Friday, November 26, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 24-25 (END)


Chapter XXIV           

            Nagising si Devon na masakit ang ulo. Hindi niya na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari kagabi dahil nahilo na siya at nakatulog sa lamesang inookupa nila sa bar. Tumayo siya at nagbabad sa bathtub upang mawala ang kanyang hangover. Buti na lang at nailipat ang ibang damit niya sa kuwarto ni Coleen. Bumaba siya at nagtaka dahil walang tao doon. Pasado ala-una na pala ng tanghali. Tinawagan niya si Coleen. Kasama daw nito si Sam at Ken sa mall upang mag-grocery. Hindi na daw siya nito ginising dahil mahimbing ang tulog niya.

            Kumain siya at pagkatapos ay nagbihis upang puntahan si James. She should face him now to fix the problem between them. Tatlong beses ‘ata siyang nagdoorbell bago bumukas ang pinto ng condo ni James. She was shocked to see Margaret opened the door. Nawala din ang ngiti nito nang makita siya.

            “Hey, who was it?” Narinig niyang tanong ni James sa likuran ng babae.

Hindi siya nito nakita dahil nahaharangan siya ni Margaret. Halos madurog ang puso niya sa nakita. ‘Are they going out?’ she thought. Halata din ang pagkagulat nito nang makita siya.

“Why are you here?” walang emosyong tanong ni James nang makita siya.

“Ahmm―” Tumingin siya kay Margaret.

“She can listen. So speak.” Nasaktan siya sa narinig. Tama ba talaga ang hula niya na may relasyon na ang mga ito dahil puwedeng marinig ng babae ang sasabihin niya. Halos dalawang araw pa lang nang magka-iringan uli silang dalawa.

“James, I think, I have to go.” Paalam ni Margaret dahil sa napupuna nito ang tensiyon sa pagitan nila ni James. Kinuha nito ang bag sa loob at nagpaalam sa kanilang dalawa. Nang makaalis ito ay inaasahan niyang papasukin siya ni James, ngunit hindi nangyari ‘yon.

“So, what do you want?”

“I just want to talk to you,” aniya.

“Maybe, we should talk to some other place,” wika nito.

Pumunta silang dalawa sa restaurant malapit lang sa condominium na tinutuluyan nito. Kakaunti lang ang tao roon kaya tahimik at makakapag-usap sila ng maayos. Umupo sila sa pandalawahang mesa sa sulok ng kainan.

“James, first of all, I want to say sorry,” simula niya. Nakatingin lang ito sa kanya. “I know, nasaktan kita noon. I don’t want to leave you that time pero kailangan.”

“So what’s the fu**ing reason why you left?” anito na mahuhulinigan ang galit. Natahimik siya, should she say it? Pero, ayaw niyang mag-away ito at ang Ninang Marge niya.

“The reason wasn’t important at all. Ang mahalaga, we should fix “Us”. Ayokong magkaroon tayo ng hindi pagkaka-unawaan habang buhay.”

“What do you mean?”

“James, it’s okay with me if bilang kinakapatid mo na lang talaga ang mag-uugnay sa’tin. I just want to make up with you. As a ― friend.” Muntik na siya mabilaukan dahil sa huling salitang binanggit niya.

“You want us to be friends again dahil ba kay Sam?”

Nalito siya sa tanong nito. “Sam? What’s with him?”

“Oh, c’mon Devon. That guy likes you and you also like him.”

“Then, what about Margaret? Kung kayo ng dalawa, wala na ‘kong pakialam do’n, so please, do not include Sam in this conversation,” aniya.

“So it’s really because of him? Fine, we should not see each other again. I’ll forgive you for what happened eight years ago, but don’t expect me to be friends with you again. Seriously, dapat wala na talagang namagitan sa atin uli noong nakaraang linggo kung ganito rin pala ang kahahantungan natin.”

“James, you’re the one who doesn’t want to be committed,” mahinahong sabi niya.

“And thanks for that, dahil naiwasan ko uli ang masaktan.”

Bumuntong hininga si Devon habang pinipigil ang luhang gusto nang umalpas sa mga mata niya. “I think this is enough. If you don’t want to be my friend again, I respect that. You can expect that you won’t see me again.”

Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa sinabi niya. Tumayo na si Devon at nagpaalam kay James. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Dumiretso siya sa kuwarto at umiyak. Her decision is final, she’s going back to LA. Kakausapin niya si Sam na sasabay na siya dito pauwi.

Buong maghapon siyang nagkulong sa kuwarto. Bumaba lang siya nang maulinigan ang ingay sa baba. Kararating lang ng tatlo at may dala-dalang groceries.

“Hi Shine!” bati sa kanya ni Sam nang makita siya.

“Ano Dev, gusto mo pa bang uminom?” biro ni Ken sa kanya.

“Oo ba!” aniya na ikinabigla ng tatlo. Alam ng mga ito na hindi siya palainom, pero anong magagawa niya if she needs the power of alcohol this time.

“Sis―” nag-aalalang usal ni Coleen.

“Hey, bakit ganyan ang tingin ninyo sa’kin?!” natatawang saad ni Devon. “Ayaw ni’yo ba?”

“No, it’s okay. I’m goin’ back to LA next week so we should enjoy our time together.” Si Sam.

“I’m goin’ with you,” aniya na ikina-kunot ng noo ni Coleen.

“Dev, akala ko ba you’re staying here for good?” Coleen asked.

“Coleen, I think, need ko na talagang bumalik sa LA. Nag-aalala na rin ako kay tita and the restaurant needs me,” dahilan niya. “Anyways, let’s continue our session,” masiglang wika niya at dumiretso sa kusina. Kumuha siya doon ng walong cans ng beer na stock ng papa nila at mga crackers.

“I’ll help you,” saad ni Sam sa tabi niya habang inaayos ang ice bucket sa kusina. “I know you have a problem Shine.”

Napahinto siya sa ginagawa at yumakap sa kaibigan. Niyakap din siya nito at hinagod-hagod ang likod niya.

“I still love him. I want him to be mine again. I promised to win him back noon kahit na sinaktan ko siya, but it turned out that it would not happen anymore.” Napahagulhol na siya dito.

“Shine, if you still love him, just continue it. Maybe someday, he’s the one who will come to you. You’re a tough woman.”

“Thank you Sam. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ‘di ka dumating.”

“I’m your bestfriend, remember? The Shine I know is a tough woman, full of confidence and a nice person.” Pinunasan nito ang magkabilang pisngi niya na basa ng luha at kinurot ‘yon. Napalo niya tuloy ito at ikinapahiyaw nito.

“You’re always doing that to me.”

“It’s because, you’re so cute.”

“Bolero ka talaga. Hindi ko alam kung bakit mo napasagot si Yen,” aniya na ang tinutukoy ay ang kaibigan nila sa LA na nobya nito.

