Chapter XXI
Nagising si Devon nang maramdamang tila may mainit na bagay na dumapo sa kanyang labi. Pagdilat niya ng mata, nabungaran niya ang nakangiting si James na nakatunghay sa kanya.
“Good morning sleepy head,” anito at kinurot ang dalawa niyang pisngi.
Napabangong bigla si Devon at tila ‘di makapaniwala sa nagaganap ngayon.
“I cooked breakfast for you sweety,” anito.
Labis ang sayang naramdaman niya sa endearment na tinawag nito sa kanya. Inalalayan siya nitong bumangon. Bigla niyang sinapo ang noo ni James na ikinatawa lang nito ng bahagya.
“I’m okay now. Thanks to my good nurse,” tukoy nito sa kanya.
“Are you sure?”
“Yup, but my stomach is not,” biro ni James.
Umakbay ito sa kanya at iginiya siya sa may kusina. Naalala niya tuloy noong unang beses siyang ipinagluto ni James.
Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nagpaalam sa kanya si James na maliligo muna upang ihatid siya sa bahay. Naghuhugas siya ng plato ng maramdaman niyang tila may tao sa likuran niya. Yumakap sa kanya si James at masuyong inamoy-amoy ang buhok niya, habang siya ay nangingiti sa sobrang kilig na nararamdaman.
“How come you’re here? Akala ko ba maliligo ka na,” tanong niya rito.
“I just want to hug you sweety,” bulong nito sa tenga niya.
Humarap si Devon kay James na may sabon parin sa kamay. Nakangiti ito at sinapo ang magkabilang pisngi niya. Hinalikan siya nito sa labi na buong puso niya namang ginantihan. Ayaw pa sana siya nitong pakawalan, ngunit tumunog ang telepono sa may sala.
“What the hell?” iritadong sabi nito na ikinatawa niya ng mahina.
“Go, answer it,” taboy niya rito.
Bago ito umalis sa harap niya ay binigyan siya nito ng isang mabilis na halik sa labi.
Ang tumawag daw ay assistant ng head nila sa kumpanyang pinagtatrabauhan nito bilang isa sa mga engineer. Kailangan daw nitong pumunta agad upang ma-meet ang kliyente nila. Naintindihan niya naman iyon kaya sinabi niya ditong siya na lang mag-isa uuwi. Bago umalis ito ay binigyan siya nito ng isang mahigpit na yakap at matamis na halik sa labi.
Pagkatapos maligo ay umalis na siya sa condo ni James at umuwi ng bahay. Nabungaran niya ang kapatid at si Ken na masayang natingin ng mga magazines.
“Hi Sis!” bati sa kanya ni Coleen. “Mukhang masaya ka ‘ata ngayon,” tukso nito na sinakyan din ni Ken.
“Mukhang may nangyari ‘atang milagro kaya sobrang laki ng ngiti mo.” Si Ken.
“Tigilan ni’yo nga akong dalawa. Anong sabi ni papa?” pag-iiba niya ng usapan.
“Well, sabi ko na kila Fretzie ka. Kapag kasi nalaman niyang nasa condo ka ng isang lalaki baka mag-hysterical ‘yon,” anito na iiling-iling. “Nga pala, somebody called up kagabi, hindi ka daw niya matawagan sa phone mo kaya dito na lang siya sa bahay tumawag, and papa was the one who answered it.”
Nangunot ang noo niya dahil wala naman siyang ini-expect na tawag.
“Sino ‘yon?”
“Ang iyong uber cute na kaibigan, si Sam!” exaggerated na sabi ni Coleen.
“Si Sam? Bakit daw?”
“Sabi ni papa, he’s coming here in Manila next week daw .”
“Bigla-bigla naman ‘ata”
“I don’t know. Dito nga siya gustong patuluyin ni papa.”
Nagkibit-balikat na lang siya. Her father likes Sam for her, pero sinabi niya sa ama na hanggang kaibigan lang ang tingin niya dito.
She’s in her room, reading a magazine when her phone beeps. James sent a message to her.
“Hi! sweety. I’m hir @ d ofis, I mis u!”
Napangiti siya sa message nito. Dalawang araw na ang lumipas mula nang magkaayos sila ni James. Hindi na muli sila nagkita no’n dahil sa trabaho nito. Panay tawag at text lang ang naging komunikasyon nila sa loob ng mga araw na ‘yon. Maya-maya ay narinig niya ang phone niya na nagri-ring.
“Hi! Sweety!” bungad nito.
“How are you James?” malambing na tanong niya rito.
“Really exhausted. I really miss you,” anito.
“Bolero,” aniya at natawa.
“Seriously, I miss you. I’m gonna pick you up on Saturday. We’re gonna attend our client’s party.”
“Okay,” aniya.
“Saturday, okay. I gotta go now. Bye sweety!”
“Bye! I love you―,” nahihiyang turan niya.
