Tuesday, August 31, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 6

Chapter VI

     "Hi James!" bati niya rito nang bumaba siya at makita itong kumakain ng almusal. maganda ang gising niya dahil sa nangyari kahapon. Tinapunan lang siya ng tingin nito at tumango.

     Iba na naman ang mood ng taong 'to samantalang kahapon ay napapatawa ito kapag nagjojoke si Ken. That was the first time he saw him laugh. Pero ngayon ni kaunting ngiti ay ayaw pa siyang bigyan but atleast hindi na ito sumimangot nang makita siya.

    Umupo siya sa bakanteng upuang katabi nito. Nagtatakang tumingin sa kaniya si James. From now on kahit ipagtabuyan siya ay pipilitin niyang maging magkaibigan sila. Sawa na rin siya sa simpleng pakikipag-argumento dito.

    "James can I borrow your guitar later? I saw you playing it at the pool last Friday."

    Mukhang naging interesado ito sa sinabi niya. Nice start Devon, bulong niya sa sarili.

    "You play guitar?" tanong nito.

    "Yup. I started playing it when I was first year. Won't you mind If I borrow it right?"

    "Okay. I can only give it to you after dinner. Ken borrowed it last Sunday."

    "Ganun ba. I'll text Ken na lang to bring it here." Napansin niya ang pagtaas ng kilay nito dahil sa sinabi niya.
  
    "Ah, ka-text ko kasi siya kagabi. Nung umuwi tayo he called me up and asked if he could drop by here later."

    "Seems you two are now close though you only met him yesterday."

    Madali kasi siyang makasundo at hindi rin suplado.

    "Hindi lang naman siya, pati si Tricia pupunta rin. Akala ko nga suplada yan si Tricia mabait naman pala."

    "Just tell Ken to bring it. I'm going out" paalam nito pagkatapos uminom ng tubig.

    "Uy wait, join us mamaya ha. Uwi ka before four" pahabol niya. Hindi niya alam kung narinig nito.

    "Hay James! Ano bang gagawin ko sa'yo?" mahinang usal niya at sinabayan ng isang malalim na buntong-hininga.


* * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

     Mag-isa lang siya sa bahay ngayon. Umalis si James pagkatapos nito mag-breakfast samantalang ang ninang niya ay pumunta sa SM Makati kasama ang mag-asawa para mamili at gagabihin daw ng uwi. Pinaalam niya sa ninang niya ang pagpunta nila Ken at Tricia mamaya at kung naisin daw nila ay mag-swimming sila.

     Alas-tres na ng hapon at kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro sa kubong nasa tabi ng pool. Nagulat siya nang mapadapo ang kaniyang mga mata sa may glass door at makita si james na nakatayo doon at nakatingin sa kaniya.

    "James" tawag niya dito pero bigla na lamang itong nawala sa paningin niya. Pumasok siya at nadatnan itong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. He looks annoyed.

     "Akala ko di ka uuwi ng maaga eh" sabi niya  nang nakangiti. Masaya siya dahil makaka-bonding nila si James mamaya.

     "This is our house so I can go home anytime I want" pagsusuplado nito.

     Hindi niya pinansin ang iginawi nito. Ano na naman kayang problema ng mokong na'to?

    "Do you like to eat? May niluto akong sinigang na buto-buto." Natawa siya ng lihim dahil sa naging reaksiyon nito. Bigla kasing nawala ang iritadong mukha nito nang marinig kung anong niluto niya. Well, inalam niya talaga ang paborito nitong ulam para na rin mapalapit siya dito at tuluyang matapos na ang kanilang silent war, kung yun nga ang tawag doon.

     "You cooked Sinigang? I think I'm hungry" biglang sabi nito.

     "Sige hahainan kita. Iinit ko lang yung ulam para masarap."

     Nakatitig siya dito habang kumakain. Sarap na sarap ito sa pagkain kahit di nito sabihin.

     "What?" takang tanong nito nang mapansing nakatitig siya.

    "Nothing. I'm just happy that you like it."

    "To be honest it's delicious" sabi nito at ngumiti.

    Parang bumilis ang tibok ng puso niya nang ngitian siya ni James. It's the first time he gave her a smile.

    "You smiled at me" nawika niya.

    "Wha-what?" natatawang tanong nito. Nagayon lang din ito tumawa sa harapan niya, as in nang dahil talaga sa sinabi niya.

