Sunday, October 3, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 12

    Chapter XII

     Labis ang saya ni Devon sa tuwing magkasama silang dalawa ni James. Hindi muna nila pinaalam sa mga kaibigan ang relasyon nila dahil alam nilang may masasaktan. Napag-usapan din nilang dalawa ni James na itago sa ina nito ang ugnayan nila sa takot niya na magalit sa kaniya ang ninang niya. Ngayong linggo ang dating nito kasama ang mag-asawang kasambahay. Nagluto siya ng kalderetang baka at laing para sa hapunan. Kasalukuyang naliligo si James sa pool at siya nama'y nagliligpit ng mga pinaglutuan nang may magbusina ng sasakyan. Dali-dali siyang pumunta sa gate upang pagbuksan ang mga ito. Nagtaka siya dahil sa likod ng sasakyan nito ay may isa ring toyota innova na kulay itim ang papasok sa kanilang tarangkahan.

     "Hay salamat! Nakauwi na din sa wakas," wika ng ninang niya na bagamat halatang pagod ay nakangiti parin. "Manang pakipasok na lang po ninyo ni Mang Ben yung mga prutas," bilin nito sa katiwala. 

     "Devon, okay lang ba kayo ni James dito habang wala kami?" tanong nito. 

     "Okay naman po," kiming sagot niya nang maalala ang lihim nila ni James. Nalipat ang tingin niya sa  lalaking palapit sa kanilang dalawa. Katamtaman lang ang tangkad nito at moreno. Matangos ang ilong at malamlam ang mga mata, parang nakita niya na ito kung saan, hindi niya lang maalala. Naglalaro sa forty to forty five ang hula niyang edad nito. "Devon meet Robert, Robert this is Devon." 

     "Nice to meet you po," nahihiyang sabi niya. Hindi niya alam pero, magaan agad ang pakiramdam niya sa lalaki. Parang matagal niya na itong kakilala. Nasa likod siya ng mga ito habang papasok sa loob, nakatitig siya sa likod ng lalaki. She knows him, nakita niya na ito at sigurado siya doon.

     "Ninang ihanda ko lang po ang table para makakain na tayo ng dinner," paalam niya sa dalawa at ngumiti sa kaniya ang kanilang bisita. Kaibigan siguro ito ng ninang niya. 

     Habang naglalagay ng mga kutsara't tinidor sa mga pinggan ay naglalakbay parin ang isip niya. She already saw him somewhere. Hindi niya tuloy namalayan na nasa likod niya si James.
  
     "What are you thinking?" Napahawak si Devon sa bandang dibdib ng magsalita si James. Napatawa ito sa naging reaksiyon niya, kaya pinalo niya ito ng ubod lakas sa braso. "Ouch!" hiyaw nito. "You hit me again!"

     "Pa'no ginulat mo'ko. Sulpot ka ng sulpot kung saan," natatawang sabi niya.

     "You're mind is roaming somewhere. Who's your thinking? Me?" nakakalokong sabi nito. 

     Devon laughs. "Kapal. Huwag kang maingay, remember our deal. Di puwedeng malaman ni ninang," mahinang sabi niya. Nakita niya ang paglungkot ng mukha nito, kaya parang nakunsensiya siya. "James, ngayon lang naman ito. Naiintindihan mo naman ako diba? Smile ka na, please!" lambing niya dito. 

    "Okay, I understand," saad nito nang nakangiti bagamat kita parin sa mga mata nito ang pagtutol. She knows, James love her so much kaya ayaw nitong ilihim ang kanilang relasyon. Kahit na gustuhin ni Devon na ipagsigawan sa lahat na sila ni James, maraming pumipigil sa kaniya para gawin iyon. Hindi niya kayang saktan si Ken, alam niyang umaasa parin ito kahit na tinanggihan niya na ito nung una. Si Anne naman ay umaasa ding mapapansin ni James at ang ninang niya ang mas lalong pinag-aalangan niya. 

     "Did Ken already invited you?" 

     "For what?" tanong niya habang inaayos ang mga baso sa table. 

     "He sent me a message, inviting for a dinner party at their house tomorrow," habang nagsasalita ito ay halata niya ang makahulugang tingin nito.

     "Stop looking at me like that James," saway niya rito.

     "What look?" maang na tanong nito.
  
     "James, just trust me, okay."  Kinuha nito ang isang kamay niya at pinisil.

     "Sorry," hingi nito ng paumanhin.

     "Devon, ready na ba ang dinner?" tanong ng ninang niya na palapit sa kanila. Pasimpleng inalis niya ang kamay ni James. Napabuntong-hininga siya dahil sa kaba na makita ng ninang niya na magkahawak sila ng kamay. Napatawa lang ng lihim sa kaniya si James, kaya binigyan niya ito ng tingin na tila nagbabanta.

     "How's the conference mom?" tanong nito sa ina.

     "Nakakapagod hijo. Kung wala lang kayong pasok ni Devon, sinama ko sana ka'yo."

     "Maybe next time," sabi ni James at tumingin sa kaniya.  