Nagtaka siya sa sandaling pananahimik nito.
“Bye Sweety,” huling paalam ni James bago pinutol ang pakikipag-usap nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng panlulumo dahil hindi nito nagawang tugunan ang sinabi niya dito. She’s expecting to hear those words from him tulad nang ginagawa nito dati. Siguro ay pagod lang ito, kaya binalewala niya na lang ang nararamdaman. The most important thing is sila na ulit―. Ngunit, meron nga bang pagkakaintindihan sa pagitan nila, o siya lang ang nag-aassume. Wala kasing sinasabi sa kanya si James, kahit na panay sabi nitong namimiss siya. At higit sa lahat, parang hindi na ito tulad ng dati na dalawang araw lang silang ‘di magkita, kahit busy ito ay pilit makikipagkita sa kanya.
Sabado ng hapon, nasa kuwarto parin siya at namimili ng isusuot. Nakaupo siya sa kama at nakatitig lang sa aparador na puno ng mga damit niya. Nadatnan siya ng kanyang kapatid na tila problemado.
“Anong problema mo?” tanong sa kanya ni Coleen?”
“I don’t have a simple dress. Susunduin ako mamaya ni James to attend a party.”
“Hay naku! Kanina ka pa diyan, sana pumunta ka sa kuwarto ko,” anito. “Just wait for me,” paalam nito at lumabas ng kuwarto niya.
Pumasok muli si Coleen sa kanyang kuwarto bitbit ang isang simpleng damit na kulay itim.
“Black? Hello party ng buhay ang dadaluhan ko hindi party ng patay,” biro niya sa kapatid.
“Isuot mo muna bago ka mag-reklamo.”
Isinuot niya sa banyo ang damit. The evening dress was simple yet elegant. Bumagay sa katawan niya ang off-shoulder design nito. Hindi lumagpas ang damit sa kanyang mga tuhod kaya kita ang mahubog niyang binti. Pagkalabas niya ng kuwarto ay pansin niya ang manghang titig ng kapatid sa kanya.
“Sabi ko na sa’yo eh, bagay ‘yan. You’re so sexy. Mana ka talaga sa’kin,” anito at humalakhak.
Nasa kuwarto siya at nag-aantay kay James nang katukin siya sa kuwarto ng kapatid. Sinabi nitong nasa baba na daw si James at kausap ang kanilang ama. Pagbaba niya sa hagdan ay nakasunod ng tingin sa kanya ang dalawang lalaki na parehong nakaupo sa sala. Kita niya sa mga mata ng mga ito ang pagkamangha dahil sa ayos at suot niya ngayong gabi.
“Take care of my lovely daughter, James,” paalala ng ama niya dito.
Inalalayan siya ni James na makasakay sa sasakyan nito. Habang nasa daan ay hindi parin siya nito kinakausap kaya nagtataka siya.
“James, I’m here. Why you’re not saying anything since we were in the house?” aniya na ikinalingon nito.
Ngumiti ito bago nagsalita. “I’m speechless sweety, that’s why. There’s no word that can describe how beautiful and stunning you are tonight.”
Napangiti na rin siya ng tuluyan. Namangha siya sa bahay na pinuntahan nila kung saan idaraos ang party. Ang nag-imbita daw dito ay kasalukuyang client nila na nagpapagawa ng malaking apartment sa Cavite. Anak-mayaman daw ito at may-ari ng isang sikat ng kumpanya ng pabango. Masasabi niyang party ito ng mga sosyal, dahil sa suot at postura ng ibang panauhin sa lugar na ‘yon. Palapit sa kanila ang isang maputi at magandang babae na kaedad lang ata nila ni James.
“Hi James,” bati nito sabay beso sa lalaki na bahagyang ikinataas ng kilay niya. Nagpasalamat siya at ‘di nakita ng mga ito iyon.
“I’m sorry, we’re late.” Si James.
“Oh, it’s okay. Kakaumpisa lang naman. Who’s with you?” nakangiting tanong nito kay James.
“I would like you to meet my friend, Devon. Devon this is Margaret, our client,” pagpapakilala ni James.
Nagkamay silang dalawa ngunit hindi abot sa kanyang mga mata ang ngiting ibinigay dito dahil sa term na ginamit sa kanya ni James nang ipakilala siya sa babae. Friend―, as in F-R-I-E-N-D, at hindi tugma iyon sa endearment nitong “sweety” sa kanya. She was hurt inside, at hindi niya alam kung kaya niyang tiisin iyon hanggang matapos ang party ni Margaret. What were those hugs and kisses for na pinaramdam nito sa kanya? She’s really puzzled.
ouchy naman for devon... jaime talaga!!
ReplyDeletei thought c sam ang magiging new client nila james... assumera lang pala ako!! hahaha...
tnx for the new chap... when po ang next??? (pasensya na adik lng ;p