    Nagayuma ata ito ng luto ko, natawa siya sa naisip.

   "Iba ka kasi ngayon. Kanina lang kamukha mo yung unggoy diyan ni aling Marieta sa kabila dahil nakabusangot yang mukha mo kanina pag-uwi tapos ngayon kumain ka lang ng sinigang biglang nagbago ang mood mo. It's also the first time you smiled at me and laugh from what I said."

    Halatang napaisip ito sa sinabi niya. "It's really delicious" pag-iiba nito ng usapan. Napangiti na lang siya sa complement nito.

    Naghuhugas siya ng pinggang pinagkainan ni James nang tumunog ang doorbell at marinig ang boses ni Ken. Narinig niya ang paghaharutan ng dalawa kaya nagmamadali siya.

   "Woi!"

   "Ay butiki ka!" Napahawak siya sa dibdib niya nang gulatin siya ng bagong dating.

   Napatawa ng malakas ang kanilang bisita dahil sa naging reaksiyon niya. Muntik na rin niyang mabitawan ang basong sinasabunan niya.

   "Ginulat mo ko" birong maktol niya dito.

   Tumawa uli ito. "Asan si Tricia? Akala ko kasabay mo siyang pupunta dito?"

   "Maya-maya lang nandito na yun. May dinaanan pa daw kasi siya.

   "Ganun ba. Buti na lang umuwi agad yang si James."

   Bumadha ang pagtataka sa mukha nito. "Bakit? San ba siya galing?"

   "Ewan. Sabi ni ninang nagpaalam daw sa kaniya na pupunta sa friend niya na nakatira sa may condo dun sa Salcedo Village."

   "As far as I know, he has no other friends other than me. Masyado kasi siyang tahimik nung pumunta siya dito sa Pilipinas at naging classmate namin ni Tricia, kaya mga guy classmates namin ilag sa kaniya. Ako lang kaya ang nagtiis diyan" biro nito.

   "Loko ka, baka mawalan ka ng bestfriend" ganting-biro niya. "Yun ang sabi niya eh. Di ko alam. Punta ka na dun, malapit na ko matapos" taboy niya dito.

 
   * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

   Nauna siya sa may pool area habang ang dalawa ay nagpalit ng shorts panligo sa kuwarto ni James. Naupo siya sa tabi ng pool at inulublob ang mga paa sa malamig na tubig. Dala ang gitara ni James ay inumpisahan niya ang pagtugtog kasabay ang pag-awit ng isa sa mga paborito niyang kanta ni Colbie Callait.

Take time to realize,
That your warmth is. Crashing down on in.
Take time to realize,
That I am on your side
Didn't I, Didn't I tell you.

But I can't spell it out for you,
No it's never gonna be that simple
No I cant spell it out for you

If you just realize what I just realized,
Then we'd be perfect for each other
and will never find another
Just realized what I just realized
we'd never have to wonder if
we missed out on each other now.

     Napahinto siya nang maramdamang tila may mga matang nagmamasid sa kaniya. Nakita niya ang dalawa sa may glass door, si Ken na nakangiti na tila naaliw sa napanood at narinig at si James na hindi niya alam kung ano ang iniisip. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at hindi niya mabasa. iyon ang isa sa mga napansin niya dito, James has a mysterious side.

    "Wow! That was awesome. You're not only good in playing the guitar, you're also good in singing" puri sa kanya ni Ken.

    Umupo ito sa tabi niya samantalang si James ay umupo sa wood chaise lounge sa likod nila.

   "No, I'm not" at sabay palo sa braso nito.

   "Ouch!" hiyaw nito. "What was that?" natatawang reaksyon nito.

   "That's my iron hand" biro niya.

   "Have you heard James playing that?" tanong ni Ken sa kaniya.

   Lumingon siya sa likod kung saan nakaupo si James. Nagtama ang mga mata nila, kinakabahang iniiwas niya ang tingin dito. Why am i nervous? tanong niya sa sarili.

   "Yeah. I heard him playing this" tukoy niya sa gitara. "He's really good."

   "But you should also hear him singing while playing that." Kinuha nito ang gitara sa kaniya at ibinigay kay James. Lumipat sila sa isang lounge katapat ng inuupuan nito.

