Friday, October 8, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 15-16

Chapter XV

           Nagrereview si Devon sa may veranda nila dahil malapit na ang finals. Nginitian niya ang ama nang mapansing nakatayo ito sa may pinto at pinapanood siya.

            “Hi pa!” bati niya rito at umupo ito sa bakanteng upuan.

            “How is it going anak?” tukoy nito sa pagrereview niya.

            “Okay naman po. Masakit lang sa ulo,” biro niya.

            “Anak, may sasabihin sana ako sa’yo,” seryosong sabi ng ama.

            “Ano po ‘yon?” takang-tanong niya. 

            “I have a sister who’s currently living in states. She’s your Aunt Lucy. Lucy’s managing her own restaurant there. She’s an old maid and has no companion.”

            May kabang bumundol sa dibdib niya. Bakit sinasabi nito sa kanya ang tungkol sa tita niyang nasa ibang bansa. May balak ba itong manirahan sila doon. Nasagot ang mga katanungan niya nang muling magsalita ito.

            “She called me up and asking me to let us stay in L.A.,” patuloy nito. “You know that I have a business here and I can’t take to leave it. Is it okay if you live together with your aunt and study there?” nagbabaka-sakaling tanong nito.

            Hindi siya makapagsalita. Anong dapat isagot niya sa ama? Ayaw niyang iwan ang mga kaibigan at si James. At higit sa lahat ayaw niyang mawalay sa ama at kay Coleen. Gusto niyang tumutol pero hindi niya maibuka ang bibig. Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa mga librong nasa lamesa. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ama.

            “J-just don’t mind what I had told you awhile ago. Continue studying.” Tumayo ito at nagpaalam na.

            “I’ll think about it, pa,” sabi niya na ikinangiti nito.
            


            Natapos ang finals nila kaya nagkaayaan ang tropa na pumunta sa Enchanted Kingdom. Semestral break na nila kaya free na muna silang gawin ang paglalakwatsa, but her sister wasn’t included to that fact. Linggo nila plinano ang gala upang makasama si Coleen. Nasa van silang magkakaibigan na pagmamay-ari din nila Ken at nagkakantahan. Silang dalawa ni James ay magkatabi sa pinakalikod kasama si Coleen, habang sina Tricia, Anne, at ang bestfriend niyang si Fritz ay nasa ikalawang upuan. Nasa harap naman si Ivan katabi si Ken na nagmamaneho. Nakahilig siya sa balikat ni James habang magkahawak ang mga kamay nila. Tinutukso tuloy sila ng kapatid niya na baka langgamin ito sa puwesto nito.

            Her father told her na di alam ni Coleen ang tungkol sa request ng tita nila sa Amerika. She hasn’t told her yet pati na rin kay James. Ang sabi ng papa niya ay hindi naman siya nito pinipilit na tanggapin ang alok nito sa kanya, but, she doubt it. Devon knows na gusto lang ng papa nila na maging maganda ang kinabukasan nilang magkapatid. Her father wasn’t that rich, tulad ng Ninang Marge niya. Tama lang ang pasok ng income nito mula sa advertising agency nito. Siya ang inalok nito dahil kung si Coleen daw ay baka mag-away ang mga ito. Mabait ang kapatid niya pero may pagkamatapang din kung minsan. Pag ayaw nito, hindi na talaga ito puwedeng pilitin pa.

            Sama-sama silang nagpunta sa mga rides. Tinatawanan niya si James, dahil ayaw nitong sumakay sa space shuttle, pero napilit din niya. Pansin niya na ang kapatid ay laging nakadikit kay Ken, kaya may hinala siya sa ginagawi ni Coleen. Tinukso niya rin si Fritz dahil magkasama ito at si Ivan pero itinanggi ng una na may namamagitan na sa mga ito. They ate their packed lunch at the parking lot at pagkatapos ay pumasok uli sa loob at sumakay sa mga rides. Sila Anne at Tricia ay nagpaalam na may pupuntahan lang daw. Hinila naman siya ni James palayo sa ibang kaibigan.