Pagkatapos niyang tapatin ito noon na hanggang magkaibigan lang sila, sinubukan nitong ibaling ang pansin sa kaibigan nila pareho na si Yen. Habang tumatagal na nagde-date ang dalawa ay nadevelop na rin si Sam sa babae. Two months pa lang ang mga ito, pero engaged na ang mga ito. Ayaw na daw kasi pakawalan ng kaibigan si Yen at baka mawala pa.

Niyaya na siya ni Sam na pumunta sa sala kung saan naghihintay ang kapatid at si Ken. Wala ang ama nila ni Coleen, dahil may seminar daw itong pinuntahan at bukas pa ang balik. Isinantabi niya na muna ang tungkol kay James at ibinigay ang buong oras s ibang kaibigan.


Mabilis na lumipas ang isang linggo, at sa loob ng mga araw na iyon ay inayos niya ang pagbalik niya sa LA. Ayaw pa siyang payagan ng ama nung una pero napilit niya rin ito. Nakipagkita siya sa ibang kaibigan na sila Fretzie at Ivan na kasalukuyang naghahanda para sa kasal ng mga ito next year. Sinabihan siya ni Fretzie na kailangang present siya sa kasal nito dahil siya ang maid of honor. Nakipagkita rin siya kila Ann and Tricia na kararating din lang sa Pilipinas galing sa ibang bansa.

            Iniwasan niya rin ang makarinig mula kay Ken ng tungkol kay James. She wants to forget him and focus on her life. Nasa airport na sila at maghihintay pa sila ni Sam doon ng two hours bago ang flight nila.

            Niyakap niya ang papa niya at hinalikan ito. Binilinan siya nitong tumawag lagi. Si Ken naman ay pinagsabihan niya. Tatawa-tawa ito habang nagsasalita siya dahil binantaan niya ito na kapag niloko nito ang kapatid niya, matitikman nito ang lakas ng kamao niya. Si Coleen naman ay maluha-luha habang magkayakap sila. Panay bilin din ito sa kanya na akala mo ay ito ang panganay. Masakit din para sa kanya na iwan muli ang pamilya niya pero kailangan.

            Habang papasok sila ni Sam ay kaway ng kaway ang mga ito sa kanya hanggang mawala na ang mga ito sa paningin ni Devon.

            “Ready to go?” nakangiting tanong ni Sam sa kanya na sinagot niya ng tango.




Chapter XXV           

“Why you’re here?” tanong ni James kay Ken. Hindi niya inaasahan ang  pagpunta nito. Kumuha siya ng dalawang kopita at alak.

“Wala lang, just want to visit you. Baka kung ano ng nangyari sa’yo?”

“Why? I’m not sick, why worry?”

“James, I know you still love Devon.”

“Stop it Ken,” supla niya rito. Ayaw niya ng makarinig ng kahit ano tungkol kay Devon.

“Fine. Tutal naman hindi na kayo magkikita uli,” wika  nito at uminom.

“What do you mean?” nagtatakang tanong niya rito.

“May DVD ka ba? Let’s watch a movie―”

“Ken―”

“Devon’s going back to LA with Sam tonight. Actually, I was in the airport earlier with tito and Coleen para ihatid sila. Mamayang nine na ang flight nila.”

“You came here just to tell me that?”

“James, Devon left you for your future”

“Anong connection ni Devon sa future ko?”

“Remember what you told me back then? Your father wanted you to go back in Australia or else you will not receive even a single penny from him.” Nakatingin lang si James kay Ken at nag-iisip. “Tita Marge asked you to do it but you refused because of Devon. She met with her at nakiusap na makipaghiwalay sa’yo, and that time tito Robert wanted Devon to study in LA.”

“Even if Mom asked her, she could refuse. She even told me that she didn’t love me at all.”

“James, sa tingin mo. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Devon, hindi mo kaya magagawang magsinungaling para sa minamahal mo?”

“It was eight years ago. Did Devon ask you to tell that to me?”

“Nope, actually, nalaman lang namin ni Coleen ang bagay na ‘yan from Sam. Kahit sa kapatid niya, hindi niya sinabi ang tungkol doon.”

“Sam was really special to her, don’t you think so?” sarcastic na turan ni James bago lumagok ng alak.

“Hey, I smell some jealousy. Sam was her bestfriend in LA. He has a girlfriend and they were planning to get married soon. That’s the reason kung bakit pumunta si Sam dito, just to buy a ring for his fiancĂ©e.”

“You’re lying, right?”

“You know me dude. I’m not a liar.”

Pagkarinig ni James sa sinabi ng kaibigan ay dali-dali niyang kinuha ang susi ng kanyang motorsiklo.

“Where are you going, dude?” natatawang tanong nito.

“You already know,” at dali-dali siyang lumabas papunta sa parking area.

Pinaharurot niya iyon upang makarating agad sa airport. It’s almost eight forty-five in the evening. He’s a jerk, bakit ba hindi niya ito sineryoso nang bumalik uli ito sa buhay niya. The traffic jam made him irritated. Nahihirapan tuloy siyang makasingit sa mga kotse.

Laking pasalamat niya at bahagyang gumalaw na ang ibang sasakyan. Malapit na siya sa airport, pero malapit na rin ang pag-alis ng eroplanong sinasakyan  nito. Nasa parking lot na siya nang maulinigan ang tunog ng eroplanong nakaalis na. Napamura siya dahil alas nuwebe na ng gabi at nakita niya sa TV screen sa may waiting area na nakalipad na ang eroplanong papunta ng LA.  Napahilamos siya at napatingin na lang sa kalangitan.

“Are you punishing me?” He asked God.

Umuwi si James na bagsak ang balikat. Naroon parin ang kaibigan at tinanong siya kung naabutan niya si Devon. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy na lumakad papunta sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang picture nila ni Devon nang minsang magpunta sila sa Enchanted Kingdom at tinitigan ‘yon.

“Wait for me Devz. I will come and will never let you go again.” Pangako ni James sa sarili.



It’s been two months mula ng makabalik siyang LA. Mula nang makauwi siya ay gumanda lalo ang takbo ng restaurant nila ng tita niya. Her aunt wanted her to take a vacation but she refused. She wanted to busy herself by going to the restaurant everyday.

            Araw-araw silang nag-chachat ni Coleen at ng papa niya, kaya hindi niya masyadong nami-miss ang mga ito. Her father was asking her if she got a boyfriend already. She only laughed about it. Maraming kanong gustong manligaw sa kanya, pero tinatanggihan niya ang mga ito. Mas gusto niya parin ang Pilipino. Masyado pang maaga, para isipin uli ang pakikipagrelasyon, lalo na at galing siya sa heartbreak. Speaking of it, sa loob ng dalawang buwan wala siyang narinig kay Coleen tungkol kay James, basta ang sabi lang nito ay umalis ang huli at pumunta ng Australia.

            Masakit ma’ng isipin, pero tuluyan na talaga ‘ata siyang kinalimutan ni James. Aaminin niya, mahal niya parin talga ito. Tama nga ‘ata ang kasabihan ‘First love, never dies’. Mahirap maka-recover kapag minahal mo talaga ang isang lalaki. Ang akala niya, magiging maayos na ang lahat sa kanila ni James nang bumalik siya sa Pilipinas, but she was absolutely wrong.