   Suddenly, James started singing and playing the guitar. His voice is totally soothing as if it's hypnotizing her. She feels that he has a deep passion for music. he's singing Jesse McCartney's Right Back in the Water.

I could tell by the look in her eyes
Maybe I'm just another one of her lies
'Cause I know we've been through this so many times
Still I'm here though I'm burning up inside

And I try to walk away but I keep telling myself
She's the one for me
'Cause her love is so contagious
It keeps pulling me in
We were meant to be
And I can't leave her
We're right back in the water

I could tell by the look in her eyes
All my friends keep telling me now's the time
But I know
Just the notion of saying goodbye
Breaks my heart it tears me up inside

And I try to walk away but I keep telling myself
She's the one for me
'Cause her love is so contagious
It keeps pulling me in
We were meant to be
And I can't leave her
We're right back in the water

    Nahiya siyang bigla nang mapadapo ang tingin nito sa kaniya at makita siyang parang adik na nakatitig dito. Tapos na pala itong kumanta at tumugtog. Sino ba naman kasing hindi mawiwiling tingnan si James eh guwapo ang mokong na'to sabihin pang ubod ng suplado.

   Pumalakpak siya para makabawi sa pagkapahiya. "Wow! Galing mo pala kumanta James."
  
   "I told you, he's really good" si Ken.

   "Ikaw naman Ken" sabi niya.

   "I'm out of it. i can play guitar but not singing, it's not my forte."

   "Seriously?" panunukso niya dito.

   "Very serious. I think we should swim now" yaya nito.

   "Kayo na lang" tanggi niya.

   "Why?" Ken asks.

   "Red Tide." He understood what she said. Niyaya na nito si James maligo.

   Habang naliligo ang mga ito ay naggigitara siya. Ayaw niyang kumanta, nahihiya siya. Hindi kay Ken kundi kay James, and she don't know why.

   Hindi na nakarating si Tricia dahil gagabihin na daw ito. Bago umuwi si Ken ay sinabayan sila nitong kumain ng hapunan at puring-puri nito ang luto niyang sinigang na ininit niya na lamang. Magbonding daw uli sila sa pasukan sa susunod na linggo.

   Alas-otso na ng gabi at nasa tabi siya ng pool nakahiga sa lounge upang hintayin ang ninang niya. Nagtatakang tumingin siya kay James na nahiga rin sa bakanteng lounge.

   "I never thought that you could sing." Gulat na tumingin siya dito.
  
   Totoo ba ang narinig at nakikita ko? Kinakausap ako ni Mr. Suplado, bulong niya sa sarili.

    Matiim na nakatitig ito sa kaniya. Ano ba'to baka malusaw ako sa titig ng mokong na'to. Kinalma niya ang sarili bago magsalita.

   "Am I good?" nakangiting tanong niya dito at umupo nang ayos.

   Bumangon ito at umupo din katapat niya. "Honestly, you're good."

   Napatulala siya sa complement nito. Natatawang iwinagayway nito ang dalawang kamay sa tapat ng mukha niya. Sinapo niya ang noo nito.

   "Are you sick James?" biro niya.

   "What?" nagtatakang tanong nito.

   "You're talking to me right now."

   "Why? You don't like?"

   "No, I'm just surprised kasi nung nakaraang linggo nang dumating ako dito sa inyo feeling ko you hate me."
   Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "To be honest, I was envious and jealous at the same time."

   Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "My mother is giving you attention that she didn't gave me when she left. I was also envious of you coz' you're still tough even though you don't know your father and your mother died. And, I'm here, still feeling hurt because my parents got separated" seryosong paliwanag nito.

   She didn't expect that James will open up his feelings to her. It feels good na unti-unti nang naaayos ang di nila pagkakaunawaan. Sa mga sinabi nito, mali ang inaakala sa kaniya ni James. She doesn't feel that she's complete dahil hindi niya pa nakikilala ang ama. Hindi niya magawang itanong sa ina kung asan ito dahil nasasaktan ito sa tuwing bubuksan niya ang paksang iyon. Most of all, ramdam niya pa rin ang pagkawala ng ina lalo na kapag nag-iisa siya at nagigising ng hating-gabi dahil sa masamang panaginip.

    "You're hating me beacuse of that?"

    "Yeah, but it's now hated not hating." 

    Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi sa sinabi nito. "Thanks James. I was also mad at you when you're ignoring and talking to me rudely. But, I think it's about time to forget those bad encounters and better if we became friends"

    He smiled boyishly. "I think so."

    "Friends?" inilahad niya ang kanang kamay dito na malugod naman nitong tinanggap.

    "Friends!" masiglang sabi nito.

Friday, August 27, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 5

 Chapter V

     One week na ang lumipas buhat nang siya ay tumira sa ninang niya. Isang linggo na rin niyang napagtitiisan ang silent war sa pagitan nilang dalawa ni James at sa mga araw ding iyon ay mas minabuti niyang magkulong sa kuwarto at mag-aral.

     Ngayong lunes ang araw ng exam niya kung kaya't siya'y maagang nagising at naligo. Sinuot niya ang maong jeans at white blouse na regalo sa kaniya ng ina nang grumaduate siya. Tanging pulbo lang kaniyang inilagay sa mukha at nagwisik ng pabango.

    Lumabas siya ng bahay na abot hanggang tenga ang ngiti. Nakita niya si James na nakasandal sa kotse. As usual iritado na naman ito, hindi na siya nasanay.

     "I waited here for almost half an hour" umpisa nito.

    "Why? Where's ninang?" takang tanong niya.

    "My mom went to a conference in Tagaytay. It was unexpected so she asked me to accompany you in hte university. As much as I don't want, she begged me for you" sarkatiskong sabi nito.

    "Dapat kinatok mo ko para nagmadali ako." Lumapit siya ng bahagya kay James at ngumiti ng ubod tamis, kita ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. "But, I am really thankful na sasamahan mo ako."

    "Drop it. Let's go. We're gonna take a cab" yaya nito. She was confuse dahil nang ngitian niya ito ay naglaho ang iritadong mukha nito at napalitan ng pagkalito.

    Nakarating sila sa university nang walang imikan sa taxi. Inihatid siya nito sa room 105 kung saan gaganapin ang pagsusulit. Kahit alam niyang labag sa kalooban nito ang siya'y samahan, thankful pa rin siya. Si James ay nagpaalam na pupunta lamang sa cafeteria at doon siya hihintayin.

   Tinawag ang grupo nila ng isa sa mga teachers na naroon at isa-isa silang binigyan ng questionnaire at answer sheet. Napuwesto siya malapit sa bintana kung saan tanaw niya ang mapuno at malawak na field ng eskuwelahan.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

    He went to cafeteria to eat breakfast while waiting for her. Her mom suddenly wake him up five in the morning para samahan si Devon. He declined thrice but his mom begged and he couldn't say anything after that. 

    "Hey dude! Anong ginagawa mo dito?" si Ken.

    "Just accompanying someone" he said and took a bite of his sandwich.

    "And who's that person?" nakakalokong tanong nito.

    "Kinaiinesan kow" sagot niya rito sa tagalog with his Aussie accent. He can understand tagalog but he's not so good on speaking the language.

    His bestfriend laughs. "So you might want to introduce me to her. You know we're gonna be schoolmates soon."

    "Why are you excited meeting her?" he asked with a big grin on his face.

    "Nothing. Just want to meet her dude coz' I am MR. CONGENIALITY."

    "You're crazy dude. Baka maines ka ren sa kenya. She looks tough."

    "I like that kind of girl!" nasabi nitong bigla.

    "Wha-what?" tanging nasambit  niya.

   "Oh-ow" iiling-iling na nawika nito. Lumingon siya sa tinitingnan nito.

   "Your fan is here James" tukoy nito kay Tricia na kasalukuyang palapit na sa kanila.

   "Mind If I join you two?" she asks with a big smile on her face.

   "Yeah, sure. Sit down Trish" Ken said. He look at him implying a big "WHAT?!" on his face.

   "James, how was your vacation? I didn't received a single reply from you."

   "I was busy" tipid niyang sagot dito.

   "Hmmm. Ganun ba" malungkot na sabi nito.

   Biglang sumingit si Ken. "What are you doin' here Tricia? Dito ka rin ba papasok?"

   "You're gonna study here too?" gulat na tanong niya.

   "Yup, yup"

   Three hours has passed and his ears were already aching because of Tricia's chitchat. When he turned his gaze on the door, he saw Devon walking down to their table. She looks happy. Maybe she's so sure of passing the exam, he thinks.

    "Done already?"

