Tuesday, October 19, 2010

A Journey to Hate and Love (JaeVon Fanfic) Ch. 20


Chapter XX


            “It’s me, James,” wika niya at nagpakita dito.

            “What are you doing here?!” galit na sigaw nito.

            Namumutla ito at nagpipilit na bumangon sa pagkakahiga. Umubo ito, kaya napalapit siya sa kinaroroonan nito at umupo sa gilid ng kama. Nakatingin sa kanya ito ng masama. Napabuntong-hininga si Devon bago sinipat ang noo nito. Sobrang init ng temperatura ni James kaya lubos siyang nag-alala. Nagulat siya nang biglang alisin nito ang kamay niya.

            “Why are you here? Will you please leave me alone!”

            Babangon sana uli ito, ngunit sumakit ‘ata ang ulo nito dahil sinapo nito ang sintido.

            ‘You’re so hard-headed, James’ wika niya sa sarili.

            “Kung ako sa’yo, ‘wag mo ng ambisyoning bumangon dahil ‘di mo kaya,” aniya na nangingiti na lang dahil sa katigasan ng ulo ng kaharap niya.

            “Who the hell are you para pagsabihan ako? Get out.”

            “No, James. I will stay here, whether you like it or not.”

            Lumabas sandali ng kuwarto si Devon at kinuha ang medicine kit na pinadala ng ninang niya. Alam daw kasi nitong walang gano’n sa condo ni James.

            Napasukan niya si James na nakapikit ang mata, pero alam niyang hindi ito natutulog. Umupo uli siya sa tabi nito.

            “James, put this in your armpit,” tukoy niya sa thermometer. Hindi ito umimik.

            “If you won’t do it. Ako ang maglalagay.”

            Hindi parin ito umimik. Bigla niyang hinila ang kumot nito pababa.

            “What the hell?!”anito.

            Binigyan niya ito ng nang-iinis na ngiti bago itinaas ang manggas ng damit nito at inilagay doon ang thermometer.

            “Are you gonna kill me or what?”

            “Kaya umayos ka para maganda ang trato ko sa’yo.”

            Kinuha niya ang thermometer at tiningnan ang body temperature ni James.

            “My God, thirty eight degrees. Buti at nakayanan mo pa. Kailan ka pa ba may sakit?”

            Hindi ito nagsalita. Nakapikit lang at tila nag-iimagine na wala ang presensiya niya doon. Pinalo niya ito.
           
            “Ouch! Ganyan ka ba mag-trato ng pasyente?” reklamo nito.

            “Oo, kung ang pasyente ko ay yung tulad mong matitigas ang ulo. Hala, kailan ka pa ba mayroong lagnat?”

            “Last night.”

            “Last night pa? Grabe ka talaga. Mabuti pa umidlip ka muna. I’ll cook porridge. Iyon muna ang kainin mo bago ka uminom ng gamot.”

            Nangalikot na siya sa kusina nito. Kumpleto naman ang gamit doon. Nagluto siya ng lugaw at nilagyan lang ng kaunting asin upang magkalasa. Pagkaluto ay naglagay siya sa mangkok at dinala iyon kay James.

            “James,” tawag niya at niyugyog ito ng malumanay para magising. “Kumain ka na, habang mainit pa.”

            Nagpasalamat siya at naging masunurin naman ito at hindi na nakipagtalo pa. Hinang-hina ang katawan nito kaya siya na ang nagsubo dito. Pagkatapos kumain ay pinainom niya na ito ng gamot.

            “James, take off your shirt.”

            Napatingin itong bigla sa kanya.

            “Don’t be silly. I’ll just give you a massage para bumaba ang lagnat mo.”

            Pagkarinig nito sa masahe ay nanghihinang hinubad nito ang t-shirt at dumapa. Kinuha niya ang oil na kasama sa medicine kit. Pagkatapos niyang masahiin ito ay nakatulog na ito. Kumuha siya ng cold compress at inilagay sa noo nito.

            Nasa sala si Devon at nanood nang marinig niya na tinatawag siya ni James. Sumilip siya sa kuwarto nito. Nagtaka siya dahil tulog naman ito. Pabalik na siya sa sala nang marinig niya uli ang pangalan niya. Pumasok siya at nilapitan ang natutulog na si James. Pinagmasdan niya ito.

