Chapter XXIV
Nagising si Devon na masakit ang ulo. Hindi niya na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari kagabi dahil nahilo na siya at nakatulog sa lamesang inookupa nila sa bar. Tumayo siya at nagbabad sa bathtub upang mawala ang kanyang hangover. Buti na lang at nailipat ang ibang damit niya sa kuwarto ni Coleen. Bumaba siya at nagtaka dahil walang tao doon. Pasado ala-una na pala ng tanghali. Tinawagan niya si Coleen. Kasama daw nito si Sam at Ken sa mall upang mag-grocery. Hindi na daw siya nito ginising dahil mahimbing ang tulog niya.
Kumain siya at pagkatapos ay nagbihis upang puntahan si James. She should face him now to fix the problem between them. Tatlong beses ‘ata siyang nagdoorbell bago bumukas ang pinto ng condo ni James. She was shocked to see Margaret opened the door. Nawala din ang ngiti nito nang makita siya.
“Hey, who was it?” Narinig niyang tanong ni James sa likuran ng babae.
Hindi siya nito nakita dahil nahaharangan siya ni Margaret. Halos madurog ang puso niya sa nakita. ‘Are they going out?’ she thought. Halata din ang pagkagulat nito nang makita siya.
“Why are you here?” walang emosyong tanong ni James nang makita siya.
“Ahmm―” Tumingin siya kay Margaret.
“She can listen. So speak.” Nasaktan siya sa narinig. Tama ba talaga ang hula niya na may relasyon na ang mga ito dahil puwedeng marinig ng babae ang sasabihin niya. Halos dalawang araw pa lang nang magka-iringan uli silang dalawa.
“James, I think, I have to go.” Paalam ni Margaret dahil sa napupuna nito ang tensiyon sa pagitan nila ni James. Kinuha nito ang bag sa loob at nagpaalam sa kanilang dalawa. Nang makaalis ito ay inaasahan niyang papasukin siya ni James, ngunit hindi nangyari ‘yon.
“So, what do you want?”
“I just want to talk to you,” aniya.
“Maybe, we should talk to some other place,” wika nito.
Pumunta silang dalawa sa restaurant malapit lang sa condominium na tinutuluyan nito. Kakaunti lang ang tao roon kaya tahimik at makakapag-usap sila ng maayos. Umupo sila sa pandalawahang mesa sa sulok ng kainan.
“James, first of all, I want to say sorry,” simula niya. Nakatingin lang ito sa kanya. “I know, nasaktan kita noon. I don’t want to leave you that time pero kailangan.”
“So what’s the fu**ing reason why you left?” anito na mahuhulinigan ang galit. Natahimik siya, should she say it? Pero, ayaw niyang mag-away ito at ang Ninang Marge niya.
“The reason wasn’t important at all. Ang mahalaga, we should fix “Us”. Ayokong magkaroon tayo ng hindi pagkaka-unawaan habang buhay.”
“What do you mean?”
“James, it’s okay with me if bilang kinakapatid mo na lang talaga ang mag-uugnay sa’tin. I just want to make up with you. As a ― friend.” Muntik na siya mabilaukan dahil sa huling salitang binanggit niya.
“You want us to be friends again dahil ba kay Sam?”
Nalito siya sa tanong nito. “Sam? What’s with him?”
“Oh, c’mon Devon. That guy likes you and you also like him.”
“Then, what about Margaret? Kung kayo ng dalawa, wala na ‘kong pakialam do’n, so please, do not include Sam in this conversation,” aniya.
“So it’s really because of him? Fine, we should not see each other again. I’ll forgive you for what happened eight years ago, but don’t expect me to be friends with you again. Seriously, dapat wala na talagang namagitan sa atin uli noong nakaraang linggo kung ganito rin pala ang kahahantungan natin.”
“James, you’re the one who doesn’t want to be committed,” mahinahong sabi niya.
“And thanks for that, dahil naiwasan ko uli ang masaktan.”
Bumuntong hininga si Devon habang pinipigil ang luhang gusto nang umalpas sa mga mata niya. “I think this is enough. If you don’t want to be my friend again, I respect that. You can expect that you won’t see me again.”
Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa sinabi niya. Tumayo na si Devon at nagpaalam kay James. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Dumiretso siya sa kuwarto at umiyak. Her decision is final, she’s going back to LA. Kakausapin niya si Sam na sasabay na siya dito pauwi.
Buong maghapon siyang nagkulong sa kuwarto. Bumaba lang siya nang maulinigan ang ingay sa baba. Kararating lang ng tatlo at may dala-dalang groceries.