    "Oo. Pasensiya sa paghihintay."

    "So you are Devon. I am Enrique. Ken for short" pagpapakilala na bestfriend niya at kinamayan ito.

    Masaya ring nakipagkilala si Tricia sa bagong dating.

    Devon sat beside him. "I'm Devon Seron. You can call me Dev" and gave them a smile.

   "Nice smile" nasambit ni Ken. Devon became shy because of the complement.

   "By the way Devon, kaanu-ano mo si James? Girlfriend ka ba niya?" muntik nang maibuga ni James ang iniinom niya dahil sa tanong ni Tricia.

   "Naku. Hindi no" tatawa-tawa ito habang nagpapaliwanag kung bakit sila magkasama. "and he's not my type. Ayoko ng suplado" dugtong pa nito.

    "Ako, type mo?" ani ni Ken.

    Napangiti lang si Devon. Naasar siya dahil kahit ngayon pa lang magkakakilala ang tatlo ay tila magkakasundo na ang mga ito unlike him and Devon.

    They got home late dahil nag-aya pa sila Tricia at Ken na mag-gala sa Trinoma. They ate dinner at McDonalds and His bestfriend paid for it. To be honest it was fun, most of all when he noticed Tricia's not into him na.

    Papasok na sila ng bahay until Devon uttered his name. "James" lumapit ito sa kaniya. "Thank you nga pala sa pagsama mo sa akin. Ngayon may mga new friends na 'ko because of you" ngumiti ito sa kaniya, and it was a beautiful smile.

    "It doesn't matter" and went to his room.

    What was that? Indeed, Ken was right. She has a beautiful smile and he likes it. Kahit kaninang umaga na aburido siya, nang lumapit ito at nagpasalamat ay nawalang bigla ang inis niya.


    What is happening to me? What is happening to me? A question that keeps repeating in his head

Wednesday, August 25, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 4

Chapter IV

     Inis na pumasok ng kuwarto niya si Devon at humiga sa kama. She was so ashamed on James' action kanina sa dining room. She was right about him. Hindi ito madaling makasundo, halata naman sa itsura nito.

     "Akala mo kung sinong guwapo!" inis na wika niya. Ang ninang na lang niya ang humingi ng pasensiya sa inasal ng anak nito. Tiyak na magkakasundo rin daw silang dalawa, and that idea was so absurd. Minabuti niyang matulog na at ipahinga ang katawang mahigit isang linggo ding walang pahinga.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

     Nagising si Devon sa maingay na musikang nanggagaling sa kuwarto ni James. Alas-onse na pala ng umaga. Hindi siya halos makatulog ng madaling-araw dahil sa sobrang lambot ng kama na hindi niya nakasanayan. Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ng kuwarto ay siya ring paglabas ni James. Nakita niya ang pag-asim ng mukha nito nang makita siya at nauna ng bumaba sa kaniya.

    "Where's Mom?" narinig niyang tanong nito kay Manang Lita sa dining room na kasalukuyang naghahanda ng mga plato.

    "Umalis siya hijo, kanina pang maaga. May aasikasuhin daw siya sa papasukan ninyo ni Devon."

    "What?! She's goin' to the same university as mine" gulat na sabi nito.

    "Hijo, ano bang problema mo kay Devon. Mukha namang mabait na bata yan at maganda pa" napapailing na wika ng matanda.

    "I just don't-" naputol ang sasabihin nito nang makita siya ng matanda na nakatayo sa dulo ng hagdan.

    "Devon, gising ka na pala. Malapit na maluto ang ulam. Halika na at maupo."

    Lumapit siya sa lamesa at naupo samantalang si James ay nanatiling nakatayo at hindi maipinta ang mukha. Parang ang sarap tuloy inisin nito.

    "James, sit down. Baka mangalay ka kakatayo diyan" pang-iinis niya rito na mas lalong ikinalukot ng guwapong mukha nito.

    Nang umupo ito sa bandang harap niya ay umandar ang kaniyang pagkapilya. Hindi naman siguro siya sasapakin nito kapag lalo niya pa itong inasar.

    "Nakakaintindi ka pala ng tagalog? Akala ko hindi, namroblema tuloy ako kung paano ka kakausapin. You know baka ma-nose bleed ako ng tuluyan" nakangiti niyang sabi rito.

    "Will you please just shut up!" sigaw nito sa kaniya.