            “Where are we going?” tanong niya rito habang nakaakbay ito sa kanya. Ang mga babaeng nadadaanan nila ay panay tingin kay James. Di tulad ng  ibang babae na nagseselos sa tuwing may tumitinging iba sa mga nobyo nila, siya naman ay proud.

            “Let’s take a ride to that one,” turo nito sa Jungle log jam.

            Medyo nabasa sila pagkatapos ng ride. Nakapila sila sa booth kung saan puwedeng bilhin ang mga larawan nila na kinunan habang nasa taas sila. Tawa siya ng tawa habang tinitingnan ang pictures nila ni James, lalo na ang picture nito na dilat ang mga mata at nakanganga ang bibig habang pababa ang sinasakyan nila. 

            “Why you were only laughing with my shot, see this shot of yours,” tumatawang sabi nito. Pinalo niya ito nang makita ang picture niyang nakapikit at tila matatae, nang mabilis na bumaba ang sinasakyan nila. Naghabulan sila na parang mga bata kaya ang ibang tao ay pinagtitinginan sila. She wasn’t shy about it. 

            Nakaupo sila sa may bench katapat ng Rialto habang nakain ng ice cream. Marami paring tao kahit hapon na, palibhasa Sunday ngayon.

            “Devon, let’s enroll together after this upcoming week,” yaya ni James sa kanya. Natahimik siya sa sinabi nito. She can’t tell James that she was unsure if mag-aaral parin siya sa Pilipinas.

            “O-okay,” kiming tugon niya at napaisip ng malalim.

            “Devon, remember what you promised?” tanong nito sa kanya. Gusto niyang maiyak dahil pinaalala pa nito ang pangako niya dito.

            “Yeah, that we should be together forever and I won’t be leaving you,” tugon niya na ikinangiti nito. 

Inakbayan siya ni James at niyakap ng mahigpit. Buo na ang pasya niya, she won’t leave him and her father and sister. Niyakap niya rin ito ng mahigpit. 

“I love you James,” bulong niya sa tenga ng nobyo.

“I love you too, Dev,” sambit rin nito.
             


            Nagluluto siya sa kusina ng dinner nang tumunog ang telepono nila. Tinawag niya si Coleen upang sagutin ang tawag pero patuloy parin iyon sa pagtunog. Tinungo niya ang salas at sinagot ang nasa kabilang linya.

            “Hello? Sino po ito?”

            “Hello, Devon?” sagot ng pamilyar na boses.

            “Ninang! Kamusta na po kayo?” masayang bati niya rito.

            “Okay lang ako hija.” Nagtaka siya sa tempo ng boses nito, tila malungkot ito. 

            “Ninang?”

            “Ha-ah, Devon puwede ba tayong magkita ngayon? Sa SM Makati na lang para malapit lang.” 

Kinabahan siya sa sinabi nito. May problema ba ito at bigla-bigla na lang siyang tatawagan ng ninang niya. Nag-aalala tuloy siya para dito.

“Sige po, ninang. Mag-bihis lang po ako.”

Ibinaba na ni Devon ang telepono ay ramdam niya parin ang pag-aalala para sa ninang niya. Wala namang nababanggit sa  kanya si James. Kung may problema man ito, she’ll help her no matter what happened dahil mahal niya ito at itinuturing niya ng pangalawang ina.




Chapter XVI
             
Lulugo-lugong nakauwi si Devon sa kanilang bahay galing sa pinag-usapang lugar nila ng kanyang ninang. Hindi niya tuloy napansin ang kapatid na nakaupo sa may pinto ng bahay nila.

“Devon, where have you been? Kanina pa kita hinahanap, paglabas ko ng kuwarto wala ka na?” wika ni Coleen.

“Where’s papa?” tanong niya rito.
            
 “Nasa sala, kanina ka pa nga tinatawagan ni papa sa phone mo, di mo naman sinasagot.”
  
 Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at pinuntahan ang amang nasa sala at nagbabasa ng dyaryo, habang ang kanyang kapatid ay nagtatakang sumunod na lamang sa kanya.

 “Devon, san ka ba nagpunta? I’m calling your phone but you didn’t answer it,” alalang wika ng ama.

 “Pa-, I decided to go in the states,” aniya dito na ikinatahimik ng dalawang taong nasa harapan niya ngayon.