“Hi Shine!” bati sa kanya ni Sam nang makita siya.
“Ano Dev, gusto mo pa bang uminom?” biro ni Ken sa kanya.
“Oo ba!” aniya na ikinabigla ng tatlo. Alam ng mga ito na hindi siya palainom, pero anong magagawa niya if she needs the power of alcohol this time.
“Sis―” nag-aalalang usal ni Coleen.
“Hey, bakit ganyan ang tingin ninyo sa’kin?!” natatawang saad ni Devon. “Ayaw ni’yo ba?”
“No, it’s okay. I’m goin’ back to LA next week so we should enjoy our time together.” Si Sam.
“I’m goin’ with you,” aniya na ikina-kunot ng noo ni Coleen.
“Dev, akala ko ba you’re staying here for good?” Coleen asked.
“Coleen, I think, need ko na talagang bumalik sa LA. Nag-aalala na rin ako kay tita and the restaurant needs me,” dahilan niya. “Anyways, let’s continue our session,” masiglang wika niya at dumiretso sa kusina. Kumuha siya doon ng walong cans ng beer na stock ng papa nila at mga crackers.
“I’ll help you,” saad ni Sam sa tabi niya habang inaayos ang ice bucket sa kusina. “I know you have a problem Shine.”
Napahinto siya sa ginagawa at yumakap sa kaibigan. Niyakap din siya nito at hinagod-hagod ang likod niya.
“I still love him. I want him to be mine again. I promised to win him back noon kahit na sinaktan ko siya, but it turned out that it would not happen anymore.” Napahagulhol na siya dito.
“Shine, if you still love him, just continue it. Maybe someday, he’s the one who will come to you. You’re a tough woman.”
“Thank you Sam. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ‘di ka dumating.”
“I’m your bestfriend, remember? The Shine I know is a tough woman, full of confidence and a nice person.” Pinunasan nito ang magkabilang pisngi niya na basa ng luha at kinurot ‘yon. Napalo niya tuloy ito at ikinapahiyaw nito.
“You’re always doing that to me.”
“It’s because, you’re so cute.”
“Bolero ka talaga. Hindi ko alam kung bakit mo napasagot si Yen,” aniya na ang tinutukoy ay ang kaibigan nila sa LA na nobya nito.
Pagkatapos niyang tapatin ito noon na hanggang magkaibigan lang sila, sinubukan nitong ibaling ang pansin sa kaibigan nila pareho na si Yen. Habang tumatagal na nagde-date ang dalawa ay nadevelop na rin si Sam sa babae. Two months pa lang ang mga ito, pero engaged na ang mga ito. Ayaw na daw kasi pakawalan ng kaibigan si Yen at baka mawala pa.
Niyaya na siya ni Sam na pumunta sa sala kung saan naghihintay ang kapatid at si Ken. Wala ang ama nila ni Coleen, dahil may seminar daw itong pinuntahan at bukas pa ang balik. Isinantabi niya na muna ang tungkol kay James at ibinigay ang buong oras s ibang kaibigan.
Mabilis na lumipas ang isang linggo, at sa loob ng mga araw na iyon ay inayos niya ang pagbalik niya sa LA. Ayaw pa siyang payagan ng ama nung una pero napilit niya rin ito. Nakipagkita siya sa ibang kaibigan na sila Fretzie at Ivan na kasalukuyang naghahanda para sa kasal ng mga ito next year. Sinabihan siya ni Fretzie na kailangang present siya sa kasal nito dahil siya ang maid of honor. Nakipagkita rin siya kila Ann and Tricia na kararating din lang sa Pilipinas galing sa ibang bansa.
Iniwasan niya rin ang makarinig mula kay Ken ng tungkol kay James. She wants to forget him and focus on her life. Nasa airport na sila at maghihintay pa sila ni Sam doon ng two hours bago ang flight nila.
Niyakap niya ang papa niya at hinalikan ito. Binilinan siya nitong tumawag lagi. Si Ken naman ay pinagsabihan niya. Tatawa-tawa ito habang nagsasalita siya dahil binantaan niya ito na kapag niloko nito ang kapatid niya, matitikman nito ang lakas ng kamao niya. Si Coleen naman ay maluha-luha habang magkayakap sila. Panay bilin din ito sa kanya na akala mo ay ito ang panganay. Masakit din para sa kanya na iwan muli ang pamilya niya pero kailangan.
Habang papasok sila ni Sam ay kaway ng kaway ang mga ito sa kanya hanggang mawala na ang mga ito sa paningin ni Devon.