    "Ohhhh, sorry" sabi niya na mas ikinapika pa ata nito. May sasabihin pa sana ito nang dumating na ang matanda dala ang ulam nila.

    "Kayo talagang mga bata kayo. Kay-tanghaling tapat, nagsisinghalan kayo. O siya kain na."

    "Kayo po Manang?" tanong niya rito.

    "Mamaya na ko ineng. Sige na mauna na kayo. Pareho kayong di nag-almusal. Ako'y magtutupi muna ng mga nilabhan ko" paalam nito.

    Tahimik silang kumain ng pananghalian. Nauna itong natapos at lumabas sa may hardin. nang matapos na siyang kumain ay siya na ang nagligpit at naghugas ng mga plato at kawali sa kusina. Kailangan niyang tumulong maski sa simpleng mga gawaing-bahay para makaganti sa tulong sa kaniya ng ninang niya.

    Pagkatapos niyang magligpit ay naligo siya at nagbihis ng t-shirt at short. Nahiga siya sa kama at nagbasa ng librong nakita niya sa drawer. Hindi niya namalayan na nakatulog siya ng matagal. She woke up when someone is knocking on her door. Papungas-pungas siya nang buksan ang pinto at nakita si James na halatang naiinis.

     "What?!" tanong niya rito nang napamaywang .

     He gave her a smirk. "It's already six in the evening and you're still sleeping. Mom want's to talk to us so better fix yourself and get down" wika nito at umalis nang magsasalita pa sana siya.

     Isinara niya ang pinto at nanggigigil na pumunta ng banyo at naghilamos. Hindi niya alam kung bakit inis sa kaniya si James. Nang pumayag siya na tumira dito ay naipangako niya sa sarili na she will try her best to be friends with everyone most of all to James. But, as much as she would like, ito na mismo ang kusang lumalayo.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

     Masinsinang nag-uusap ang mag-ina nang siya ay bumaba. Nang lumingon ang ninang niya ay pinalapit siya nito.
  
     "Bakit po ninang?" tanong niya rito pagkaupo.

     "I went to Gemsters University at kinausap ko na ang dean doon. She was my colleague back way in college. We had talked about your scholarship and she said that the school will pay all your expenses if you could pass the Scholarship Examination next week. And if your grade is 90 and above, miscellaneous is included plus two thousand allowance every month" masayang pagbabalita nito.

     Hinawakan niya ang dalwang kamay ng ninang niya. "Thank you po talaga. Pagbubutihan ko po talaga para makapasa" naiiyak na wika niya rito habang nakatingin lamang sa kanila si James.

     "Anak, di mo naman kailangan ang scholarship eh. I can pay for your tuition, mapilit ka lang na kumuha ng scholarship kaya ako na ang gumawa ng paraan para mas mapadali. But, good luck sa'yo. I know that you can pass it" maluha-luha na din ito. "Hay, kumain na nga tayo. Ayokong umiyak. Nagugutom na ang aking mga alaga" natatawang sabi nito habang ang isang tao sa tabi-tabi ay nakatingin lang sa kanilang dalawa at tila may malalim na iniisip.

     Dahil sa kasiyahan, nang gabi ding iyon ay inumpisahan niya na ang pagre-review para sa exam niya sa susunod na linggo.

Tuesday, August 24, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 3

Chapter III

     "So, you're gonna live here with us" James said after their dinner.

     She looked at him with wary eyes.

    "James, I had told you about this right. Devon's mother died and I am the only one who could support her."

    He sighed. "Well, I don't kehr at all if she stays here" he paused and stare at her. "As long as she's not goin' on my way."

    "James!" his mom.

    The girl broke her silence. The wariness in her eyes faded and gave him a dagger look. "James, if you are worried that I could mess your life, well you're wrong. I am assuring you that I will not give you any problems while I am here."

     He saw his mom smile in a silent manner. This girl has a big mouth and likes to be tough. He stood up without saying any words and went to his room. "Shit!" he threw his pillow on the wall out of his irateness.

     He shouldn't left Australia before. Living here with his mom is like hell. And now, that girl came and he's not comfortable about it. His parents got separated when he was in grade school. His mother left him without any parting words. Since then, he promised to himself that he will not see her again but his dad remarried and he has no choice but to be with her.