            She was at the counter area, when one of the waiters approached her. May hawak itong thread bracelet at nakilala niya ‘yon. It was the same bracelet na nakuha nila ni James noon sa isang arcade. Nakatago ang kanya sa isang kahon na puno ng memorable items nila ni James.

            “Maam, someone would like to give this to you.” Inabot nito sa kanya ang bagay na ‘yon kalakip ang isang sulat. She read it at habang binabasa ay kumakabog ang dibdib niya.

             
I was stupid for letting the one I love to leave me. And, I was a total jerk for letting it happen for the second time around, not knowing it’s for my own sake. I hope, she could forgive me and let me stay beside her forever.
           
Pagkatapos basahin ay tinanong niya ang waiter kung nasaan ang nagbigay ng bracelet at sulat. Itinuro nito ang isang lalaking nakaupo sa sulok at may kape sa mesa nito. Nagbabasa ito ng malaking diyaryo dahilan upang hindi niya makita ang mukha nito. She knew, it was him. Her eyes became teary habang palapit dito.

            Nakatayo siya sa harap ng mesa nito at hindi makapagsalita. Hanggang sa alisin ng lalaki ang dyaryong nakaharang at itinupi iyon. He was smiling at her. A boyish smile that could make her heart melts.

            “It’s been two months,” tanging nasambit ni Devon.

            “You’re really pretty. I’m not surprise why most of your customers here are men. I really am lucky. Don’t you think so?” anito na nakangiti.

            Umupo si Devon sa bakanteng upuan. Nangalumbaba siya sa mesa at ngumiti kay James, exposing her perfect white teeth. “Why you feel that way? Am I your girlfriend?”

            He chuckled at inilapit ang mukha nito sa mukha niya na ikinabigla ni Devon. He cupped her face, then. “Not yet, but you will be,” anito at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

            Napatayo si Devon sa ginawa ni James. “Are you playing with me again?” aniya na ikinatingin ng ibang customers. Tumayo si James at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at nakangiting hinalikan ‘yon.

            “I’m not. I was an ass-ole for letting you go. I still love you Devz and I will do everything to make you mine again.”

            “But, you said―”

            “I already know Devon. I asked Mom about it. Would you forgive me?”

            Niyakap niya si James. She was really happy. Ang akala niya, he would never love her again. “Me too, James. I still love you.”

            Narinig niya ang palakpakan ng mga customers niya. Nakaramdam tuloy siya ng hiya.

            “I think, we should talk privately,” bulong ni James sa kanya.

            Habang papalabas sila ng restaurant ay nakaakbay ito sa kanya. Dahil sa hiya, ay mas lalo siyang nagsumiksik dito.


            Isang buwan ang matuling lumipas mula ng magkaayos sila ni James ay nag-propose ito sa kanya. Malugod niya iyong tinanggap at balak na nilang magpakasal dalawang buwan mula ngayon. Ang kaibigan niyang si Fretzie ay nag-reklamo dahil ito dapat ang unang ikakasal. Wala na siyang magagawa dahil iyon ang gusto ng groom-to-be niya.

            “Are you happy?” tanong niya kay James habang nakaupo sila sa gilid ng pool. Umuwi sila ng Pilipinas at tumuloy sa condo unit nito. Niyaya niya itong pumunta sa pool area upang tingnan ang buwan at mga bituin.

            “Of course I am. Being with you is like being with God. You’re the most special part of my life now,” anito at hinalikan siya.

            As for her, being with James is her life.



END

Tuesday, November 16, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 23


Chapter XXIII


Papunta si James sa bahay nila Devon upang kausapin sana ito. Nakita niya ang paglabas ng sasakyan ng ama nito. Huminto iyon sandali at bumaba ang dalaga mula doon. Hindi niya inaasahan ang pagbaba din ng isang guwapong lalaki buhat sa sasakyan at hinawakan si Devon sa braso at tumatawang pumasok ang dalawa sa loob. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas uli ang dalawa at ini-lock ang gate bago sumakay muli sa sasakyan.

Napatiim-bagang siya habang mahigpit na nakahawak sa manibela at tiningnan ang papalayong sasakyan. Nang mawala na sa paningin niya ito ay pinaharurot niya ang sasakyan pabalik sa condo niya. Naupo siya sa kama at naiinis na kinuha ang celphone niya sa bulsa. He called Ken at sinabi ditong magkita sila sa bar na pinupuntahan nila mamayang gabi. He’s too upset since last night. After Devon left without him, ay nagpaalam na rin siya kila Margaret at sa kaibigan ng mga ito. The woman wanted him to stay but he insisted to go. He knows, her client is interested on him, but he’s not like the other guys who flirt around kapag nakakita ng pagkakataon.

When he saw Devon and that guy laughing non-stop, papasok at papalabas ng bahay, may mumunting kirot siyang naramdaman. They fought last night at hindi niya inaasahan na makukuha pa nitong makipagharutan sa iba. Are they going to end like this? He really wants her, and the silliest thing is he still loves her so much. It’s true that he doesn’t want to be committed kanino man, kaya niya nasabi ang mga iyon. Pero buhat nang magtalo sila kagabi, naisip niyang he’s ready to try again and will now tell it to Devon. However, the way she laughs around with that guy, parang masasaktan na naman siya at ayaw niya uling maramdaman iyon. He was abandoned twice by his mom and Devon, kaya sawa na siya doon. The best thing to do to forget Devon is to unwind and have fun for the mean time.

            James stood up and went inside the comfort room. He needs to freshen up para lumamig ang init ng ulo niya.


            Pauwi na sila ng bahay galing sa mall nang sabihin sa kanya ni Coleen sa sasakyan na inaaya ito ni Ken na pumunta sa bar.They ate lunch at Mang Inasal and after that, Sam bought them some stuffs as their pasalubong. Hindi daw ito nakabili ng pasalubong sa States dahil sa pagmamadali nitong makapunta agad ng Pinas. Marami itong pinamili para sa kanila kaya tuwang-tuwa ang kapatid niya pati na rin ang papa nila. Bago naisipang umuwi ay kumain na rin sila ng dinner sa isang Japanese restaurant. Buong maghapon silang naggala at namili sa mall kaya pagod na rin siya.

            “Hey Dev, ano sama ka?” bulong sa kanya ni Coleen.

            Tumingin siya sa kapatid sa katabi lang din niya. “Hello, may bisita tayo,” tukoy niya kay Sam na mahimbing na nakatulog sa tabi niya dahil na rin sa biyahe at pagod.

            “Magpapahinga lang naman ‘yan, kaya puwede nating iwan. O, kaya isama na lang natin.”

            Binigyan niya ito ng tinging hindi makapaniwala. “Nge, pagod kaya ‘yan tapos isasama natin.”

