Chapter XXIII
Papunta si James sa bahay nila Devon upang kausapin sana ito. Nakita niya ang paglabas ng sasakyan ng ama nito. Huminto iyon sandali at bumaba ang dalaga mula doon. Hindi niya inaasahan ang pagbaba din ng isang guwapong lalaki buhat sa sasakyan at hinawakan si Devon sa braso at tumatawang pumasok ang dalawa sa loob. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas uli ang dalawa at ini-lock ang gate bago sumakay muli sa sasakyan.
Napatiim-bagang siya habang mahigpit na nakahawak sa manibela at tiningnan ang papalayong sasakyan. Nang mawala na sa paningin niya ito ay pinaharurot niya ang sasakyan pabalik sa condo niya. Naupo siya sa kama at naiinis na kinuha ang celphone niya sa bulsa. He called Ken at sinabi ditong magkita sila sa bar na pinupuntahan nila mamayang gabi. He’s too upset since last night. After Devon left without him, ay nagpaalam na rin siya kila Margaret at sa kaibigan ng mga ito. The woman wanted him to stay but he insisted to go. He knows, her client is interested on him, but he’s not like the other guys who flirt around kapag nakakita ng pagkakataon.
When he saw Devon and that guy laughing non-stop, papasok at papalabas ng bahay, may mumunting kirot siyang naramdaman. They fought last night at hindi niya inaasahan na makukuha pa nitong makipagharutan sa iba. Are they going to end like this? He really wants her, and the silliest thing is he still loves her so much. It’s true that he doesn’t want to be committed kanino man, kaya niya nasabi ang mga iyon. Pero buhat nang magtalo sila kagabi, naisip niyang he’s ready to try again and will now tell it to Devon. However, the way she laughs around with that guy, parang masasaktan na naman siya at ayaw niya uling maramdaman iyon. He was abandoned twice by his mom and Devon, kaya sawa na siya doon. The best thing to do to forget Devon is to unwind and have fun for the mean time.
James stood up and went inside the comfort room. He needs to freshen up para lumamig ang init ng ulo niya.
Pauwi na sila ng bahay galing sa mall nang sabihin sa kanya ni Coleen sa sasakyan na inaaya ito ni Ken na pumunta sa bar.They ate lunch at Mang Inasal and after that, Sam bought them some stuffs as their pasalubong. Hindi daw ito nakabili ng pasalubong sa States dahil sa pagmamadali nitong makapunta agad ng Pinas. Marami itong pinamili para sa kanila kaya tuwang-tuwa ang kapatid niya pati na rin ang papa nila. Bago naisipang umuwi ay kumain na rin sila ng dinner sa isang Japanese restaurant. Buong maghapon silang naggala at namili sa mall kaya pagod na rin siya.
“Hey Dev, ano sama ka?” bulong sa kanya ni Coleen.
Tumingin siya sa kapatid sa katabi lang din niya. “Hello, may bisita tayo,” tukoy niya kay Sam na mahimbing na nakatulog sa tabi niya dahil na rin sa biyahe at pagod.
“Magpapahinga lang naman ‘yan, kaya puwede nating iwan. O, kaya isama na lang natin.”
Binigyan niya ito ng tinging hindi makapaniwala. “Nge, pagod kaya ‘yan tapos isasama natin.”
“Ano bang pinag-bubulungan ninyong dalawa diyan?” puna ng papa nila na nakatingin sa kanila buhat sa rear-view mirror.
“Ah, wala Pa.” Si Coleen.
“Basta, sasama ka sa’kin sa ayaw at sa gusto mo,” nakangising saad nito dahilan upang mapabuntong-hininga na lang siya dahil sa kakulitan ng kapatid. “And by the way, you haven’t told me yet what happened last night,” anito.
Napansin nito ang bigla niyang pananahimik dahil sa sinabi ni Coleen kaya hindi na muling nag-usisa pa ito. Coleen was childlish sometimes, pero alam nito kung kailan ititikom ang bibig, na nagustuhan niya sa kapatid.