“Ready to go?” nakangiting tanong ni Sam sa kanya na sinagot niya ng tango.
Chapter XXV
“Why you’re here?” tanong ni James kay Ken. Hindi niya inaasahan ang pagpunta nito. Kumuha siya ng dalawang kopita at alak.
“Wala lang, just want to visit you. Baka kung ano ng nangyari sa’yo?”
“Why? I’m not sick, why worry?”
“James, I know you still love Devon.”
“Stop it Ken,” supla niya rito. Ayaw niya ng makarinig ng kahit ano tungkol kay Devon.
“Fine. Tutal naman hindi na kayo magkikita uli,” wika nito at uminom.
“What do you mean?” nagtatakang tanong niya rito.
“May DVD ka ba? Let’s watch a movie―”
“Ken―”
“Devon’s going back to LA with Sam tonight. Actually, I was in the airport earlier with tito and Coleen para ihatid sila. Mamayang nine na ang flight nila.”
“You came here just to tell me that?”
“James, Devon left you for your future”
“Anong connection ni Devon sa future ko?”
“Remember what you told me back then? Your father wanted you to go back in Australia or else you will not receive even a single penny from him.” Nakatingin lang si James kay Ken at nag-iisip. “Tita Marge asked you to do it but you refused because of Devon. She met with her at nakiusap na makipaghiwalay sa’yo, and that time tito Robert wanted Devon to study in LA.”
“Even if Mom asked her, she could refuse. She even told me that she didn’t love me at all.”
“James, sa tingin mo. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Devon, hindi mo kaya magagawang magsinungaling para sa minamahal mo?”
“It was eight years ago. Did Devon ask you to tell that to me?”
“Nope, actually, nalaman lang namin ni Coleen ang bagay na ‘yan from Sam. Kahit sa kapatid niya, hindi niya sinabi ang tungkol doon.”
“Sam was really special to her, don’t you think so?” sarcastic na turan ni James bago lumagok ng alak.
“Hey, I smell some jealousy. Sam was her bestfriend in LA. He has a girlfriend and they were planning to get married soon. That’s the reason kung bakit pumunta si Sam dito, just to buy a ring for his fiancée.”
“You’re lying, right?”
“You know me dude. I’m not a liar.”
Pagkarinig ni James sa sinabi ng kaibigan ay dali-dali niyang kinuha ang susi ng kanyang motorsiklo.
“Where are you going, dude?” natatawang tanong nito.
“You already know,” at dali-dali siyang lumabas papunta sa parking area.
Pinaharurot niya iyon upang makarating agad sa airport. It’s almost eight forty-five in the evening. He’s a jerk, bakit ba hindi niya ito sineryoso nang bumalik uli ito sa buhay niya. The traffic jam made him irritated. Nahihirapan tuloy siyang makasingit sa mga kotse.
Laking pasalamat niya at bahagyang gumalaw na ang ibang sasakyan. Malapit na siya sa airport, pero malapit na rin ang pag-alis ng eroplanong sinasakyan nito. Nasa parking lot na siya nang maulinigan ang tunog ng eroplanong nakaalis na. Napamura siya dahil alas nuwebe na ng gabi at nakita niya sa TV screen sa may waiting area na nakalipad na ang eroplanong papunta ng LA. Napahilamos siya at napatingin na lang sa kalangitan.
“Are you punishing me?” He asked God.
Umuwi si James na bagsak ang balikat. Naroon parin ang kaibigan at tinanong siya kung naabutan niya si Devon. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy na lumakad papunta sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang picture nila ni Devon nang minsang magpunta sila sa Enchanted Kingdom at tinitigan ‘yon.
“Wait for me Devz. I will come and will never let you go again.” Pangako ni James sa sarili.
It’s been two months mula ng makabalik siyang LA. Mula nang makauwi siya ay gumanda lalo ang takbo ng restaurant nila ng tita niya. Her aunt wanted her to take a vacation but she refused. She wanted to busy herself by going to the restaurant everyday.
Araw-araw silang nag-chachat ni Coleen at ng papa niya, kaya hindi niya masyadong nami-miss ang mga ito. Her father was asking her if she got a boyfriend already. She only laughed about it. Maraming kanong gustong manligaw sa kanya, pero tinatanggihan niya ang mga ito. Mas gusto niya parin ang Pilipino. Masyado pang maaga, para isipin uli ang pakikipagrelasyon, lalo na at galing siya sa heartbreak. Speaking of it, sa loob ng dalawang buwan wala siyang narinig kay Coleen tungkol kay James, basta ang sabi lang nito ay umalis ang huli at pumunta ng Australia.