            “Ano bang pinag-bubulungan ninyong dalawa diyan?” puna ng papa nila na nakatingin sa kanila buhat sa rear-view mirror.

            “Ah, wala Pa.” Si Coleen.

            “Basta, sasama ka sa’kin sa ayaw at sa gusto mo,” nakangising saad nito dahilan upang mapabuntong-hininga na lang siya dahil sa kakulitan ng kapatid. “And by the way, you haven’t told me yet what happened last night,” anito.

            Napansin nito ang bigla niyang pananahimik dahil sa sinabi ni Coleen kaya hindi na muling nag-usisa pa ito. Coleen was childlish sometimes, pero alam nito kung kailan ititikom ang bibig, na nagustuhan niya sa kapatid.

            Pagkarating sa bahay ay pinagpahinga na muna niya si Sam sa kuwarto niya. Habang naroon ito ay gagamitin muna nito ang kanyang kuwarto at kay Coleen naman siya makikitulog. Nasa sala silang dalawa magkapatid at ang ama niya aay kasalukuyan na ring nagpapahinga sa kuwarto nito. Alas-otso na ng gabi at nakabihis na ito at kinukulit siya na sumama.

            “Devon, sige na. Sumama ka na sa’kin. Padating na si Ken,” anito na tila batang nagmamaktol.

            Natatawa siya sa inaasta ng kapatid. Biglang tumahimik si Coleen at nakasimangot na umupo nang maayos. Hindi maipinta ang itsura nito kaya naisip niyang aluin ito.

            “Sige na nga, sasama na’ko,” aniya na biglang ikinangiti nito. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.

            “You’re so nice talaga kapatid. Lakad na, magbihis ka na,” taboy nito sa kanya.

            “Hindi ba puwede ‘tong suot ko?”

            “Hindi no. Sinong matinong tao na aalis at pupunta sa bar na naka-cotton shorts at maluwag na t-shirt?”

            “Ako!” nakakalokong sabi niya at tumayo papunta sa kuwarto niya.

            Kumuha siya ng damit sa kanyang kuwarto. Nakita niya si Sam na mahimbing na natutulog sa kama, kaya dahan-dahan siyang kumuha ng damit sa aparador niya. Muntik na siyang atakihin sa puso nang biglang magsalita ito.

            “Where are you going?” tanong nito dahil sa dala niyang damit.

            “Ha? Ah, eh, nag-aaya kasi yung boyfriend ni Coleen na mag-bar ngayon. Gustong akong pasamahin, kaya eto,” aniya.

            Tumayo ito buhat sa pagkakahiga. “Well, I’ll go with you.”

            “Pagod ka pa. Magpahinga ka na lang kaya.”

            “I insist. I’m used to travel. Don’t you know it?”

“Okay, sige. Magbihis ka na lang. Make it fast dahil parating na daw si Ken,” wika niya at lumabas na ng kuwarto.
 

Naghihintay silang tatlo sa sala nang marinig nila ang busina ng sasakyan ni Ken. Lumabas silang tatlo at sumakay sa sasakyan. Ipinakilala niya si Sam kay Ken, at ang huli ay binigyan siya ng makahulugang tingin. Pagkarating sa bar ay umupo agad sila sa bakanteng mesa. The people were having fun, drinking at their tables while some are dancing on the dance floor. Naalala niya tuloy ang engkuwentrong naganap sa kanila noon ni James sa bar. Sa pagkakatanda niya, this is the same bar kung saan nangyari ‘yon at ang ama ng kaibigan ni James ang may-ari nito. Speaking of him, bale-wala na lang ba talaga siya dito?

She’s expecting him to text or call her. But, kahit isang text man lang ay wala siyang natanggap dito mula kagabi. Hindi nga man lang ito tumawag upang tanungin kung nakauwi ba siya ng ligtas. Kahit sa simpleng gesture na ‘yon, maiisip niya pa na mahalaga parin siya dito. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Sam sa balikat niya.

“Something wrong?” nag-aalalang tanong nito.

Nginitian niya ito. “No. Don’t mind me,” aniya.

Nagkibit-balikat lang ito. Nag-uusap ito at si Ken nang inusog ni Coleen ang upuan nito palapit sa kanya at bumulong.

“James is coming,” anito.

“What?” mahinang sabi niya upang ‘di marinig ng dalawang lalaki.

“James was the one who called Ken to come here. Hindi naman niya alam na may problema kayo ni James.” Tiningnan niya ito na waring nagtataka dahil sa alam ng kapatid niya ang lagay nila ni James kahit wala siyang sinasabi. “I know you sis. Kahit hindi ka magsalita, isang tingin ko pa lang sa’yo alam ko na may problema ka.”

“I can handle it Coleen, so don’t worry.” Tumahimik na lang ito at bumalik sa dating puwesto.

The three were laughing while Devon is silently sipping her beer. She saw James walking down to their table. Nakakunot ang noo nito nang makita siya.

“James, andito ka na pala.” Si Ken.

Umupo ito katapat niya at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Sam. She bet, he’s thinking a wrong idea.

“Wanna introduce me your friend?” anito na halatang siya ang kinakausap.

Tumikhim siya bago nagsalita. “Ah, James, this is Sam. Sam, this is James.”

Nagkamay ang dalawa. Napansin niya ang makahulugang sulyap ni Sam sa kanya pagkatapos niyang ipakilala si James dito. Sam knows about her and James. Masasabi niyang alam nito lahat ang tungkol sa buhay niya. Ito ang laging nakaalalay sa kanya noon nung nasa States sila kaya wala siyang kiyeme na ipaalam dito ang naging buhay niya sa Pilipinas.

Umorder sila Ken ng pulutan habang siya ay tahimik lamang sa tabi ni Sam. Nag-aya si Coleen na sumayaw na pinaunlakan naman ni Ken. Niyaya sila ng dalawa, ngunit tumanggi siya. Si Sam naman ay nagpatianod na lang sa kapatid at kay Ken kaya naiwan sila ni James sa lamesa.

“Is he your boyfriend?” sarkasmong wika nito na nakatingin sa kanya.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “You’re crazy, James.”

“What?!”

“I said, you’re crazy,” inis na sabi niya at tumayo.

“Hey, wait. Where are you going?” tanong nito at sinundan siya palabas. Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa may parking area.

Nabigla siya sa biglang paghila nito sa braso niya. “Now, we should talk,” seryosong sabi ni James.

“What’s with you, James?” Napabuntong-hininga ito dahil sa tanong niya. “Naguguluhan na ‘ko James. Hindi ko maintindihan kung ano ba talagang meron sa’tin. Naisip ko nga na baka gusto mo lang gumanti sa’kin.”

Kumunot ang noo nito. “You’re joking, right?” he asked na tila hindi makapaniwala sa narinig buhat sa kanya. “I thought, you know me Devon. I can’t believe that you will say that. Even though, you hurt me that bad when you left, hindi pumasok sa isipan ko ang gumanti.”