Pagkarating sa bahay ay pinagpahinga na muna niya si Sam sa kuwarto niya. Habang naroon ito ay gagamitin muna nito ang kanyang kuwarto at kay Coleen naman siya makikitulog. Nasa sala silang dalawa magkapatid at ang ama niya aay kasalukuyan na ring nagpapahinga sa kuwarto nito. Alas-otso na ng gabi at nakabihis na ito at kinukulit siya na sumama.
“Devon, sige na. Sumama ka na sa’kin. Padating na si Ken,” anito na tila batang nagmamaktol.
Natatawa siya sa inaasta ng kapatid. Biglang tumahimik si Coleen at nakasimangot na umupo nang maayos. Hindi maipinta ang itsura nito kaya naisip niyang aluin ito.
“Sige na nga, sasama na’ko,” aniya na biglang ikinangiti nito. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.
“You’re so nice talaga kapatid. Lakad na, magbihis ka na,” taboy nito sa kanya.
“Hindi ba puwede ‘tong suot ko?”
“Hindi no. Sinong matinong tao na aalis at pupunta sa bar na naka-cotton shorts at maluwag na t-shirt?”
“Ako!” nakakalokong sabi niya at tumayo papunta sa kuwarto niya.
Kumuha siya ng damit sa kanyang kuwarto. Nakita niya si Sam na mahimbing na natutulog sa kama, kaya dahan-dahan siyang kumuha ng damit sa aparador niya. Muntik na siyang atakihin sa puso nang biglang magsalita ito.
“Where are you going?” tanong nito dahil sa dala niyang damit.
“Ha? Ah, eh, nag-aaya kasi yung boyfriend ni Coleen na mag-bar ngayon. Gustong akong pasamahin, kaya eto,” aniya.
Tumayo ito buhat sa pagkakahiga. “Well, I’ll go with you.”
“Pagod ka pa. Magpahinga ka na lang kaya.”
“I insist. I’m used to travel. Don’t you know it?”
“Okay, sige. Magbihis ka na lang. Make it fast dahil parating na daw si Ken,” wika niya at lumabas na ng kuwarto.
Naghihintay silang tatlo sa sala nang marinig nila ang busina ng sasakyan ni Ken. Lumabas silang tatlo at sumakay sa sasakyan. Ipinakilala niya si Sam kay Ken, at ang huli ay binigyan siya ng makahulugang tingin. Pagkarating sa bar ay umupo agad sila sa bakanteng mesa. The people were having fun, drinking at their tables while some are dancing on the dance floor. Naalala niya tuloy ang engkuwentrong naganap sa kanila noon ni James sa bar. Sa pagkakatanda niya, this is the same bar kung saan nangyari ‘yon at ang ama ng kaibigan ni James ang may-ari nito. Speaking of him, bale-wala na lang ba talaga siya dito?
She’s expecting him to text or call her. But, kahit isang text man lang ay wala siyang natanggap dito mula kagabi. Hindi nga man lang ito tumawag upang tanungin kung nakauwi ba siya ng ligtas. Kahit sa simpleng gesture na ‘yon, maiisip niya pa na mahalaga parin siya dito. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Sam sa balikat niya.
“Something wrong?” nag-aalalang tanong nito.
Nginitian niya ito. “No. Don’t mind me,” aniya.
Nagkibit-balikat lang ito. Nag-uusap ito at si Ken nang inusog ni Coleen ang upuan nito palapit sa kanya at bumulong.
“James is coming,” anito.
“What?” mahinang sabi niya upang ‘di marinig ng dalawang lalaki.
“James was the one who called Ken to come here. Hindi naman niya alam na may problema kayo ni James.” Tiningnan niya ito na waring nagtataka dahil sa alam ng kapatid niya ang lagay nila ni James kahit wala siyang sinasabi. “I know you sis. Kahit hindi ka magsalita, isang tingin ko pa lang sa’yo alam ko na may problema ka.”
