Thursday, September 30, 2010

A Journey to Hate and Love (JaEvon Fanfic) Ch. 11

Chapter XI

     Parang nabingi si Devon sa narinig. Nakatulala siya sa pinto habang hawak ang doorknob. Mabilis ang pintig ng puso niya. Tama ba talaga ang narinig niya mula kay James o iba lang ang interpretasyon niya sa sinabi nito.

     "Dev! Did you hear me?" patuloy ni James. Napako si Devon sa kinatatayuan. Hindi niya maikilos ang mga paa para harapin ito. "Devon!" tawag uli nito. Napasinghap siya nang lumapit ito at pinaharap siya. Nakahawak ang dalawa nitong kamay sa magkabilang braso niya. Nakatungo siya at di magawang salubungin ang mga mata nito. 

     Rinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito bago nagsalita. "I said, you did something to me. I got jealous because of what you did?"  Dama niya ang bigat na nararamdaman ni James. Ngunit, hindi lang iyon ang mga katagang hinihintay niya para makumpirma kung tama ang hinala niya sa mga sinabi nito.

     "I like you Devon," pabulong na sabi nito. Pero ang munting bulong na yun ay parang kasing-lakas ng musikang pinapatugtog sa labas ng opisina. "Dev, please look at me," pagsumamo nito. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang titig nito. Nangungusap ang mga mata nito. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Kanina lang ay  inakala niyang ang nagugustuhan ni James ay si Anne, dahilan upang lubos siyang masaktan pero ngayong nagtapat ito, halo-halo ang emosyon niya. Masaya siya but at the same time malungkot. "I got mad when you and Ken go out. It looks like both of you are dating and it's killing me."

    Ipiniksi niya ang mga kamay nito na nakahawak sa kaniya. Hindi niya kayang saktan ito ngunit kailangan. "I'm sorry James!" Natigilan itong bigla. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha nito. "I'm really sorry!" dugtong pa ni Devon bago lumabas ng opisinang iyon. Napagsalitaan siya ng hindi magaganda ng mga nabubunggo niya habang lakad-takbong palabas ng club. Blangko ang isip na nakarating siya ng bahay. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Pagkapasok ng kuwarto ay humiga siya sa kama at doon ibinuhos ang nararamdaman.

* * * * * * * * * * * * * * * * 

     Nakatitig lang si James sa pintong nilabasan ni Devon. Selos na selos siya kanina dahil sa paglabas ng dalawa niyang kaibigan. Sinundan niya pa si Devon sa pagpunta nito sa parking lot para kitain ang kaniyang bestfriend. Naghaharutan ang mga ito na akala mo ay magnobyo. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito para sa isang babae. Sa tanang buhay niya, ngayon lang din siya nagpahayag ng nararamdaman, pero 'Sorry' lang ang nasabi nito sa kaniya. Gusto niyang manuntok upang ilabas ang sakit na nararamdaman. Gusto ba talaga nito ang kaibigan niya kaya hindi siya nito matanggap. Napakatanga niya. Napakalaking gago niya. Ititigil niya ang kahibangan niya. Tama na ang nasaktan siya ng iisang beses. Sisikilin niya ang damdamin para dito. 

    Padabog na ibinalibag niya ang pinto pagkalabas. Sinalubong siya ni Jessa, ang babaeng kasama niya kanina. "What happened? That damn girl!" Tiningnan niya ng masama ito sa pagtawag nito kay Devon ng ganon. Ikinawit nito ang kamay sa kaniya ngunit agad ding ipiniksi iyon ni James. "Why?!" manghang-tanong nito.

    "Just shut-up and leave me alone!" Habang palayo siya dito ay rinig niya ang inis na tawag nito sa kaniya.

* * * * * * * * * * * * * * * *

     Hilam sa luha ang mga mata ni Devon nang nagising siya. Pasado alas-dose na at tirik na tirik ang araw. Hindi niya namalayan kung anong oras umuwi si James. Iniisip nya parin ang nangyari kagabi. Paano niya kaya ito pakikiharapan. Galit kaya ito sa kaniya. Tumayo siya at naghilamos. May pasok si James tuwing martes kaya alam niyang wala ito sa bahay.

     Pagkababa niya ay nagluto siya ng pritong itlog at iyon ang iniulam. Wala siyang ganang magluto. Tinawagan niya si Fretzie, kailangan ng kausap ni Devon. Napagkasunduan nilang magpalipas ng gabi sa bahay nito. May gagawin rin naman silang working paper sa accounting at puwedeng idahilan iyon ni Devon upang pansamantalang makaiwas kay James. Bitbit ni Devon ang bag na may lamang damit at school materials pababa ng hagdan nang tumunog ang telepono.

     "Hello?" sagot niya.

     "Hija, ang ninang mo'to. Kamusta na kayo diyan ni James?" masayang wika nito.

     "We're okay po. Kayo po diyan, kamusta po?"

     "We're also fine hija. Sa sunday ang balik namin. May ipapakilala ako sa'yo pagdating namin diyan."

     "Sino po?" curious na tanong ni Devon.

     "Basta hija. Tiyak na ikatutuwa mo," excited na sabi nito. "O siya. Tumawag lang ako para siguraduhing okay kayo. Just tell him, call me back. Bye!" May sasabihin pa sana siya pero ibinaba na nito ang telepono.

* * * * * * * * * * * * * * * *

     James was taking a nap on the rooftop of their school's building when his celphone beeped. One message he got from Devon.