James left her after that. Naiwan siyang tulala sa parking lot. She’s really confused. Napaupo siya at niyakap ang shoulder bag na dala niya. Naramdaman niya na lang ang mainit na likido na dumaloy mula sa mga mata niya. How can she stand the pain, kung magiging duwag siya at hindi makikipag-usap ng maayos kay James. Sa huling sinabi nito, natiyak niya na may pag-asa pa silang magkaayos. Kahit hindi maging sila ulit, kahit maging mag-kaibigan lang sila, she would accept it. The most important thing is, maayos ang gusot sa pagitan nila.

            Tumayo siya at bumalik sa bar. Dumiretso muna siya sa C. R. at nag-ayos. Pagkabalik sa mesa ay naroon ang apat. Ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman sa alak. Si Sam naman ay nakaalalay sa kanya, dahil alam nitong hindi siya sanay uminom. Ang kapatid niya naman at si Ken ay tahimik lang sa isang tabi at minabuting hayaan lang siya.

            Dahil sa kalasingan at patuloy na pag-inom ng beer, hindi napansin ni Devon na mataimtim na nakamasid sa kanilang dalawa ni Sam si James. She doesn’t know what happened next.

Saturday, November 6, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 22


Chapter XXII


Pagkatapos nilang kumain ng dinner ay inaya sila ni Margaret upang ipakilala sa mga kaibigan nito. Ang mga sosyal nitong babaeng kaibigan ay halatang nagpapacute kay James, samantalang siya ay tila yagit na napadpad sa mga babaeng hindi niya kauri. Marami siyang mga naging kaibigan sa Amerika na ganito rin manamit, ngunit iba ang nase-sense niya sa mga kaibigan ni Margaret.

“Devon ano nga pala ang work mo?” tanong sa kanya ni Angie. Sa mga kaibigan ni Margaret, magaan ang loob niya dito.

“I manage my Aunt’s restaurant in L.A.,” sagot niya.

“Really? That’s great,” puri nito na ikinangiti niya.

“So, James. Matagal na ba kayong magkakilala ni Devon?” tanong naman ni Lizie, isang fashion model.

Tiningnan niya si James at inantay ang isasagot nito.

“Yeah! Kinakapatid ko siya,” tipid nitong sagot. Naiinis na nasasaktan siya sa mga sinasabi nito ngayong gabi.

“Do you have a girlfriend, James?” tanong naman ni Amanda. “Bagay kasi kayo ni Margaret,” dugtong pa nito sabay sulyap sa kaibigan nito.

Parang nahihirapan siyang huminga sa oras na ‘yon. She’s waiting for James’ answer. Kapag iba ang sinagot nito sa iniisip niya, ‘yon na siguro ang inaantay niya para tapusin ang pagiging assuming niya.

“I’m single and available,” tugon ni James, dahilan para maramdaman niya na tila may mga karayom na tumusok sa dibdib niya.

Nagtawanan ito at ang mga kaibigan ni Margaret. Napansin niya ang tingin sa kanya ni Angie na tila nakiki-simpatiya sa kanya. Sila lang dalawa ang hindi nakitawa sa mga ito, habang si Margaret ay halatang nagpapa-cute na kay James. Nagpaalam siya sa mga ito na pupunta lang sa banyo. Hindi niya alam na nakasunod ng tingin sa kanya si James.

Habang nasa C.R. ay gusto na niyang umiyak, ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang mahalata ni James na nasasaktan siya. She now knows, gumaganti sa kanya si James. Dapat hindi agad siya nagpadala dito. Alam niya may kasalanan siya dito at mahal niya parin ito kaya gusto niyang mapatawad siya ni James. Ang laki niyang tanga para isiping madali lang siyang napatawad ng lalaki. Masakit ang ulo niya dahil na rin sa wine na ininom niya kanina at gusto na niyang umuwi. Aalis na lamang siya at ‘di na magpapaalam kay James. Pakalabas niya ng banyo ay nakita niya si James na nakasandal sa dingding at tila inaantay siya.

“Are you alright?” tanong nito.

“I’m fine, don’t worry. I’m goin’ home now,” wika niya dito.

“I’ll take you home,” anito at aalalayan sana siya sa siko pero pumiksi siya agad na ikinakunot ng noo nito.

“No, I can manage,” aniya at nagsimulang humakbang ngunit hinablot nito ang braso niya.

“What? I brought you here so I’m the one who will take you home!”

Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at tiningnan ito ng masama. Lumakad siya sa may hallway patungo sa isang maliit na garden kung saan walang tao. Sumunod ito sa kanya.

“Ano ba’ng nangyayari sa’yo?!”sigaw nito.

“Ako dapat ang magtanong niyan sa’yo James. What’s wrong with you?”

“Ako? Why me? Ikaw itong umalis na lang bigla at gusto ng umuwi!”

“Dahil sa’yo. Magkalinawagan nga tayo James, ano ba tayo? O, meron ba talagang “TAYO”?” diin niya sa huling salita.

“What are you talking about?!”

“Don’t play with me. Napatawad mo na ba talaga ako?”

“Yes, napatawad na kita,” anito na tila pinipigil na din ang inis. “Okay, if nasaktan kita when I said that I’m single earlier. Sorry!”

“Sorry?! You think iyon lang ang ikinasasama ko ng loob? I think It should have been better if hindi na’ko nag-asam na mapatawad at mahalin mo ulit. And I think for now, kailangan na talaga muna nating hindi muna magkita,” aniya na namamasa na ang mata.

“Devon, I just don’t want a commitment that’s why nasabi ko ‘yon kanina?” paliwanag nito.

“Commitment? That’s bullshit James! When you kissed and hugged me, akala ko meron na uling “TAYO”, that after eight years, you still love me, that you’re mine and I’m yours again. But, I realized I’m really wrong!”

“You’re telling me those as if you didn’t hurt me before. Hindi mo ba naisip kung bakit ayoko na ng commitment? When you left me, nasaktan ako, because I trusted you and loved you with all my heart kahit pa mga bata pa tayo noon. After that, I realized, it’s better if walang promises and commitment sa isang relasyon. That way kapag naghiwalay kayo, hindi kayo parehong masasaktan,” seryosong wika ni James.

“You really think that way after I left you? Kung alam mo lang, hindi lang ikaw ang nasaktan. Kung alam mo lang, I did that not for my own self!” bulalas niya at lumayo.

Iniwan niya si James na tulala at nakasunod lang ng tingin sa kanya. Nagpaalam siya kina Margaret at sa kaibigan nito na uuwi na dahil may emergency. Hindi niya alam kung pa’no siya agad nakarating bahay. Pagkatapos niya magbayad sa taxi driver ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa kuwarto. Pasado alas-dose na kaya tulog na ang papa niya at si Coleen. Ayaw niyang malaman ng mga ito na hindi siya hinatid ni James at nag-away silang dalawa. She’s too tired para iyakan uli si James. Nag-ayos isya ng sarili at nahiga sa kama. Pinilit niyang huwag isipin ang nangyari ngayong gabi.