     He get his phone out of his pocket to text Ken, his bestfriend.

     "hey dude. wat u doin'?" he typed and pushed the send button. He waited for a reply.

     "m hir outsyd d haus, just chilin in d pul. is she pretty dude? ;)" his nose wrinkled because of the message. He told him about Devon and he was excited to meet her.

     "nah! such an ugly face. u wouldn't mind seein' her" he replied.

     "woh! I ges I got 2 c her wid my own eyes. ur txt was so INTRIGUING."

     A smile on his face appeared. To be honest, she has a pretty face and a dark skin envies by many people in Australia. But, he doesn't like her character. He's gonna put his phone on the side table when it beeps.

     "no reply yet? I guess ur not in d mood....did she ruined ur nyt dude? hahahaha...."

     "not totally.... nyt dude" and decided to sleep.

    

Monday, August 23, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon fanfic) Ch. 2

CHAPTER II

     "Let's go" anyaya ng ninang niya.

     Tulad nang sa labas, simple lang din ang loob ng bahay. Kahit na malaki ito, ang ambiance ay napakaaliwalas. Kumpleto ang mga furnitures na puro gawa sa mga kahoy. Pagpasok pa lamang ng malaking pinto ay bumungad sa kaniya ang malaking sala na nakatapat sa glass door na nilagyan ng kulay abong kurtina sa magkabilang gilid nito. Kita ang magandang hardin na kinatitirikan ng isang swimming pool. Sa likod ng malaking upuan ay isang bintana na tinernuhan ng white and brown na kurtina. Umakyat sila sa hagdang nakakubli sa dibisyon ng malaking sala at dining room sa bandang gitna ng bahay. Huminto sila sa ikatlo at huling kuwarto na katabi lamang ng veranda. 

    "This will be your room Devon. Go inside and see it yourself. May sariling C.R. na rin yan sa loob. I'll just ask Mang Ben to bring your things here" tukoy nito sa driver nito.

    "Thank you for all the good deeds ninang. Di ko po alam kung paano kita mapapasalamatan."

    "Devon, from now on you will be my daughter. You will be my responsibility, you don't have to repay me. All I want to ask you is to be strong and finish your studies. I promised your Mom that I will take care of you" sambit nito.

     "Thank you po talaga."

     "Baka magkaiyakan pa tayo dito anak. Sige na pasok ka na sa loob" natatawang wika nito.

     Napangiti na rin siya. "Sige po. Maliligo lang po muna ako bago bumaba."

     "Just take your time hija. There are new clothes in your closet, yun na lang ang isuot mo. Magpapahanda na muna ako ng dinner, darating na rin kasi ang guwapo kong anak galing sa paglalakwatsa" nakangiting sabi nito.

     Galak ang naramdaman niya nang buksan niya ang ilaw at tumambad sa kaniya ang kabuuan ng kuwartong ookupahin niya. Kulay Cream ang pintura nito na binagayan ng bulaklaking wallpaper na kisame. Ang queen size bed na mismong nasa gitna ng kuwarto ay tinernuhan din ng bulaklaking light blue and white na bedsheet. Sa kaliwang bahagi ng kama makikita ang magkatabing malaking closet at mini drawer na pinaibabawan ng medium size na salamin. Halos lahat ng furnitures na nasisilayan niya ay gawa sa purong narra.

     Lumapit siya sa bintanang natatabingan ng kurtina na nasa likod ng kama. Kita niya mula dito ang malaking hardin na napapalibutan ng iba't-ibang halaman at ang pool na tila nanghahalina. Pumasok siya sa glass door na sapantaha niya ay ang banyo. Naroon ang kulay abong bath tub at shower. kumpleto din ang mga toiletries sa loob nito. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya magkakaroon ng ganitong karangyang tutulugan. Lumabas siya ng banyo at lumapit sa side table ng kama. Naroon ang picture nila ng kaniyang ina noong grumaduate siya ng high school. Gusto niyang umiyak ngunit pinigilan niya. Hindi tamang sa tuwing maiisip niya ang ina'y iiyak siya. Pinili niyang maligo na upang makausap ang kaniyang ninang tungkol sa nalalapit na pasukan.

    Pagkalabas niya ng kwarto ay nakakabingi ang katahimikang sumalubong sa kaniya. Suot niya ay maong shorts at dilaw na blouse na nakita niya sa cabinet.

