CHAPTER I
Kasalukuyang nasa kuwarto si Devon at nag-iimpake ng kaniyang mga damit nang tumunog ang kanyang celphone. Napabuntong-hininga siya nang makita na ang Ninang Marge niya ang tumatawag. "Hello Ninang."
"Tapos ka na ba mag-impake Devon? I'm on my way na. Maybe fifteen minutes I'm already there in your house. Get ready anak, okay" sabi ng nasa kabilang linya.
"Opo Ninang. Patapos na po at naligpit ko na lahat ang mga gamit ni Mama. Hintayin ko na lang po kayo. Ingat po." Pagkapatay niya ng telepono ay tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigil habang may kausap sa kabilang linya.
Kinuha niya ang litrato ng kaniyang ina na nakapatong sa maleta at niyakap nang mahigpit. Halos isang linggo na ang nakalipas nang inilibing ang kaniyang ina buhat ng ito'y mamatay ng dahil sa sakit na Cancer. She couldn't accept the fact na bigla na lang binawi sa kaniya ng Diyos ang tanging taong lubos na nagmamahal sa kaniya.
Halos dalawang linggo din niyang pinigil ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata ngayon. Noong nakaratay ang kaniyang ina sa ospital, pinilit niyang itago ang sakit na nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita dito na mahina siya dahil tiyak na ito ang mas lalong masasaktan. She knows she's strong. Her mother taught her how to be tough mula ng bata pa siya. She graduated in high school with flying colors dahil sa mga itinuro nito sa kaniya. Ang kaniyang ina ang naging inspirasyon niya para pagbutihin niya ang kaniyang pag-aaral ngunit sa isang iglap ay kinuha ito ng maykapal.
"Devon. Devon" narinig niyang tawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses buhat sa labas ng kanilang bahay. Pinahid niya ang kaniyang luha at pumunta sa C.R. upang ayusin ang sarili bago humarap dito .Ayaw niyang mahalata ng Ninang Marge niya na galing siya sa pag-iyak.
* * * * * * * * * *
Gabi na nang makarating sila sa bahay nito sa Makati. Halos dalawang oras din ang biyahe nila galing Cavite dahil sa sobrang traffic sa Talaba. Pumasok ang sinasakyan nila sa isang malaking gate at namangha siya sa laki at kasimplehan ng tahanan nito at ng anak nitong si James. She haven't met James yet. She heard a lot of stories about him, isang taon pa lang daw itong naninirahan sa Pilipinas galing Australia kung saan kasama nito ang amang foreigner. Napilitan lang daw itong tumira sa bansa buhat ng mag-asawa uli ang ama nito.
Hindi rin lingid sa kaalaman niya na hindi pa ganun kaganda ang samahan ng mag-ina dahil sa pag-iwan nito sa anak nang wala man lang paliwanag. Bukod pa doon ay hindi pa rin tanggap ni James na hiwalay na ang mga magulang. She's also aware na may pagkasuplado si James because of what she'd heard ,kaya nga she knows that living in the same roof with him would not be that easy. Well, when she decided to live with her ninang, she prepared herself for everything that would happen to her. Now, she's standing in front of her new home and ready to face the new chapter of her life.
No comments:
Post a Comment