Nagising si Devon, dahil sa paglundag ni Coleen sa kanyang kama. Excited na kiniliti siya nito at tinanong kung anong nangyari kagabi. Nagtakip siya ng kumot dahil inaantok pa siya. Mga alas-dos na ‘ata siya mahimbing na nakatulog dahil gising pa ang diwa niya nang mahiga siya sa kama at pumikit.

“Hey, Devon, gising na!” talak ng kapatid niya.

“Mamaya na―” naghihikab na sabi niya.

“Hmm. We have a visitor downstair.”

Napabangon siyang bigla sa sinabi nito.

“Sino?”

“Well, dapat sa Tuesday pa ang dating niya. But, Sam was so excited to come here in Manila.”

            “Si Sam? You mean―.”

            Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at patakbong bumaba ng hagdan. Nakita niya ang lalaki, kausap ng papa niya sa sala. Napatingin ang mga ito sa kanya, habang siya ay gulat na gulat na makita ito.

            “Hi Shine,” bati sa kanya ni Sam at lumapit sa kanya.

He’s been calling her Shine as in “Sunshine” noong unang pagkikita pa lang nila, dahil kapag nangiti at natawa daw siya ay parang nagliliwanag ang paligid. How she missed this man in front of her. He was her bestfriend in the states at kahit ilang weeks pa lang silang hindi nagkikita ay miss na niya talaga ito, lalo pa ngayon at problemado siya sa buhay pag-ibig.

“Where’s my hug?” anito na natatawa.

Niyakap niya ito ng mahigpit, gayundin ito sa kanya. Pagbitiw niya rito ay hinampas niya ito sa braso.

“Ouch! Why?”

“Why you didn’t tell me that you’re coming right now?” aniya.

“I wanted to surprise you and of course I wanna see Tito and Coleen,” dahilan nito.

“Devon, mag-ayos ka nga muna ng sarili mo. May muta ka pa,” singit ng ama niya.

Pinisil ni Sam ang dalawang pisngi niya. “Go ahead Shine, I don’t wanna see that eye booger of yours,” biro nito.

Papaluin niya sana ito, ngunit nakaiwas na ito agad.

“Loko ka, ah. Lagot ka sa’kin mamaya,” birong-banta niya dito bago pumanhik ng hagdan papunta sa kuwarto. Iniwan niya si Sam at ang ama na nagtatawanan.



Pagkapasok ng kuwarto ay naligo na rin siya agad. Simpleng blouse at leggings lang ang isinuot niya. Pagkababa ng hagdan ay nakita niya ang tatlo sa sala na masayan gnagkukuwentuhan.

“Hey Devon, we’re going out,” sabi ni Coleen. Tumabi siya kay Sam.

“Going out? May jet lag pa nga ‘ata ang isa dito,’ tukoy niya kay Sam.

“It’s okay Shine. I want to have a lunch outside,” anito.

“Okay now, let’s go kids.” Ang papa niya.

“Grabe naman ‘to si papa, Kids? Matanda na kame,” reklamo ni Coleen dahilan upang magtawanan sila habang palabas ng bahay.

She’s happy dahil kasama niya ang pamilya niya at kaibigan. Saka niya na lang iisipin ang sakit ng puso niya. Napaka-exciting ng araw na ito para sirain niya.

Friday, November 5, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 21

Chapter XXI


            Nagising si Devon nang maramdamang tila may mainit na bagay na dumapo sa kanyang labi. Pagdilat niya ng mata, nabungaran niya ang nakangiting si James na nakatunghay sa kanya.
           
            “Good morning sleepy head,” anito at kinurot ang dalawa niyang pisngi.

            Napabangong bigla si Devon at tila ‘di makapaniwala sa nagaganap ngayon.

            “I cooked breakfast for you sweety,” anito.

            Labis ang sayang naramdaman niya sa endearment na tinawag nito sa kanya. Inalalayan siya nitong bumangon. Bigla niyang sinapo ang noo ni James na ikinatawa lang nito ng bahagya.

            “I’m okay now. Thanks to my good nurse,” tukoy nito sa kanya.

            “Are you sure?”
           
            “Yup, but my stomach is not,” biro ni James.

            Umakbay ito sa kanya at iginiya siya sa may kusina. Naalala niya tuloy noong unang beses siyang ipinagluto ni James.

            Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nagpaalam sa kanya si James na maliligo muna upang ihatid siya sa bahay. Naghuhugas siya ng plato ng maramdaman niyang tila may tao sa likuran niya. Yumakap sa kanya si James at masuyong inamoy-amoy ang buhok niya, habang siya ay nangingiti sa sobrang kilig na nararamdaman.

            “How come you’re here? Akala ko ba maliligo ka na,” tanong niya rito.

            “I just want to hug you sweety,” bulong nito sa tenga niya.

            Humarap si Devon kay James na may sabon parin sa kamay. Nakangiti ito at  sinapo ang magkabilang pisngi niya. Hinalikan siya nito sa labi na buong puso niya namang ginantihan. Ayaw pa sana siya nitong pakawalan, ngunit tumunog ang telepono sa may sala.

            “What the hell?” iritadong sabi nito na ikinatawa niya ng mahina.

            “Go, answer it,” taboy niya rito.

            Bago ito umalis sa harap niya ay binigyan siya nito ng isang mabilis na halik sa labi.

            Ang tumawag daw ay assistant ng head nila sa kumpanyang pinagtatrabauhan nito bilang isa sa mga engineer. Kailangan daw nitong pumunta agad upang ma-meet ang kliyente nila. Naintindihan niya naman iyon kaya sinabi niya ditong siya na lang mag-isa uuwi. Bago umalis ito ay binigyan siya nito ng isang mahigpit na yakap at matamis na halik sa labi.

            Pagkatapos maligo ay umalis na siya sa condo ni James at umuwi ng bahay. Nabungaran niya ang kapatid at si Ken na masayang natingin ng mga magazines.

            “Hi Sis!” bati sa kanya ni Coleen. “Mukhang masaya ka ‘ata ngayon,” tukso nito na sinakyan din ni Ken.

            “Mukhang may nangyari ‘atang milagro kaya sobrang laki ng ngiti mo.” Si Ken.

            “Tigilan ni’yo nga akong dalawa. Anong sabi ni papa?” pag-iiba niya ng usapan.

            “Well, sabi ko na kila Fretzie ka. Kapag kasi nalaman niyang nasa condo ka ng isang lalaki baka mag-hysterical ‘yon,” anito na iiling-iling. “Nga pala, somebody called up kagabi, hindi ka daw niya matawagan sa phone mo kaya dito na lang siya sa bahay tumawag, and papa was the one who answered it.”

            Nangunot ang noo niya dahil wala naman siyang ini-expect na tawag.

            “Sino ‘yon?”

            “Ang iyong uber cute na kaibigan, si Sam!” exaggerated na sabi ni Coleen.

            “Si Sam? Bakit daw?”

            “Sabi ni papa, he’s coming here in Manila next week daw .”