     "Andyan ka na pala Devon. Pinapatawag ka na ni Maam" si Manang Lita, asawa ni Mang Ben.

     "Ah, sige po Manang. Pababa na rin po ako." sumunod siya rito patungo sa dining room.

     "Devon have a seat" wika ng ninang niya na kasalukuyang nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa.

     Alam niyang ang anak nitong si James ang lalaking nakaupo sa kanan nito at nakatalikod sa kaniya. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa kaliwa kaharap si James. Pinakilala siya nito kay James. Sinulyapan niya ito na kasalukuyang matiim ang titig sa kaniya. Inis ang mababasa niya sa mukha nito and one thing is for sure, that James doesn't like the idea of her living with him and his mother.

Sunday, August 22, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon fanfic) Ch. 1

CHAPTER I

         Kasalukuyang nasa kuwarto si Devon at nag-iimpake ng kaniyang mga damit nang tumunog ang kanyang celphone. Napabuntong-hininga siya nang makita na ang Ninang Marge niya ang tumatawag. "Hello Ninang."

        "Tapos ka na ba mag-impake Devon? I'm on my way na. Maybe fifteen minutes I'm already there in your house. Get ready anak, okay" sabi ng nasa kabilang linya.

       "Opo Ninang. Patapos na po at naligpit ko na lahat ang mga gamit ni Mama. Hintayin ko na lang po kayo. Ingat po." Pagkapatay niya ng telepono ay tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigil habang may kausap sa kabilang linya. 

       Kinuha niya ang litrato ng kaniyang ina na nakapatong sa maleta at niyakap nang mahigpit. Halos isang linggo na ang nakalipas nang inilibing ang kaniyang ina buhat ng ito'y mamatay ng dahil sa sakit na Cancer. She couldn't accept the fact na bigla na lang binawi sa kaniya ng Diyos ang tanging taong lubos na nagmamahal sa kaniya.

       Halos dalawang linggo din niyang pinigil ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata ngayon. Noong nakaratay ang kaniyang ina sa ospital, pinilit niyang itago ang sakit na nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita dito na mahina siya dahil tiyak na ito ang mas lalong masasaktan. She knows she's strong. Her mother taught her how to be tough mula ng bata pa siya. She graduated in high school with flying colors dahil sa mga itinuro nito sa kaniya. Ang kaniyang ina ang naging inspirasyon niya para pagbutihin niya ang kaniyang  pag-aaral ngunit sa isang iglap ay kinuha ito ng maykapal. 

      "Devon. Devon"  narinig niyang tawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses buhat sa labas ng kanilang bahay. Pinahid niya ang kaniyang luha at pumunta sa C.R. upang ayusin ang sarili bago humarap dito .Ayaw niyang mahalata ng Ninang Marge niya na galing siya sa pag-iyak.


*  *  *  *  *  *  *  *  *  *


      Gabi na nang makarating sila sa bahay nito sa Makati. Halos dalawang oras din ang biyahe nila galing Cavite dahil sa sobrang traffic sa Talaba. Pumasok ang sinasakyan nila sa isang malaking gate at namangha siya sa laki at kasimplehan ng tahanan nito at ng anak nitong si James. She haven't met James yet. She heard a lot of stories about him, isang taon pa lang daw itong naninirahan sa Pilipinas galing Australia kung saan kasama nito ang amang foreigner. Napilitan lang daw itong tumira sa bansa buhat ng mag-asawa uli ang ama nito. 

       Hindi rin lingid sa kaalaman niya na hindi pa ganun kaganda ang samahan ng mag-ina dahil sa pag-iwan nito sa anak nang wala man lang paliwanag. Bukod pa doon ay hindi pa rin tanggap ni James na hiwalay na ang mga magulang. She's also aware na may pagkasuplado si James because of what she'd heard ,kaya nga she knows that living in the same roof with him would not be that easy. Well, when she decided to live with her ninang, she prepared herself for everything that would happen to her. Now, she's standing in front of her new home and ready to face the new chapter of her life.


     







 




Saturday, August 21, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon fanfic)


"Sometimes, we didn't know that the person we hate is the person who will love us so much."


Her loving Mom died, and it breaks her heart. 

He was still in pain because his parents got separated.

And then, destiny came on their ways

What will happen if two different people met and find themselves torn with hatred and love?