     'Ang lokong 'to,' wika niya sa sarili dahil sa inaasta ni James. "Ninang, okay na po. Kain na po ta'yo," singit niya para matigil si James sa kalokohan nito.

     Magkatabi sila ni James na kumakain habang ang ninang niya ay katabi ang bisita nila sa kabilang kabisera ng kainan. Ang mag-asawang katiwala naman ay sinabing doon na lang kakain sa kubo para presko. Tinanong siya ni James kanina kung sino ang lalaki pero sinabi niya ditong hindi niya rin alam maliban sa pangalan nito. Masayang nagkukuwento ang ninang niya habang nakain sila. Pinuri din ng bisita nila ang hinanda niya at sinabing paborito nito ang laing. Matapos kumain ay pumunta ang dalawa sa sala at may pinag-uusapang tila importante. Sila ni James ay naiwan at iniligpit ang mga pinagkainan.

    "Aba! himala tinutulungan mo 'ko," tukso niya kay James habang nasa kusina sila upang maghugas ng pinggan.

     "You don't like? Fine," at umalis na lang bigla habang tawa ng tawa.

     "Lazy!" tukso niya.

     "Guwapow namen!" pahabol nito. Habang nagsasabon ng mga plato ay malalim ang iniisp niya. Hanggang kailan kaya nila itatago ang relasyon nila ni James. 

     "Devon, tawag ka ng ninang mo. Ako na diyan hija," sabi ni Manang Lita habang dala nito ang pinagkainan nilang mag-asawa.

     Pumunta siya sa may salas. Nadatnan niyang nag-uusap ang dalawa ng masinsinan. Nakita siya ng lalaki at nginitian. Lumapit siya sa mga ito at tumabi sa ninang niya. "Ano po iyon?" tanong niya.

     "Devon, alam kong matagal mo ng gustong makita ang papa mo," umpisa ng ninang niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Siya si Robert, kababata namin siya ng mama mo sa probinsiya."

     Tumingin siya sa lalaki. "Kilala niyo po ang papa ko?" excited na tanong niya rito. Tumingin muna ito sa ninang niya bago magsalita.

     "I'm Robert Santillan, I'm your father Devon" sabi nito. Napatitig lang siya sa nagpakilalang ama niya. Hindi siya makapaniwala na ito ang ama niya. Tumingin siya sa ninang niya na tila nagtatanong kung totoo ang sinasabi nito. Tumango lang ito at nagpaalam. Nakatungo siya at di makapagsalita. "I know it was shocking hija." Kaya pala parang nakita niya na ito, iyon pala'y sarili niya ang nakikita dito. Ang moreno nitong balat, ang matangos na ilong at mga malamlam na mata. Kuha niya dito ang mga katangiang iyon.

     Tumingin siya dito, sa oras na iyon may mga luha ng dumadaloy sa mukha niya. Kita ni Devon ang paghihirap din ng kalooban ng taong kaharap niya. "Kababata ko ang mama mo at ang ninang mo sa Bicol. Naging kasintahan ko siya noon kahit na tutol ang lolo mo sa'kin dahil sa kahirapan lang din daw ang maibibigay ko sa mama mo. Napagdesisyunan kong umalis ng probinsiya at pumunta ng Maynila upang magtrabaho. Hindi ko alam na buntis siya nung iniwan ko. Hindi na siya nasagot sa mga sulat ko kaya napagdesisyunan kong umuwi. Napag-alaman kong umalis ang mama mo dahil sa pagtakwil ng lolo mo sa kaniya nung nalamang pinagbubuntis ka ni Lucile." Kinuha nito ang kamay niya.

     "Pero bakit di niyo po hinanap si mama?" lumuluhang tanong ni Devon.

     "I tried hija, pero walang makapagsabi kung nasaan kayo ng mama mo. Kahit ngayon umaasa parin akong makikita ko kayo. Nung nakita ko ang ninang mo, sinabi niya sa'kin ang lahat. Gusto kong puntahan na kita that time pero pinigilan niya ko dahil baka ikabigla mo ang pagdating ko sa buhay mo."

      Niyakap niya ang ama ng mahigpit. "Alam niyo po bang matagal na kong nagdarasal na makita ka'yo kahit nung nabubuhay pa ang mama," aniya.

      "Alam ko anak, kaya from now on, sisiguraduhin kong di na ta'yo magkakahiwalay. Aalagaan kita. Siguradong matutuwa si Coleen pag nakita ka." Umalis siya sa pagkakayakap dito. "She's your sister hija. Alam mo bang mas-excited pa 'yon sa'kin na makita ka," sabi nito at kinurot ang pisngi niya. Niyakap niya uli ang ama, at lihim na nagpasalamat sa Diyos.

2 comments:

  1. Whats the role of coleen naman... hehe.. mukhang nagiging exciting ang story.:D

    ReplyDelete
  2. akala ko jowakers ng mommy ni james yung kasama niya..hehe!


    sana sabihin nalang nila na mag gf bf sila!! para free na silang maglambingan!! watyathink??:)

    mabuti mare at nagupdate ka na ulit!

    next na ha..:)

    ReplyDelete