     "James, I went 2 Fretz haus 2 make r workng papers. I'll spend d nyt hir. Ur mom called, she sed col her bak." 

     He's still not feeling well of what had happened yesterday night. James couldn't think well in their class this morning so he decided to not attend others this afternoon. It's okay with him if Devon doesn't like him but she only said 'sorry' and that's so frustrating. He didn't get what's the meaning of that. 'Shit Devon! You're making me crazy!'

* * * * * * * * * * * * * * * *

     "Oh bakit tingin ka ng tingin sa celphone mo? Kaninong text ba ang iniintay mo?" nakakalokong tanong sa kaniya ni Fretzie habang nasa veranda sila ng bahay nito at nagawa ng assignment nila. She told her what happened and the only thing she does was giving her a head knock.

     "Wala!" sabi niya at pinindot-pindot ang calculator niya.

     "Wala daw! Halata ka ineng, kaya wag na magdeny! Sorry bes ha, pero ang tanga mo!"

     "Tanga na kung tanga pero di ko talaga matanggap eh dahil nakakahiya kay ninang at isa pa hindi ko kayang pumasok sa isang relasyon hanggat hindi ako buo bes." Napapaluha na siya, na ipinag-alala na kaibigan. Inalo siya nito.

     "Tama na bes. Sorry na. Pero sa tingin mo kung makita mo ang tatay mo andiyan pa kaya ang James na gusto ka?" Natigilan siya sa sinabi nito. May point ang kaibigan niya. "Bes?"

     "Hindi ko na talaga alam Fritz! Naguguluhan ako. Nakatira kami sa iisang bahay at mga teenagers pa lang. Baka masira ang mga pangarap ko sa letseng damdamin na'to"

     "So what kung ganon?! As long as gusto ninyo ang isa't isa. Go for it! Sabihin pang teenagers pa lang tayo basta't matured na ang isip natin, maganda ang kalalabasan ng isang bagay." Natauhan siya sa sinabi ng kaibigan. Bakit nga ba hindi niya bigyan ng chance ang sarili at si James. She handled herself very well while she's growing up. She learned from her mom how to handle things with care, how to think wise, and how to fix her mistakes. It's not bad to try. One decision has been made, she'll tell James about her feelings.

* * * * * * * * * * * * * * * *

    Hinahanap ni Devon si James nang araw na iyon. Nagtataka siya dahil pagdating nila ni Fretzie sa canteen ay hindi kasama ng iba nilang kaibigan ito. Wala ring may alam kung nasaan si James, basta't pumasok daw ito. 'Asan ka na ba James?' wika niya sa sarili. Hindi niya rin makontak ang phone nito. One thing came in her mind, James likes to hang-out in a silent place.

     She was right, he's here at the rooftop. He's sleeping under the small nipa hut placed near the little garden. Devon walks, avoiding to create some noise, not to disturb the sleeping James. She sat beside him and smiling while staring on James' face. She likes this guy so much, no need to deny it.

     "James," mahinang usal ni Devon. Hindi niya nakitaan ng reaksiyon ito dahil sa himbing ng tulog ni James. "James," bulong niya sa tenga nito. Unti-unting nagmulat nga mga mata si James and trying to identify who's beside him.

     "Devon," nahimasmasang wika nito. "What do you need?" iritableng tanong nito at umupo ng maayos. Hindi ito nakatingin sa kaniya at nakasalubong ang mga kilay.

     "Are you mad at me James?" Tiningnan siya nito na parang sinasabing 'hindi ba dapat?'

     "I don't have the right to be mad Devon. If you don't like me, Fine! If you do like my bestfriend, that's fine also!"

     Hinawakan ni Devon ang mukha ni James at pinaharap sa kaniya. Nakangiting nakatitig siya dito habang si James ay nanatili paring busangot ang mukha. "How come, you're always bragging your bestfriend's name here?" nakakalokong tanong niya dito. Inalis ni James ang mga kamay niya.

     "Of course! He's the one you like, not me!"

     "What if I tell you that I don't like him and I like somebody else. Is it also okay with you?" Napatingin ito sa kaniya. Nginitian niya ito ng ubod tamis.

     "What the! Stop smiling!" utos nito.

     "What's wrong with my smile?" nagtatakang tanong ni Devon.

     "Bullshit Devon!" sigaw nito. "If you have something to say, tell me now and leave!" Napipilan siya at di makapagsalita. Paano niya ba sasabihin dito. 'Have a courage Devon, you're tough,' pagbibigay lakas loob niya sa sarili.

      "Fine! I'm the one who'll leave!" Nasa may pinto na si James kaya dali-dali siyang tumayo at niyakap ito sa likod.

      "Sorry James! I like you too and I think I love you! Sorry if I hurt you! I didn't mean it," mahigpit na nakayakap siya dito at nakapikit.

      Humarap ito at nakatitig sa kaniya. "You- you love me?" Di makapaniwalang sabi nito. She nodded and Devon saw a handsome smile on James' face. He's hugging her tightly and kissed her head. "I love you too Dev," bulong nito sa kaniya. She knows, it's a start of another journey not only for her but also for James.

3 comments:

  1. oh my gosh... I lily lily like it...more chapters pa...this story for me is... 3k... Kakaadik, kaka-inlove, kakahimatay... :D

    ReplyDelete
  2. chapter 12 naaaaaaaaaaa :))))))))
    hais salamat . nasabi nadin ni devon !

    ReplyDelete
  3. next chapter na pls!!!
    i so lab it, kyaaa!!!~
    *******

    ReplyDelete