 “What?!” nabiglang tanong ng kapatid. Halata ang inis sa magandang mukha nito. “Are you crazy? Kailan mo pa naisip na pumunta ng states?!”

“Shut up Coleen,” saway ng ama dito. Padabog na umakyat ito ng hagdan at pumasok sa kuwarto nila.

“Bakit biglaan ata ang desisyon mo anak? My problema ka ba?”

“Wala po, pa. Iyon na po talaga ang desisyon ko. As soon as possible this month na rin po sana ang alis ko papunta kay Auntie Lucy.”
             
 “Alright,” sabi nito at tila pinag-aaralan ang mood niya. “I’ll fix your papers para makaalis ka na agad at maasikaso ninyo ng auntie mo ang school papers mo sa L.A.”
             
“Sige po, pa. I’ll go in my room,” paalam niya at hinalikan ito sa pisngi bago pumunta sa kuwarto nila ni Coleen.

Patay ang ilaw sa kuwarto nang siya ay pumasok. Nakita niya si Coleen sa kama nito na nakatalukbong ng kumot. Masakit din para sa kanya ang mawalay dito at sa ama, pero dapat na siyang lumayo na muna. Nang magkita sila ng kanyang ninang sa mall ay ipinagtapat nitong alam na nito ang tungkol sa kanila ni James. Nag-away daw ito at si James dahil gusto ng ninang niyang pabalikin ito sa Australia para doon mag-aral. Tumawag daw ang ama nito at sinabing sa oras na di bumalik si James sa poder nito ay tatanggalan ito ng mana. As a mom, tungkulin ng ninang niya na ipaglaban ang dapat sa anak nito. Pansamantala lamang daw iyon, paliwanag nito sa anak, pero ayaw daw nitong pumayag at biglaang naipagtapat ni James ang tungkol sa kanilang dalawa. James doesn’t want to leave, dahil ayaw siya nitong iwan.

Dahil sa napag-usapan nila, alam niya na ang gustong hilingin sa kanya ng ninang niya. Makipaghiwalay daw siya kay James para pumayag ito, mga bata pa naman daw sila kaya marami pang puwedeng may-ari. She understood her ninang, pero sa kabilang banda, naghihinagpis ang puso niya dahil sa hiling nito. Pumayag siya sa alok nito at sinabi ditong siya na ang bahala para kausapin si James. The best way para makipagkalas sa kanyang nobyo ay ang suggestion ng kanyang ama, ang lumayo at pumunta sa ibang bansa. But deep inside her, takot siyang harapin si James, ang magiging reaksyon nito, at higit sa lahat ang galit nito.

Devon took a bath and went to her bed. She’s calling James, after two rings, he answered.

“Hi James!” she greeted.

“A sudden call from my girlfriend. It’s a surprise!” tumatawang wika nito.

“Haha- Funny,” segunda niya. “J-james-”
  
“Hmm?”
         
 “I have something to tell you tomorrow. Can we meet?”

“Sure! Where?"

“Sa may playground diyan sa inyo. Mga six p.m.”

“Okay, see you then, tomorrow,” wika nito.

“Bye.” Pipindutin niya na ang end button nang muling magsalita ito.

“Bye. I love you Devz,” sabi nito. “I love you-” ulit pa nito dahilan upang umalpas ang mga luhang kanina niya pa pinipigil. Rinig niya ang nag-aalalang pagtawag nito ng pangalan niya, dahil sa hindi niya pagtugon.

 Nabigla siya ng hablutin ni Coleen ang celphone niya at pinatay ito. Nakapamaywang ito sa harap niya, bagamat may inis parin sa mukha nito, she knows she’s worried about her. Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya.

 “I know sis, you have a reason kaya gusto mong lumayo,” wika nito. Napahagulhol siya ng malakas.

 “I thought, I’m strong, pero hindi pala. Akala ko lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa’kin ngayon ay panghabang-buhay na, hindi pala.”

 Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tinitigan siya.

