Chapter IV
Inis na pumasok ng kuwarto niya si Devon at humiga sa kama. She was so ashamed on James' action kanina sa dining room. She was right about him. Hindi ito madaling makasundo, halata naman sa itsura nito.
"Akala mo kung sinong guwapo!" inis na wika niya. Ang ninang na lang niya ang humingi ng pasensiya sa inasal ng anak nito. Tiyak na magkakasundo rin daw silang dalawa, and that idea was so absurd. Minabuti niyang matulog na at ipahinga ang katawang mahigit isang linggo ding walang pahinga.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nagising si Devon sa maingay na musikang nanggagaling sa kuwarto ni James. Alas-onse na pala ng umaga. Hindi siya halos makatulog ng madaling-araw dahil sa sobrang lambot ng kama na hindi niya nakasanayan. Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ng kuwarto ay siya ring paglabas ni James. Nakita niya ang pag-asim ng mukha nito nang makita siya at nauna ng bumaba sa kaniya.
"Where's Mom?" narinig niyang tanong nito kay Manang Lita sa dining room na kasalukuyang naghahanda ng mga plato.
"Umalis siya hijo, kanina pang maaga. May aasikasuhin daw siya sa papasukan ninyo ni Devon."
"What?! She's goin' to the same university as mine" gulat na sabi nito.
"Hijo, ano bang problema mo kay Devon. Mukha namang mabait na bata yan at maganda pa" napapailing na wika ng matanda.
"I just don't-" naputol ang sasabihin nito nang makita siya ng matanda na nakatayo sa dulo ng hagdan.
"Devon, gising ka na pala. Malapit na maluto ang ulam. Halika na at maupo."
Lumapit siya sa lamesa at naupo samantalang si James ay nanatiling nakatayo at hindi maipinta ang mukha. Parang ang sarap tuloy inisin nito.
"James, sit down. Baka mangalay ka kakatayo diyan" pang-iinis niya rito na mas lalong ikinalukot ng guwapong mukha nito.
Nang umupo ito sa bandang harap niya ay umandar ang kaniyang pagkapilya. Hindi naman siguro siya sasapakin nito kapag lalo niya pa itong inasar.
"Nakakaintindi ka pala ng tagalog? Akala ko hindi, namroblema tuloy ako kung paano ka kakausapin. You know baka ma-nose bleed ako ng tuluyan" nakangiti niyang sabi rito.
"Will you please just shut up!" sigaw nito sa kaniya.
"Ohhhh, sorry" sabi niya na mas ikinapika pa ata nito. May sasabihin pa sana ito nang dumating na ang matanda dala ang ulam nila.
"Kayo talagang mga bata kayo. Kay-tanghaling tapat, nagsisinghalan kayo. O siya kain na."
"Kayo po Manang?" tanong niya rito.
"Mamaya na ko ineng. Sige na mauna na kayo. Pareho kayong di nag-almusal. Ako'y magtutupi muna ng mga nilabhan ko" paalam nito.
Tahimik silang kumain ng pananghalian. Nauna itong natapos at lumabas sa may hardin. nang matapos na siyang kumain ay siya na ang nagligpit at naghugas ng mga plato at kawali sa kusina. Kailangan niyang tumulong maski sa simpleng mga gawaing-bahay para makaganti sa tulong sa kaniya ng ninang niya.
Pagkatapos niyang magligpit ay naligo siya at nagbihis ng t-shirt at short. Nahiga siya sa kama at nagbasa ng librong nakita niya sa drawer. Hindi niya namalayan na nakatulog siya ng matagal. She woke up when someone is knocking on her door. Papungas-pungas siya nang buksan ang pinto at nakita si James na halatang naiinis.
"What?!" tanong niya rito nang napamaywang .
He gave her a smirk. "It's already six in the evening and you're still sleeping. Mom want's to talk to us so better fix yourself and get down" wika nito at umalis nang magsasalita pa sana siya.
Isinara niya ang pinto at nanggigigil na pumunta ng banyo at naghilamos. Hindi niya alam kung bakit inis sa kaniya si James. Nang pumayag siya na tumira dito ay naipangako niya sa sarili na she will try her best to be friends with everyone most of all to James. But, as much as she would like, ito na mismo ang kusang lumalayo.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Masinsinang nag-uusap ang mag-ina nang siya ay bumaba. Nang lumingon ang ninang niya ay pinalapit siya nito.
"Bakit po ninang?" tanong niya rito pagkaupo.
"I went to Gemsters University at kinausap ko na ang dean doon. She was my colleague back way in college. We had talked about your scholarship and she said that the school will pay all your expenses if you could pass the Scholarship Examination next week. And if your grade is 90 and above, miscellaneous is included plus two thousand allowance every month" masayang pagbabalita nito.
Hinawakan niya ang dalwang kamay ng ninang niya. "Thank you po talaga. Pagbubutihan ko po talaga para makapasa" naiiyak na wika niya rito habang nakatingin lamang sa kanila si James.
"Anak, di mo naman kailangan ang scholarship eh. I can pay for your tuition, mapilit ka lang na kumuha ng scholarship kaya ako na ang gumawa ng paraan para mas mapadali. But, good luck sa'yo. I know that you can pass it" maluha-luha na din ito. "Hay, kumain na nga tayo. Ayokong umiyak. Nagugutom na ang aking mga alaga" natatawang sabi nito habang ang isang tao sa tabi-tabi ay nakatingin lang sa kanilang dalawa at tila may malalim na iniisip.
Dahil sa kasiyahan, nang gabi ding iyon ay inumpisahan niya na ang pagre-review para sa exam niya sa susunod na linggo.
No comments:
Post a Comment