            “Bigla-bigla naman ‘ata”

            “I don’t know. Dito nga siya gustong patuluyin ni papa.”

            Nagkibit-balikat na lang siya. Her father likes Sam for her, pero sinabi niya sa ama na hanggang kaibigan lang ang tingin niya dito.



            She’s in her room, reading a magazine when her phone beeps. James sent a message to her.

            “Hi! sweety. I’m hir @ d ofis, I mis u!”

            Napangiti siya sa message nito. Dalawang araw na ang lumipas mula nang magkaayos sila ni James. Hindi na muli sila nagkita no’n dahil sa trabaho nito. Panay tawag at text lang ang naging komunikasyon nila sa loob ng mga araw na ‘yon. Maya-maya ay narinig niya ang phone niya na nagri-ring.

            “Hi! Sweety!” bungad nito.

“How are you James?” malambing na tanong niya rito.

            “Really exhausted. I really miss you,” anito.

            “Bolero,” aniya at natawa.
           
            “Seriously, I miss you. I’m gonna pick you up on Saturday. We’re gonna attend our client’s party.”

            “Okay,” aniya.

            “Saturday, okay. I gotta go now. Bye sweety!”

            “Bye! I love you―,” nahihiyang turan niya.

            Nagtaka siya sa sandaling pananahimik nito.

            “Bye Sweety,” huling paalam ni James bago pinutol ang pakikipag-usap nito sa kanya.

            Nakaramdam siya ng panlulumo dahil hindi nito nagawang tugunan ang sinabi niya dito. She’s expecting to hear those words from him tulad nang ginagawa nito dati. Siguro ay pagod lang ito, kaya binalewala niya na lang ang nararamdaman. The most important thing is sila na ulit―. Ngunit, meron nga bang pagkakaintindihan sa pagitan nila, o siya lang ang nag-aassume. Wala kasing sinasabi sa kanya si James, kahit na panay sabi nitong namimiss siya. At higit sa lahat, parang hindi na ito tulad ng dati na dalawang araw lang silang ‘di magkita, kahit busy ito ay pilit makikipagkita sa kanya.



            Sabado ng hapon, nasa kuwarto parin siya at namimili ng isusuot. Nakaupo siya sa kama at nakatitig lang sa aparador na puno ng mga damit niya. Nadatnan siya ng kanyang kapatid na tila problemado.

            “Anong problema mo?” tanong sa kanya ni Coleen?”

            “I don’t have a simple dress. Susunduin ako mamaya ni James to attend a party.”

            “Hay naku! Kanina ka pa diyan, sana pumunta ka sa kuwarto ko,” anito. “Just wait for me,” paalam nito at lumabas ng kuwarto niya.

            Pumasok muli si Coleen sa kanyang kuwarto bitbit ang isang simpleng damit na kulay itim.

            “Black? Hello party ng buhay ang dadaluhan ko hindi party ng patay,” biro niya sa kapatid.

            “Isuot mo muna bago ka mag-reklamo.”
             
            Isinuot niya sa banyo ang damit. The evening dress was simple yet elegant. Bumagay sa katawan niya ang off-shoulder design nito. Hindi lumagpas ang damit sa kanyang mga tuhod kaya kita ang mahubog niyang binti. Pagkalabas niya ng kuwarto ay pansin niya ang manghang titig ng kapatid sa kanya.

            “Sabi ko na sa’yo eh, bagay ‘yan. You’re so sexy. Mana ka talaga sa’kin,” anito at humalakhak.

            Nasa kuwarto siya at nag-aantay kay James nang katukin siya sa kuwarto ng kapatid. Sinabi nitong nasa baba na daw si James at kausap ang kanilang ama. Pagbaba niya sa hagdan ay nakasunod ng tingin sa kanya ang dalawang lalaki na parehong nakaupo sa sala. Kita niya sa mga mata ng mga ito ang pagkamangha dahil sa ayos at suot niya ngayong gabi.

            “Take care of my lovely daughter, James,” paalala ng ama niya dito.

            Inalalayan siya ni James na makasakay sa sasakyan nito. Habang nasa daan ay hindi parin siya nito kinakausap kaya nagtataka siya.

            “James, I’m here. Why you’re not saying anything since we were in the house?” aniya na ikinalingon nito.

            Ngumiti ito bago nagsalita. “I’m speechless sweety, that’s why. There’s no word that can describe how beautiful and stunning you are tonight.

            Napangiti na rin siya ng tuluyan. Namangha siya sa bahay na pinuntahan nila kung saan idaraos ang party. Ang nag-imbita daw dito ay kasalukuyang client nila na nagpapagawa ng malaking apartment sa Cavite. Anak-mayaman daw ito at may-ari ng isang sikat ng kumpanya ng pabango. Masasabi niyang party ito ng mga sosyal, dahil sa suot at postura ng ibang panauhin sa lugar na ‘yon. Palapit sa kanila ang isang maputi at magandang babae na kaedad lang ata nila ni James.

            “Hi James,” bati nito sabay beso sa lalaki na bahagyang ikinataas ng kilay niya. Nagpasalamat siya at ‘di nakita ng mga ito iyon.

            “I’m sorry, we’re late.” Si James.

            “Oh, it’s okay. Kakaumpisa lang naman. Who’s with you?” nakangiting tanong nito kay James.

            “I would like you to meet my friend, Devon. Devon this is Margaret, our client,” pagpapakilala ni James.

Nagkamay silang dalawa ngunit hindi abot sa kanyang mga mata ang ngiting ibinigay dito dahil sa term na ginamit sa kanya ni James nang ipakilala siya sa babae. Friend―, as in F-R-I-E-N-D, at hindi tugma iyon sa endearment nitong “sweety” sa kanya. She was hurt inside, at hindi niya alam kung kaya niyang tiisin iyon hanggang matapos ang party ni Margaret. What were those hugs and kisses for na pinaramdam nito sa kanya? She’s really puzzled.

Tuesday, October 19, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 20


Chapter XX


            “It’s me, James,” wika niya at nagpakita dito.

            “What are you doing here?!” galit na sigaw nito.

            Namumutla ito at nagpipilit na bumangon sa pagkakahiga. Umubo ito, kaya napalapit siya sa kinaroroonan nito at umupo sa gilid ng kama. Nakatingin sa kanya ito ng masama. Napabuntong-hininga si Devon bago sinipat ang noo nito. Sobrang init ng temperatura ni James kaya lubos siyang nag-alala. Nagulat siya nang biglang alisin nito ang kamay niya.

            “Why are you here? Will you please leave me alone!”

            Babangon sana uli ito, ngunit sumakit ‘ata ang ulo nito dahil sinapo nito ang sintido.

            ‘You’re so hard-headed, James’ wika niya sa sarili.

            “Kung ako sa’yo, ‘wag mo ng ambisyoning bumangon dahil ‘di mo kaya,” aniya na nangingiti na lang dahil sa katigasan ng ulo ng kaharap niya.