 “Sometimes, we hope that those good things na nangyayari sa’tin ay hindi na sana matapos. But wrong, we must not hope for that. Hindrances, struggles and unfortunate things will come kahit na ayaw natin.Lord knows kung bakit dumadating sa’tin ang mga pagsubok, those things make us better and stronger. The only thing we should always do is to pray.”

Dahil sa mga sinabi ni Coleen, mas lalo siyang napaiyak. Niyakap niya ito upang kumuha ng lakas. Hindi niya na namalayan na nakatulog siya katabi ang kapatid.


          
Tanghali na siya nagising kinabukasan. Mugto ang kanyang mga mata pagharap niya sa salamin. Naligo siya at nagbihis. Tinawagan niya si Coleen na kasalukuyang may pasok ng araw na iyon. Sinabi niya ritong samahan siya mamayang hapon para makipagkita kay James. Hindi niya kayang umuwing mag-isa pagkatapos itong kausapin mamaya.
  
She’s eating her brunch when someone’s calling through their landline. It was her father.

“Devon, I already fixed your papers. Madali lang naman dahil may mga backer ako. Actually, I already got your plane tickets. This Saturday ang flight mo papuntang L.A.”

Wala sa huwisyong naibaba niya ang telepono. She’s leaving on Saturday. Three days na lang niyang makakasama ang kapatid at papa niya. Higit sa lahat iiwan niya na ng tuluyan si James.



Eksaktong alas-sais nang makapunta sila ni Coleen sa playground sa subdivision nila James. Pumunta ito sa di kalayuan upang bigyan sila ng pagkakataon ni James na makapag-usap ng solo. Sinalubong siya ni James nang nakangiti na agad niya ring niyakap. He hugged her back.

“Alright, you said, you have something to tell me. Let’s seat,” yaya nito sa kanya.

Pinigilan niya ito. She should make this quick. Umalis siya mula sa pagkakayakap dito at hinaplos ang mukha ni James. Pagtataka ang rumehistro sa guwapong mukha nito.

 “Stop it,” anito at inalis ang kamay niya. “Seriously, you’re weird. Last night, I’m talking with you on the phone, but, all of a sudden, you hung-up.”

 “I want to break up with you,” usal niya. Nabigla ito.

 “What? C’mon, Devon. This is not the right time to joke around,” inis na wika ni James.

 “I wasn’t joking, James. Let’s stop this relationship. I don’t l-love you a-anymore,” pautal na wika ni Devon.

James, grabbed her wrist and gripping it. He was mad, totally mad. Tiniis niya ang sakit na nararamdaman. Pinipigilan niya rin ang luhang unti-unting namumuo sa kanyang mga mata.

“No, I don’t believe you! Tell me, this is only one of your jokes,” pakiusap nito sa kanya.

“I’m sorry. I really don’t love you anymore. And, I t-think, hindi talaga kita minahal, James.” Halos parang may bikig sa kanyang lalamunan sa huli niyang binanggit.

Napatulala ito at tila inaalisa kung seryoso ang mga sinabi niya. Binitawan nito ang kamay niya at nanatiling nakatingin sa kanya. Kita niya rito ang sakit at pait na kasalukuyang nararamdaman nito. Tumalikod siya at naglakad palayo dito habang dumadaloy ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Narinig niya ang mga huling katagang sinabi ni James habang siya’y naglalakad palayo.
  
“Fine! Leave me! You’re all the same! Don’t ever come back! We’re done! You’re a liar!”

            

Umiiyak si Devon, habang lulan ng eroplano papuntang Amerika. Bago siya umalis ay tinawagan niya ang ibang mga kaibigan at nagpaalam. Nalaman niya na lang kay Fretzie, biyernes ng gabi, na pupunta rin si James pabalik sa Australia. Nagtagumpay siya at nagkalayo na sila ni James. Ngunit, ipinangako niya sa sarili na babalikan niya ito balang araw, kahit galit pa ang isukli nito sa kanya. ‘Someday, we’ll be together again, James.’ Pinahid ni Devon ang mga luha, at tumingin sa bintana kung saan kita niya ang makapal na ulap.

           

  

2 comments:

  1. ay ang sad :((((( magkita na sana . haaaayyyy . naiiyak nako dito . huhu .

    ReplyDelete