“I can handle it Coleen, so don’t worry.” Tumahimik na lang ito at bumalik sa dating puwesto.
The three were laughing while Devon is silently sipping her beer. She saw James walking down to their table. Nakakunot ang noo nito nang makita siya.
“James, andito ka na pala.” Si Ken.
Umupo ito katapat niya at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Sam. She bet, he’s thinking a wrong idea.
“Wanna introduce me your friend?” anito na halatang siya ang kinakausap.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Ah, James, this is Sam. Sam, this is James.”
Nagkamay ang dalawa. Napansin niya ang makahulugang sulyap ni Sam sa kanya pagkatapos niyang ipakilala si James dito. Sam knows about her and James. Masasabi niyang alam nito lahat ang tungkol sa buhay niya. Ito ang laging nakaalalay sa kanya noon nung nasa States sila kaya wala siyang kiyeme na ipaalam dito ang naging buhay niya sa Pilipinas.
Umorder sila Ken ng pulutan habang siya ay tahimik lamang sa tabi ni Sam. Nag-aya si Coleen na sumayaw na pinaunlakan naman ni Ken. Niyaya sila ng dalawa, ngunit tumanggi siya. Si Sam naman ay nagpatianod na lang sa kapatid at kay Ken kaya naiwan sila ni James sa lamesa.
“Is he your boyfriend?” sarkasmong wika nito na nakatingin sa kanya.
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “You’re crazy, James.”
“What?!”
“I said, you’re crazy,” inis na sabi niya at tumayo.
“Hey, wait. Where are you going?” tanong nito at sinundan siya palabas. Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa may parking area.
Nabigla siya sa biglang paghila nito sa braso niya. “Now, we should talk,” seryosong sabi ni James.
“What’s with you, James?” Napabuntong-hininga ito dahil sa tanong niya. “Naguguluhan na ‘ko James. Hindi ko maintindihan kung ano ba talagang meron sa’tin. Naisip ko nga na baka gusto mo lang gumanti sa’kin.”
Kumunot ang noo nito. “You’re joking, right?” he asked na tila hindi makapaniwala sa narinig buhat sa kanya. “I thought, you know me Devon. I can’t believe that you will say that. Even though, you hurt me that bad when you left, hindi pumasok sa isipan ko ang gumanti.”
James left her after that. Naiwan siyang tulala sa parking lot. She’s really confused. Napaupo siya at niyakap ang shoulder bag na dala niya. Naramdaman niya na lang ang mainit na likido na dumaloy mula sa mga mata niya. How can she stand the pain, kung magiging duwag siya at hindi makikipag-usap ng maayos kay James. Sa huling sinabi nito, natiyak niya na may pag-asa pa silang magkaayos. Kahit hindi maging sila ulit, kahit maging mag-kaibigan lang sila, she would accept it. The most important thing is, maayos ang gusot sa pagitan nila.
Tumayo siya at bumalik sa bar. Dumiretso muna siya sa C. R. at nag-ayos. Pagkabalik sa mesa ay naroon ang apat. Ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman sa alak. Si Sam naman ay nakaalalay sa kanya, dahil alam nitong hindi siya sanay uminom. Ang kapatid niya naman at si Ken ay tahimik lang sa isang tabi at minabuting hayaan lang siya.
Dahil sa kalasingan at patuloy na pag-inom ng beer, hindi napansin ni Devon na mataimtim na nakamasid sa kanilang dalawa ni Sam si James. She doesn’t know what happened next.
exciting.... what will happened next kaya??
ReplyDeletewhen po next chapter/s??? ;)
next powwwwwww
ReplyDelete2 chapters more and it's FIN....I'm posting those ASAP hanggang matapos ko ang pinakalast..hahah...just wait...
ReplyDeleteI have also my another FF....