Masakit ma’ng isipin, pero tuluyan na talaga ‘ata siyang kinalimutan ni James. Aaminin niya, mahal niya parin talga ito. Tama nga ‘ata ang kasabihan ‘First love, never dies’. Mahirap maka-recover kapag minahal mo talaga ang isang lalaki. Ang akala niya, magiging maayos na ang lahat sa kanila ni James nang bumalik siya sa Pilipinas, but she was absolutely wrong.
She was at the counter area, when one of the waiters approached her. May hawak itong thread bracelet at nakilala niya ‘yon. It was the same bracelet na nakuha nila ni James noon sa isang arcade. Nakatago ang kanya sa isang kahon na puno ng memorable items nila ni James.
“Maam, someone would like to give this to you.” Inabot nito sa kanya ang bagay na ‘yon kalakip ang isang sulat. She read it at habang binabasa ay kumakabog ang dibdib niya.
I was stupid for letting the one I love to leave me. And, I was a total jerk for letting it happen for the second time around, not knowing it’s for my own sake. I hope, she could forgive me and let me stay beside her forever.
Pagkatapos basahin ay tinanong niya ang waiter kung nasaan ang nagbigay ng bracelet at sulat. Itinuro nito ang isang lalaking nakaupo sa sulok at may kape sa mesa nito. Nagbabasa ito ng malaking diyaryo dahilan upang hindi niya makita ang mukha nito. She knew, it was him. Her eyes became teary habang palapit dito.
Nakatayo siya sa harap ng mesa nito at hindi makapagsalita. Hanggang sa alisin ng lalaki ang dyaryong nakaharang at itinupi iyon. He was smiling at her. A boyish smile that could make her heart melts.
“It’s been two months,” tanging nasambit ni Devon.
“You’re really pretty. I’m not surprise why most of your customers here are men. I really am lucky. Don’t you think so?” anito na nakangiti.
Umupo si Devon sa bakanteng upuan. Nangalumbaba siya sa mesa at ngumiti kay James, exposing her perfect white teeth. “Why you feel that way? Am I your girlfriend?”
He chuckled at inilapit ang mukha nito sa mukha niya na ikinabigla ni Devon. He cupped her face, then. “Not yet, but you will be,” anito at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.
Napatayo si Devon sa ginawa ni James. “Are you playing with me again?” aniya na ikinatingin ng ibang customers. Tumayo si James at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at nakangiting hinalikan ‘yon.
“I’m not. I was an ass-ole for letting you go. I still love you Devz and I will do everything to make you mine again.”
“But, you said―”
“I already know Devon. I asked Mom about it. Would you forgive me?”
Niyakap niya si James. She was really happy. Ang akala niya, he would never love her again. “Me too, James. I still love you.”
Narinig niya ang palakpakan ng mga customers niya. Nakaramdam tuloy siya ng hiya.
“I think, we should talk privately,” bulong ni James sa kanya.
Habang papalabas sila ng restaurant ay nakaakbay ito sa kanya. Dahil sa hiya, ay mas lalo siyang nagsumiksik dito.
Isang buwan ang matuling lumipas mula ng magkaayos sila ni James ay nag-propose ito sa kanya. Malugod niya iyong tinanggap at balak na nilang magpakasal dalawang buwan mula ngayon. Ang kaibigan niyang si Fretzie ay nag-reklamo dahil ito dapat ang unang ikakasal. Wala na siyang magagawa dahil iyon ang gusto ng groom-to-be niya.
“Are you happy?” tanong niya kay James habang nakaupo sila sa gilid ng pool. Umuwi sila ng Pilipinas at tumuloy sa condo unit nito. Niyaya niya itong pumunta sa pool area upang tingnan ang buwan at mga bituin.
“Of course I am. Being with you is like being with God. You’re the most special part of my life now,” anito at hinalikan siya.
As for her, being with James is her life.
END
gosh........parang btin nman...
ReplyDeletebut i was lucky i'm the first one to read this....
nice story.... i always visit this site to check for updates on ur FF... thumbs up to you... ur a brilliant writer ;)
ReplyDelete@ dhemy: uu nga mej bitin... sana may wedding event tapos nagkaroon sila ng baby/babies para mas kilig!! hehehe... pero choks lang i still ♥ this FF :D
tagal ko na hinihintay na matapos itong FF...nice ending sana may kasunod na story para masaya tayong lahat!!!
ReplyDeleteluv itttttttt
ReplyDeleteawtzzz. how sweet..
ReplyDeletehaii haii..
kakaiyak..