Nakatitig siya sa pinto nito. He couldn't explain why he wanted to kiss her that time. When he saw her face too closed to his, may bumulong sa kaniyang halikan ito. But, it didn't happen because of Manang Lita. May panghihinayang na nilisan ni James ang kinatatayuan at pumasok na lang sa kuwartong inookupa.


     Kinabukasan ay nabungaran ni Devon si James sa kusina. Naka-apron ito at nagluluto ng almusal. Alas-otso na siya nagising at hindi na naabutan ang ninang dahil maaga ang mga itong umalis. Humugot siya ng hininga bago lumapit sa may bandang likod nito.

       "Wow naman! Ngayon lang ata kita nakitang nagluto!"

      "Thank God, gising ka na. You're such a sleepyhead," biro nito na tila wala lang dito ang kakatwang nangyari sa kanila kagabi. May mumunting kirot siyang naramdaman sa isiping 'yon.

      "Wow nanaman, nagtagalog ka rin! Ginagamit mo na pala ang mga naituro ko sa'yo ha. FYI ha, hindi ako ang sleepy head, ikaw kaya. Nung isang araw nga lang eh, nakita kita natutulog diyan sa sofa, tulo pa laway mo," pang-aasar niya rito.

     "Wha-what?! That's not true," natatawang tanggi nito.

     "Liars go to hell. haha! Ewan ko, yun talaga ang nakita ko eh." Patakbong lumayo siya rito dahil akmang sasakalin siya nito nang pabiro. "Maghahain na ko James! Aalis pa ko!" sigaw niya para marinig nito. Sumilip ito sa may dining room buhat sa kusina.

     "Where are you going?" takang-tanong nito.

     "Ken and I are going to MOA." Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tapat ng lamesa.

     "Can I go with you? I don't have anything else to do here."

     'Patay kang bata ka.' Kaya nga niya tinext si Ken kagabi para mamasyal upang maumpisahan na ang paglayo dito pero heto't gusto pang sumama. Napaisip siya, yayayain niya na lang si Ann para hindi halatang iniiwasan niyang makasama ito.

     "Okay. I'll text Ann para sumama din."

     "Why do you want to bring Ann with us?" kunot-noong tanong nito.

     "Ah-eh- para madami tayo. The more the merrier," pagdadahilan niya. Pinagpapawisan siya ng malapot.

     "You're not a good liar Devon. Come on, tell me why do you want Ann to go with us instead of Fretzie. She's your bestfriend, right?" Nakataas ang kaliwang kilay nito na tila hindi naniniwala sa alibi niya.

     Tinamaan na. Hindi niya basta-basta maiisahan si James. "I'm going to say it, naunahan mo lang ako. I'll invite Tricia and Ivan too. Sige na prepare na our breakfast, I'll call them in my room," paalam niya at tinungo ang kuwarto.

* * * * * * * * * * * * * * * * * *

     Naiinis na bumalik si James sa kusina. Bakit parang pakiramdam niya ayaw siyang isama ni Devon. Gusto ba nitong mapagsolo sila ni Ken? May gusto ba ito sa bestfriend niya? Tila hindi naman ito apektado sa nangyari kagabi, hindi tulad niya na ginugulo parin ang kaniyang utak. Habang kausap ito kanina ay di niya maiwasang sulyap-sulyapan ito. Naisipan niyang magluto ng almusal para ayain itong mamasyal pero may usapan na pala sila ni Ken.

    "What is happening to me?" mahinang tanong niya sa sarili habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

    "May problem ba James?" Hindi niya namalayan na nakababa na pala si Devon at nagtatakang nakatingin sa kaniya.

    "Wala. Come. Let's eat," anyaya niya dito. Naupo ito sa kabilang kabisera ng lamesa katapat niya.

    "Nga pala, tayong tatlo lang talaga ni Ken makakapag-gala. May pupuntahan daw sila Ivan And Fretz. Si Tricia naman nasa family gathering and Ann needs to go back in Taiwan right now dahil birthday daw ng lolo niya," mahabang litanya ni Devon habang nagsasandok ng kanin. Napangiti siya ng lihim sa sinabi nito.


    Magkatabing nakaupo sila ni Devon sa gilid ng ice skating range sa MOA para antayin si Ken. Tumawag ito at sinabing male-late dahil magmumula pa it sa Cavite.

     "Ang tagal ni Ken," naiinip na wika ni Devon. Nag-ring ang phone nito at kinausap ang nasa kabilang linya. Titig na titig siya dito habang kausap si Ken. She's really pretty. Habang tinititigan ay lalong gumaganda at hindi nakakasawa. Binaba nito ang celphone at dali-dali niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon upang hindi siya nito mahuli.

    "Hindi na daw makakasunod si Ken. Magtatampo daw kasi yung lola niya pag umalis siya," untag nito. Lihim siyang nasiyahan sa narinig.

    "Disappointed?" tanong ni James.

    "Why would I? Halika na nga tayo na lang." Tumayo ito at hinila siya. "Let's enjoy this day!" Hinawakan ni Devon ang kamay niya at halos kaladkarin siya paalis sa kinatatayuan nila. One more thing about this woman, she's really strong.

    Marami silang napuntahan ni Devon. Naglaro sila ng basketball sa Arcade at ilang beses siya nitong tinalo sa paramihan ng na-shoot. Kaya lahat ng ticket na nakuha niya ay kinuha nito. Ipinagpalit nito ang mga iyon sa dalawang thread bracelets. Ibinigay nito ang isa sa kaniya na sinuot niya agad. They ate their lunch at Jollibee dahil miss na daw nito ang choco sundae doon. She ordered one piece chicken wings and two cups of rice and a choco sundae. Nakawiwiling tingnan ito habang kumakain. Hindi niya alam kung saan nilalagay ni Devon ang mga kinakain nito. She got a nice curves kahit na may scoliosis ito and he found it sexy. Napipilan siya sa naisip, panay puri niya sa kaibigan. 'Do I like devon?' He's so happy and smiling when he's with her. He feels comfortable with his godsister.

     "James," bulong ng katabi. "Parang malalim ang iniisip mo." Kasalukuyan silang nasa sinehan at nanonood ng Step Up.

    "Just don't mind me," bulong niya dito na nakapagpatigil sa kaniya. Samyo niya ang mabangong buhok nito. Natitigilang nag-focus siya sa pinapanood. 'What's happening to me?' Gusto niya ba talaga ang kaibigan.

    Habang nasa taxi pauwi ay nandun parin ay nasa isip parin niya ang mga katanungang iyon. Hindi siya makagalaw dahil ayaw niyang istorbohin si Devon na kasalukuyang nakahilig sa kaliwang balikat niya at mahimbing na natutulog. Alas-singko na sila nakalabas ng sinehan kaya napagdesisyunan nilang sa mall na rin kumain ng dinner. Dinama ng palad niya ang maamong mukha nito and it answered his thoughts. He likes her. He really likes Devon so much.

2 comments:

  1. MARE.. NEXT CHAPTER NA... MATAGAL TAGAL KA NA RIN HINDI NAG UUPDATE,,,HEHE! JUSTJADER7 HERE :)

    ReplyDelete
  2. maybe monday na po...I'm busy po kc till this sunday because of my pre-board exam...onting wait na lang po..hehehhe

    ReplyDelete