            “Who the hell are you para pagsabihan ako? Get out.”

            “No, James. I will stay here, whether you like it or not.”

            Lumabas sandali ng kuwarto si Devon at kinuha ang medicine kit na pinadala ng ninang niya. Alam daw kasi nitong walang gano’n sa condo ni James.

            Napasukan niya si James na nakapikit ang mata, pero alam niyang hindi ito natutulog. Umupo uli siya sa tabi nito.

            “James, put this in your armpit,” tukoy niya sa thermometer. Hindi ito umimik.

            “If you won’t do it. Ako ang maglalagay.”

            Hindi parin ito umimik. Bigla niyang hinila ang kumot nito pababa.

            “What the hell?!”anito.

            Binigyan niya ito ng nang-iinis na ngiti bago itinaas ang manggas ng damit nito at inilagay doon ang thermometer.

            “Are you gonna kill me or what?”

            “Kaya umayos ka para maganda ang trato ko sa’yo.”

            Kinuha niya ang thermometer at tiningnan ang body temperature ni James.

            “My God, thirty eight degrees. Buti at nakayanan mo pa. Kailan ka pa ba may sakit?”

            Hindi ito nagsalita. Nakapikit lang at tila nag-iimagine na wala ang presensiya niya doon. Pinalo niya ito.
           
            “Ouch! Ganyan ka ba mag-trato ng pasyente?” reklamo nito.

            “Oo, kung ang pasyente ko ay yung tulad mong matitigas ang ulo. Hala, kailan ka pa ba mayroong lagnat?”

            “Last night.”

            “Last night pa? Grabe ka talaga. Mabuti pa umidlip ka muna. I’ll cook porridge. Iyon muna ang kainin mo bago ka uminom ng gamot.”

            Nangalikot na siya sa kusina nito. Kumpleto naman ang gamit doon. Nagluto siya ng lugaw at nilagyan lang ng kaunting asin upang magkalasa. Pagkaluto ay naglagay siya sa mangkok at dinala iyon kay James.

            “James,” tawag niya at niyugyog ito ng malumanay para magising. “Kumain ka na, habang mainit pa.”

            Nagpasalamat siya at naging masunurin naman ito at hindi na nakipagtalo pa. Hinang-hina ang katawan nito kaya siya na ang nagsubo dito. Pagkatapos kumain ay pinainom niya na ito ng gamot.

            “James, take off your shirt.”

            Napatingin itong bigla sa kanya.

            “Don’t be silly. I’ll just give you a massage para bumaba ang lagnat mo.”

            Pagkarinig nito sa masahe ay nanghihinang hinubad nito ang t-shirt at dumapa. Kinuha niya ang oil na kasama sa medicine kit. Pagkatapos niyang masahiin ito ay nakatulog na ito. Kumuha siya ng cold compress at inilagay sa noo nito.

            Nasa sala si Devon at nanood nang marinig niya na tinatawag siya ni James. Sumilip siya sa kuwarto nito. Nagtaka siya dahil tulog naman ito. Pabalik na siya sa sala nang marinig niya uli ang pangalan niya. Pumasok siya at nilapitan ang natutulog na si James. Pinagmasdan niya ito.

            “Devon-” usal nito.

Nananaginip nga si James. Umupo siya sa tabi nito.

“Why did you leave me-?” anito at nakita niya ang munting butil ng tubig sa gilid ng mata nito.

He’s still hurting, the same way how she feels. She loves this man. Pero hindi niya alam kung pa’no uumpisahan ang pagbawi sa pagmamahal nito. Lumapit nang bahagya si Devon kay James at hinalikan ang noo nito.

Sinipat niya uli ang noo nito at napangiti siya nang bumaba na ang temperatura ni James. Hindi niya pa maiwan ito, dahil baka bumalik uli ang taas ng lagnat nito. Tinawagan niya si Coleen at sinabi dito kung nasaan siya at bukas na rin ang uwi niya. Ito na daw ang bahala magdahilan sa papa nila.

It’s almost seven in the evening kaya nagsaing siya at nagluto ng uulamin niya. Pinagluto niya rin si James ng sopas para sa hapunan nito. Pagkatapos niyang kumain ay dinalhan niya na ng pagkain si James sa kuwarto. Tulog parin ito pag pasok niya sa kuwarto. Ginising niya ito at sinubuan bago pinainom uli ng gamot. Nakatayo na siya dala ang pinagkainan nito nang magtanong si James.

“It’s already late. Hindi ka pa ba uuwi?”

“Nope, I’m staying here. I’ll just go home tomorrow.”

Natahimik ito at nagkibit-balikat na lang. Nginitian niya ito at bumalik na sa may kusina.

            Hindi alam ni Devon kung saan matutulog. Hindi naman siya puwede sa sala dahil napakaliit naman ng couch doon. Pumunta  siya sa kuwarto upang tanungin si James kung may extra mattress ito. Nadatnan niya itong nagbabasa ng libro.

            “Gusto mo bang mabinat James?” tanong niya rito na nakapamaywang. Tinapunan lang siya nito ng tingin at nagbasa ulit.

            Her nose wrinkled. Hinablot niya ang libro nito at binigyan ng ngiting mapang-asar.

            “I’m not sleepy yet. Anong gusto mong gawin ko dito? Titigan ang kisame hanggang mamuti ang mata ko?” inis na sabi nito.

            Nilapitan niya ito at sinipat ang noo. Wala na itong lagnat, kaya siguro medyo nakaupo na ito ng ayos sa kama. Binigay niya ang libro dito.

            “Go read. Do you have an extra mattress?”

            “In my cabinet,” tipid nitong sagot.

            Nilatag niya ang mattress sa sahig at nahiga na. She’s tired. Buti na lang may extra clothes siyang dala kaya nakapagpalit siya ng pambahay.

            “You’re gonna sleep here in my room?” tanong ni James.

            Humarap siya dito. Sa may tabi kasi ng kama nito niya nilatag ang higaan.

            “Yup,” aniya at nagtalukbong ng kumot. She’s way too tired para makipa-argumento kay James.

            Naalimpungatan si Devon nang marinig na tila nananaginip si James. Binuksan niya ang lamp shade at nakita niya ito na pinagpapawisan. Ginising niya ito dahil tila binabangungot. Pagkadilat ng mga mata nito ay tinitigan siya ni James at biglang niyakap. Mahigpit ang yakap nito at tila ayaw na siyang pakawalan.

            “Devon- please stay. Don’t ever leave me again. Please-” anito na nanghihina.

            She was really happy. Ibig sabihin mahal parin siya nito.

            “I won’t leave you again, James,” aniya.

            Nakayakap parin ito sa kanya. Minabuti niyang humiga na lang sa tabi nito dahil nahihirapan siya. Nakatagilid ito paharap sa kanya and he was hugging her tightly. He kissed her forehead bago muling ipinikit nito ang mga mata. Nakatulog silang dalawa na magkayakap. Devon prayed na hindi na sana muling matapos ito.