            “Devon-” usal nito.

Nananaginip nga si James. Umupo siya sa tabi nito.

“Why did you leave me-?” anito at nakita niya ang munting butil ng tubig sa gilid ng mata nito.

He’s still hurting, the same way how she feels. She loves this man. Pero hindi niya alam kung pa’no uumpisahan ang pagbawi sa pagmamahal nito. Lumapit nang bahagya si Devon kay James at hinalikan ang noo nito.

Sinipat niya uli ang noo nito at napangiti siya nang bumaba na ang temperatura ni James. Hindi niya pa maiwan ito, dahil baka bumalik uli ang taas ng lagnat nito. Tinawagan niya si Coleen at sinabi dito kung nasaan siya at bukas na rin ang uwi niya. Ito na daw ang bahala magdahilan sa papa nila.

It’s almost seven in the evening kaya nagsaing siya at nagluto ng uulamin niya. Pinagluto niya rin si James ng sopas para sa hapunan nito. Pagkatapos niyang kumain ay dinalhan niya na ng pagkain si James sa kuwarto. Tulog parin ito pag pasok niya sa kuwarto. Ginising niya ito at sinubuan bago pinainom uli ng gamot. Nakatayo na siya dala ang pinagkainan nito nang magtanong si James.

“It’s already late. Hindi ka pa ba uuwi?”

“Nope, I’m staying here. I’ll just go home tomorrow.”

Natahimik ito at nagkibit-balikat na lang. Nginitian niya ito at bumalik na sa may kusina.

            Hindi alam ni Devon kung saan matutulog. Hindi naman siya puwede sa sala dahil napakaliit naman ng couch doon. Pumunta  siya sa kuwarto upang tanungin si James kung may extra mattress ito. Nadatnan niya itong nagbabasa ng libro.

            “Gusto mo bang mabinat James?” tanong niya rito na nakapamaywang. Tinapunan lang siya nito ng tingin at nagbasa ulit.

            Her nose wrinkled. Hinablot niya ang libro nito at binigyan ng ngiting mapang-asar.

            “I’m not sleepy yet. Anong gusto mong gawin ko dito? Titigan ang kisame hanggang mamuti ang mata ko?” inis na sabi nito.

            Nilapitan niya ito at sinipat ang noo. Wala na itong lagnat, kaya siguro medyo nakaupo na ito ng ayos sa kama. Binigay niya ang libro dito.

            “Go read. Do you have an extra mattress?”

            “In my cabinet,” tipid nitong sagot.

            Nilatag niya ang mattress sa sahig at nahiga na. She’s tired. Buti na lang may extra clothes siyang dala kaya nakapagpalit siya ng pambahay.

            “You’re gonna sleep here in my room?” tanong ni James.

            Humarap siya dito. Sa may tabi kasi ng kama nito niya nilatag ang higaan.

            “Yup,” aniya at nagtalukbong ng kumot. She’s way too tired para makipa-argumento kay James.

            Naalimpungatan si Devon nang marinig na tila nananaginip si James. Binuksan niya ang lamp shade at nakita niya ito na pinagpapawisan. Ginising niya ito dahil tila binabangungot. Pagkadilat ng mga mata nito ay tinitigan siya ni James at biglang niyakap. Mahigpit ang yakap nito at tila ayaw na siyang pakawalan.

            “Devon- please stay. Don’t ever leave me again. Please-” anito na nanghihina.

            She was really happy. Ibig sabihin mahal parin siya nito.

            “I won’t leave you again, James,” aniya.

            Nakayakap parin ito sa kanya. Minabuti niyang humiga na lang sa tabi nito dahil nahihirapan siya. Nakatagilid ito paharap sa kanya and he was hugging her tightly. He kissed her forehead bago muling ipinikit nito ang mga mata. Nakatulog silang dalawa na magkayakap. Devon prayed na hindi na sana muling matapos ito.

5 comments:

  1. Waaaa... hehehe next chaptie na... Plz.... Demanding ba? hehehe

    ReplyDelete
  2. ano namang project itech lula bite?

    anyways nice chapter meansky :D

    ReplyDelete
  3. @Liana: Di pa po...medyo mahaba p yan..hahah..wait n lng po kau...hehe

    ReplyDelete